John Lloyd Cruz, as he reunites with Shaina Magdayao, says: "Nagkahiwalay kami, nagkabalikan. And now, we’re doing perfectly fine."

John Lloyd Cruz on his role in Unofficially Yours: "In a way, experiment na rin ito na ginawa ko sa sarili ko. It’s because I wanted to portray na porke’t ba kailangang maghubad sa isang eksena, kailangan ba na lagi ninyong makita na maganda or perpekto or parang hinulma? Sabi ko nga, siguro tingin ko nga, ako ang representative ng karamihan ng lalaki. Yun daw ang uso ngayon. Pinapauso ko."


Sa live interview sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz noong Linggo, January 28, inamin ni John Lloyd Cruz na nagkabalikan na sila ni Shaina Magdayao.

Ayon sa Kapamilya actor, "Nagkahiwalay kami, nagkabalikan. And now, we’re doing perfectly fine."

Sabi ni John Lloyd, baka magbakasyon sila abroad ngayong taon.

"Kung papayagan kami. We’re planning this big trip, kasama ang family niya naman."

SARAH & LIZ. Itinanong din ni Boy kay John Lloyd ang dalawa sa naiugnay sa kanya—ang leading lady niyang si Sarah Geronimo at ang ex-girlfriend niyang si Liz Uy.

Tungkol kay Sarah, sabi ni John Lloyd, "Nagkita kami kanina sa ASAP."

Totoo bang nahuli silang nag-uusap on-air?

Paliwanag ni John Lloyd, "No, sinasabi niya na na-miss daw niya yung Bebe niya, yung character sa movie namin.

"Sabi ko sa kanya, ’Na-miss, na-miss, e, ikaw nga, meron ka ng Jeje!’

"Pero I asked her, hindi naman daw totoo."

Muling magsasama sa pelikula sina John Lloyd at Sarah this year.

Sila ni Liz Uy, kumusta sila? Magkaibigan na ba sila?

"At times, nagkakausap kami, especially kapag nagkikita kami sa isang shoot.

"Actually, magkikita kami next week to do a shoot for YES! Magazine," banggit ni John Lloyd.

Ang YES! Magazine ay ang nangungunang entertainment publication sa bansa ngayon. Ito ay print affiliate ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

UNOFFICIALLY YOURS. Napunta na ang usapan sa bagong pelikula ni John Lloyd, ang Unofficially Yours, na katambalan niya si Angel Locsin.

Tungkol saan ba ang pelikula nila?

"Unofficially Yours is a movie na, siguro, matagal nang nasa isip ng mga nasa Star Cinema, sa dami ng bumubuo ng creative pool ng Star Cinema.

"Matagal nang nakalutang ang ganitong tema, pero hindi mabitawan. Hindi madala sa table ni Tita Malou Santos.

"Parang hindi pa ready, hindi pa ready ang audience natin diyan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa ni John Lloyd, "What makes it exciting is, ’eto po, first time kong makakasama si Angel sa pelikula.

"First time niya with Direk Cathy [Garcia-Molina].

"First time naming tatlo sa isang first time na bibitawan ng Star Cinema."

Ang tema ba ng pelikula ay may kinalaman sa kung tamang i-define o hindi ang isang relasyon?

"Exactly! Isa ’yan sa magiging learnings ng parehong character rito," sabi ni John Lloyd.

SEX IN A RELATIONSHIP. Tinatalakay rin daw ng pelikula nina John Lloyd at Angel ang kahalagahan ng sexual relationship. Gaano ba kahalaga sa aktor ang sex sa isang relasyon?

Paglilinaw ni John Lloyd, "Actually, Tito Boy, sorry ha, pero hindi naman siya... hindi tinackle as exactly what you said. Hindi naman yun ang isyu.

"Rather, itong casual relationship, itong casual sex, laganap naman.

"May pagka-taboo, di ba? Nangyayari, pero hindi pinag-uusapan.

"It will be portrayed in the movie without actually telling a lot about it."

HOW SEXY IS JOHN LLOYD? Natawa naman si John Lloyd nang diretsahan siyang tanungin ni Boy: How sexy he is in the movie?

"Literal na may bumara talaga!" natatawang sabi niya.

"Napanood n’yo ba ang No Other Woman? Si Derek [Ramsay] napanood ninyo?

"Ako dito, parang si Derek. Para ako ditong—si Derek Bobot!

"Si Direk Bobot po ay tatay ko sa movie na ito. Kasama rin siya rito.

"Hindi ko alam, kasi hindi naman ako ang magsasabi."

Si Direk Bobot na tinutukoy ni John Lloyd ay si Edgar Mortiz, na may kalahihan ang katawan.

Pero ayon kay Boy, sila raw ay nag-uusap behind John Lloyd’s back. Siya raw ang tipo ng artista na sexy kahit nakadamit.

Sabi pa ni Boy, John Lloyd’s sexiness "transcends."

Hirit na biro naman ni John Lloyd, "Pinaka-sexy ako kapag naka-cologne ako, e!"

Pero sa seryosong tono, aniya, "Hindi ko alam. Panoorin ninyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In a way, experiment na rin ito na ginawa ko sa sarili ko.

"It’s because I wanted to portray na, porke’t ba kailangang maghubad sa isang eksena, kailangan ba na lagi ninyong makita na maganda or perpekto or parang hinulma?

"Sabi ko nga, siguro tingin ko nga, ako ang representative ng karamihan ng lalaki.

"Yun daw ang uso ngayon. Pinapauso ko."

Magagalit ba si Phil Younghusband, ang rumored boyfriend ni Angel, kapag napanood nito ang pelikula?

Natatawang sagot ni John Lloyd, "Baka kapag nakita niya ang katawan ko, ma-insecure siya." Sabay hirit, "Nakakahiya!"

Gaano ka-sexy rito si Angel Locsin?

"As always, si Angel talaga, effortless. Napaka-sexy.

"Hindi na kailangan itong pelikulang ito.

"Kahit wala ang pelikulang ito, nandoon na.

"Si Angel, number one sexiest sa Pilipinas.

"But this is something new for us, especially for Angel. Kaya natutuwa ako.

"Noong panahon ng Imortal, pinag-uusapan namin, ’Ang sarap siguro Gel na mapunta tayo sa isang set na hindi ganito ka-intense.’

"Alam n’yo naman sa Imortal, di ba, talagang may pagka-gothic at may pagka-dark.

"Pero, hayan, ganito pala, nangyayari."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN