Aleli Arroyo’s camp threatens to sue Grace Ibuna; Aleli’s lawyer claims Iggy Arroyo did not recognize Grace as his partner

Grace Ibuna (left) remains silent despite threats coming from the camp of Alicia "Aleli" Arroyo (right). Aleli is the legal wife of Congressman Iggy Arroyo, who passed away last January 26. Grace, on the other hand, is the congressman’s girlfriend.


Si Atty. Lorna Kapunan ang guest kanina sa "Punto Por Punto" segment ni Anthony Taberna sa Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN.

Naroon si Atty. Kapunan bilang abugado ni Alicia "Aleli Arroyo, ang misis ng yumaong Representative Ignacio "Iggy" Arroyo.

Ang problema sa pagitan nina Aleli Arroyo at ang girlfriend ni Iggy na si Grace Ibuna tungkol sa kung sino ang higit na may karapatan sa labi at ari-arian ni Iggy ang pinag-usapan nina Anthony at Atty. Kapunan.

Sumakabilang-buhay si Iggy noong Enero 26, Huwebes, sa London. (CLICK HERE to read related story.)

Nakilala sa showbiz si Atty. Kapunan dahil ito ang nagtanggol kay Hayden Kho, Jr. sa kasong isinampa ni Katrina Halili.

Siya rin ang abogado ni James Yap sa annulment ng kasal nito kay Kris Aquino.

At siya rin ang representative ni Rhian Ramos laban sa mga reklamo nito kay Mohan Gumatay, a.k.a. DJ Mo Twister.

May plano si Aleli na sampahan ng kaso si Grace dahil ipinakilala nito ang sarili sa staff ng The London Clinic na asawa ni Iggy.

Si Grace din daw ang nagdesisyon na alisin ang life-support system sa kongresista, na idineklarang "clinically dead" ng mga doktor.

A LOVE STORY. Unang ikinuwento ni Atty. Kapunan kay Anthony ang kasaysayan ng pagmamahalan, pagpapakasal, at eventually, ang paghihiwalay nina Congressman Iggy at Aleli.

Ayon sa abugado ni Aleli, "After six years of courtship, they got married in 1994.

"Ang age difference nila is 12 years. So, 31 years old noon si Aleli at si Congressman Iggy is 43.

"So, mature na yung relationship nila. It’s not as if six months o six weeks.

"Si Aleli noon ay nasa abroad at despite maraming nanliligaw, nakita niya yung sincerity...kasi very, very sincere noon si Iggy."

THE STORY OF TWO WIVES. Sumunod nito ay ibinahagi ni Atty. Kapunan ang mga kasong isinampa nina Iggy at Aleli kaugnay ng paghihiwalay nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang unang kaso na isinampa ni Iggy, custody.

"Naipanalo namin ’yon, we got custody at merong visitation.

"Ang pangalawang kaso, e, yung tinatawag na separation of conjugal partnership.

"Pending pa rin ho ’yon, although recently, hindi na nag-a-appear, lack of interest na si Congressman Iggy, at ngayon alam namin kung bakit.

"Yung annulment po, ang nag-file noon si Congressman Iggy at si Aleli.

"Opposed kasi yung genuine belief niya [Aleli] sa Catholic [religion], that our vows, what God has put together let no man or woman put asunder."

Diin pa ni Atty. Kapunan, "Gusto ko lang linawin, kasi sinasabi nila na there are two wives.

"Yung first wife, e, yung first marriage nila, na-annul."

Ang tinutukoy ni Atty. Kapunan na "first wife" ay si Marilyn Jacinto, na unang pinakasalan ni Iggy.

Patuloy pa ni Atty. Kapunan, "In fact, kaya nagtagal ng six years ang paghintay nila is, hindi satisfied si Aleli na civil annulment lang.

"Naghintay sila ng church annulment...

"Of that marriage, there are two daughters—si Dina saka si Bianca.

"Si Bianca yung naririnig natin na representative ng family sa London."

Si Bianca ay anak ni Iggy sa una nitong asawa na si Marilyn.

"Nag-asawa nga sila [Aleli and Iggy] at ngayon meron silang 14-year-old daughter."

DENYING GRACE IBUNA. Sinabi rin ni Atty. Kapunan na hindi raw nire-recognize mismo ni Iggy si Grace Ibuna bilang partner nito.

Saad ng legal counsel ni Aleli, "Actually, nagugulat nga kami, although nababalitaan ni Aleli at nababasa sa diyaryo, every time she would confront Congressman Iggy, idine-deny.

"Even noong nasa korte na kami, kaya kami nag-file ng preservation of the conjugal parties, kasi nakita namin sa statement of assets and liabilities, panay ang denomination—lumiliit nang lumiliit.

"Kung saan naman niya [Iggy] ginagamit, hindi naman niya ginagamit sa pamilya, doon lang naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And we had said na meron nga siyang babae at in open court, under oath, idine-deny niya [Iggy].

"So, yung sinasabi ni Grace na nire-recognize siya, si Iggy himself didn’t recognize [her] in court."

Dagdag pa ni Atty. Kapunan, "Five years ago, pumasok si Grace sa buhay ni Iggy.

"Saka, hindi naman sila nagli-live-in.

"On and off lang kasi umuuwi rin sa La Vista kung minsan si Iggy."

ALELI NEVER NEGLECTED IGGY. Ipinagtanggol din ni Atty. Kapunan ang kanyang kliyente sa paratang na iniwan nito si Iggy nang magkasakit ang kongresista.

"Yung sinasabi nila na iniwanan naman ni Aleli noong nagkasakit, hindi ho ’yon totoo.

"Hindi na lang nalaman ng publiko, noong 1998 pa nagkaroon ng cirrhosis [si Iggy] at nasa ospital sila most of the time.

"Si Aleli din has already...with the Stock Exchange and naging presidente pa, so binabalanse ni Aleli yung kanyang pagka-mother, pagka-asawa, at taking care...dinala pa nila sa States si Congressman, at gumaling.

Umupo bilang chairman ng Philippine Stock Exchange si Aleli noong nakapuwesto pa si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, asawa ng kapatid ni Iggy na si Mike Arroyo.

Patuloy pa ni Atty. Kapunan, "Masakit ang loob niya [Aleli] kasi, although gumagaling na, itinago ni Congressman Iggy yung mga night outs niya na kasama yung kapatid niya.

"At doon sila [Iggy at Garce] nagkilala.

"Nagsimula na naman ng inom at sigarilyo, at nag-decline [ang health]."

ALELI WANTS IGGY TO GO TO HEAVEN. Iginiit din ni Atty. Kapunan na hindi naghahabol ang kanyang kliyente sa kung anumang ari-ariang naiwan ni Iggy.

Aniya, "Ang mainam sa sistema natin, hindi siya [Aleli] kailangan maghabol. Hindi ho kami naghahabol.

"Itong gulo, kung meron mang gulo, e, hindi naman galing sa kanya. Galing sa mga gusto na guluhin ang pamilya.

"Ano ang hinahabol ni Aleli?

"For the meantime, gusto naman niya...ninakaw na nga si Congressman noong buhay siya, ngayon pa nanakawin [uli].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She [Aleli] wants actually, maniwala man ang mga nakikinig—she wants him to go to heaven and be at peace.

"And strong ang belief niya na yung ginawa ni Grace Ibuna, na tinerminate yung life support, e, kasalanan ’yan.

"Hindi lamang sa batas, kasalanan din ’yan sa Diyos."

JOSE PIDAL. Si Congressman Iggy Arroyo ang umako sa kasalanan noon na ibinibintang sa kanyang kapatid na si former First Gentleman Mike Arroyo.

Sinabi ni Iggy na siya at hindi ang dating First Gentleman ang tunay na "Jose Pidal."

Inako ni Iggy na kanya ang account ni Jose Pidal sa kabila ng mga suspetsang pag-aari ito ng kanyang kuya.

Hindi nakalimutan ni Anthony na itanong kay Atty. Kapunan ang isyu tungkol sa kayamanan ni Congressman Iggy bilang "Jose Pidal."

Sagot ng abugado, "Nakita namin sa statement of assets and liabilities, yung Jose Pidal account, pumunta ’yan dapat sa taong-bayan.

"Hindi naman namin kini-claim ’yon at dapat hindi rin i-claim ni Aleli.

"Kung anuman yung Jose Pidal na ’yan, e, dapat pumunta sa tunay na may-ari—ang taong-bayan."

THE RING. Si Grace ang kasama sa London ni Congressman Iggy nang bawian ito ng buhay.

Tinanong din ni Anthony Taberna kay Atty. Kapunan kung mahal pa rin ni Aleli ang asawa.

"Kapag tinatanong ko siya, wala siyang nasasabi kundi ipinapakita niya yung wedding ring niya.

"Ganoon kaseryoso ang kanyang belief sa marriage.

"Kung mahal pa niya o hindi, e, siguro naman kapag kinakausap niya, makikita mo, mapi-feel mo na mahal pa niya.

"At saka si Congressman Iggy is also a good father, meron silang 14-year-old daughter.

"Yun na lang," saad ni Atty. Kapunan.

LAST RITES, BURIAL, AND LAST WILL. Napag-usapan din nina Anthony at Atty. Kapunan ang sa burol, libing, at last will ni Iggy.

Ayon kay Atty. Kapunan, "Yung papaano siya malibing, alam ni Aleli na when the mother [of Iggy] died, the mother was buried in North Cemetery.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi din niya [Iggy] kay Aleli noon, e, doon din niya gusto sa libingan ng nanay niya.

"Doon naman sa last rites, he said gusto niya sa La Vista.

"Yun ang sinasabi niya kasi lahat naman ng namatay, like his mother, doon din sa bahay.

"Pabayaan na natin yung ari-arian. Confident tayo na klaro ang batas natin diyan."

GRACE KEEPS HER SILENCE. Sa kasalukuyan ay nananatili namang tahimik ang kampo ni Grace Ibuna.

Pero sa pinakahuling panayam sa mga kaanak ni Grace, wala silang balak na patulan ang mga paratang ng kampo ni Aleli.

Suportado rin si Grace ng panganay na anak ni Iggy na si Bianca.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN