Bianca King says Dennis Trillo exerts all effort to win her mom’s approval

Bianca King on her rape scene in Broken Vow: "Wala, blangko ako. Sobrang... I was not thinking, I was just feeling. I don’t know, kung matatanong ninyo siguro yung mga nasa set nung time na yun, sasabihin nila siguro mukha akong baliw! Kasi pag hindi nagro-roll yung kamera, nakahiga lang ako sa kama, umiiyak. Feeling ko, nangyayari siya talaga. Wala akong iniisip na ako ito, kailangan kong humarap sa mirror at ayusin ang sarili ko


Sa isang interview, sinabi ni Dennis Trillo na flattered siyang malaman na masaya ang ina ni Bianca King sa magandang samahan ngayon ng aktor at aktres. (CLICK HERE to read related story.)

Kaya naman nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca sa presscon ng Broken Vow kagabi, January 30, ang tungkol sa sinabi ni Dennis ang itinanong namin sa kanya.

"Happy ako na happy siya!" natatawang sagot ni Bianca.

Pero dagdag din niya, "Siyempre, kahit sino naman na tao, nakakatuwang marinig na approve sa kanya ang family."

Matagal na raw magkakilala ang mommy niya at si Dennis.

Kuwento ni Bianca, "Nagkakausap na sila before, nung nagmu-Mulawin kami.

"Pero nung kahit nasa Canada ngayon yung mom ko, madalas silang mag-usap at parang open na yung communication nila.

"Nagugulat nga ako minsan na meron na siyang alam, kasi nakukuwento na pala yun ng mom ko, mga ganun.

"Kasi only child ako, e, so nakatutok talaga sa akin yung parents ko sa lahat ng bagay.

"So, ngayon na nakakasama ko siya [Dennis] palagi, parang ang mom ko, gusto niyang makilala kung sino ba itong madalas na nakakasama ko dito sa Pilipinas.

"At kung puwede ko nga lang sanang idetalye kung gaano kabait at accommodating, at lahat ng efforts na ini-exert ni Dennis para makuha nga niya yung approval ng mom ko."

Ano ang pakiramdam ni Bianca sa mga sinabi ni Dennis na sa lahat ng mga naka-close nito na babae ay siya ang "pinaka-sophisticated, edukada, at pribado"?

Sagot ni Bianca, "Salamat na ganun ang pagkakakilala niya sa akin.

"Hindi cliché ang mga ’binigay niyang sagot, parang pinag-isipan niya talaga yung pagkatao ko.

"And I’m very flattered, very, very flattered."

JENNYLYN MERCADO. Sinabi rin ni Dennis sa isang interview na payag siyang makatrabaho muli ang kanyang ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Papayag ba si Bianca kung matuloy ang pagsasamang muli nina Dennis at Jennylyn?

"Parang hindi naman po ako dapat hingan ng permission. Nasa kanya [Dennis] na yun, nasa kanya na yun," sabi ni Bianca.

Magkaibigan daw sina Bianca at Jennylyn.

"Oo, sobra! Ever since, opo!

"Naghihiraman pa po kami minsan ng damit nga sa Party Pilipinas!" at muling tumawa ang aktres.

"May mga times kasi meron siyang kailangan na suotin, ’tapos hindi niya nadala, pinapahiram ko siya. ’Tapos ganun din siya sa akin."

At alam daw ito ni Dennis.

Pero hindi raw nag-uusap sina Bianca at Jennylyn tungkol sa kanilang personal na buhay o tungkol sa kanilang lovelife.

Sabi ni Bianca, "Ay, actually nga po, I don’t really talk about it to anyone, just my mom.

"Kung meron mang taong nakakaalam ng mga detalye ng buhay ko, nanay ko lang talaga yun."

BROKEN VOW. Samantala, ibang-ibang Bianca King daw ang mapapanood ng mga tao sa bagong afternoon soap na Broken Vow sa GMA-7.

Paano niya pinaghandaan ang role bilang Melissa Santiago sa Broken Vow?

"Well, nag-three-day workshop po ako under Beverly Vergel para ma-strengthen nga yung emotional stamina ko dahil napakabigat nga ng mga ginawa ko.

"And nanood din ako actually ng mga movies na may na-rape din, ganun.

"Pero hindi na necessary, e. Pag talagang binasa mo yung script, madadala ka na talaga.

"It’s really a beautifully written material na kakaiba, para nga siyang movie, para siyang pang-primetime talaga," pagmamalaki ni Bianca.

RAPE SCENE. May daring scenes daw siya na pampelikula na ang dating, lalo na ang rape scene niya.

"Opo! Hindi po siya mukhang daya lang. Parang pag napanood na ng mga tao, madadala talaga, kasi mukhang totoo," sabi ng Kapuso actress.

Hindi pa puwedeng sabihin kung sino ang nang-rape sa kanya sa istorya, pero inalagaan ba siya at inalalayan ng kanyang kaeksena? Hindi ba ito nag-take advantage?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman po."

Nag-usap ba sila bago kunan ang eksena?

"Hindi kami nag-usap, e, kasi hindi po ako makakausap nun, e.

"Medyo parang... nagme-method acting ba ang tawag dun?

"Ayokong hinahawakan ako, ayokong kinakausap ako, iyak lang ako nang iyak."

Ilang beses na siyang gumanap bilang rape victim?

"Sa Legacy po, meron po doon, pero parang nahiga lang, ’tapos cut na.

"Pero first time ko yung ganitong klaseng rape talaga."

Kinabahan ba siya sa eksena?

"Hindi naman. Walang kaba.

"Hindi ko naiisip yung sarili ko bilang Bianca nung ginagawa ko.

"Pag nasa taping ako, pag gumagawa ako ng mga eksena, pag nararamdaman ko at naiisip ko lang talaga yung kung anuman yung mararamdaman nung role ko."

Ano ang tumatakbo sa isipan niya nung ginagawa niya yung rape scene?

"Wala, blangko ako. Sobrang... I was not thinking, I was just feeling.

"I don’t know, kung matatanong ninyo siguro yung mga nasa set nung time na yun, sasabihin nila siguro mukha akong baliw!

"Kasi pag hindi nagro-roll yung kamera, nakahiga lang ako sa kama, umiiyak. Feeling ko, nangyayari siya talaga.

"Wala akong iniisip na ako ito, kailangan kong humarap sa mirror at ayusin ang sarili ko, wala, wala talaga."

Alam ni Dennis na may rape scene siya?

"Oo, sinabi ko.

"Gusto ko nga na mapanood niya, e, pero nung una kong tinanong sa kanya kung gusto niyang panoorin, sabi niya, ayaw niya!" at natawa si Bianca.

"Pero ayun, kinonvince ko siya, sabi ko, ’Kailangan mo talagang mapanood, gusto kong makita mo yung pag-arte ko dito kasi proud ako sa ginawa namin.’"

HER LEADING MEN. Kumusta bilang leading man si Gabby Eigenmann?

"Maalalay din siya, maalalay at malambing, at kayang-kaya niya yung role, e. Kayang-kaya niyang ibigay yung mga emotional demands nung role.

"Hindi siya pangkarinawang leading-man role to fulfill properly or to portray a role like this.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kailangan talaga ang tunay na aktor—siya na yun."

Si Luis Alandy naman?

"Same din, maalalay talaga siya at maalaga. Palagi niya akong inaalalayan pati sa paglakad, ganun," sabi ni Bianca.

WEDDING GOWN. Sa Broken Vow ay may eksenang ikakasal si Bianca.

Kaya natanong tuloy sa kanya kung ilang beses na siyang nagsuot ng wedding gown sa eksena sa TV o pelikula.

"Mga tatlo, apat? Sa Sinner Or Saint meron, dito meron din," sagot niya.

Wala ba siyang wishful thinking na gusto na niyang ikasal for real?

"A, in the next five years," sambit niya.

"Yung mga personal wishes ko for myself talaga is, sana gumanda at lalong lumago pa yung career ko. Iyon ang first.

"Parang hindi pa ako talaga magse-settle down until na-satisfy ako sa mga nagawa ko bilang isang single na tao."

Bakit after five years?

"Kasi thirty na ako nun.

"Pag thirty na, parang feeling ko, kailangan mo nang pag-isipan.

"So, for the next five years, myself and my career first.

"Kasi siyempre, when you get married, kapag gusto ko nang magka-family, di ba, hindi na lang puro sarili ko iisipin ko nun.

"So, totodo ko muna yung pag-aartista."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN