Annabelle Rama explains why she blew her top again at Nadia Montenegro in court

"Sinabi ni Nadia kahapon sa kanyang sagot na nakatulong siya sa akin dahil ibinenta niya ng P15,000 ang hospital bed. Na ibinigay niya sa akin ang cash. Doon ako talaga nagalit. Sinungaling talaga siya, ibinigay daw sa akin ang cash! Ang kuwento niya, ipinabenta ko raw sa kanya ang hospital bed. ’Yon ang defense niya, pero ninakaw niya ’yon, ninakaw niya! Sofa lang talaga ang usapan namin. Sofa lang ang hiniram niya, hinakot niya lahat!&quo


Ang hospital bed na kinuha ng dating aktres na si Nadia Montenegro mula sa storage ng talent manager na si Annabelle Rama ang ugat ng pinakahuling pagwawala ni Annabelle.

Ito ay nangyari sa parking lot sa harap ng Prosecutor’s Office ng San Juan City kahapon, January 30.

Dito muling nagharap ang dalawa para sa theft case na isinampa ni Annabelle laban kay Nadia.

(CLICK HERE to read related story.)

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Annabelle sa presscon ng Alice Bungisngis And Her Wonder Walis ng GMA-7 kaninang tanghali, January 31.

Naroon siya upang samahan ang kanyang alaga na kasama sa cast—ang nagbabalik na si Ana Roces.

Dito ikinuwento ni Annabelle ang pinagmulan ng kanyang matinding galit kay Nadia.

Lahad ni Annabelle: "Paalis na kami ng lawyer ko sa Prosecutor’s Office nang itanong ko ang nilalaman ng sagot ni Nadia sa demanda ko sa kanya.

"Ang sabi ng lawyer ko, nakalagay sa affidavit ni Nadia na tinulungan niya ako sa pagbebenta ng hospital bed ko.

"Nagulat ako dahil pati ang hospital bed ko, kinuha niya?

"Di ba, naoperahan ako noon? Ang bahay namin sa Dasma [Dasmariñas Village, Makati City], second floor yung kuwarto.

"Sabi ko kay Eduardo [Eddie Gutierrez, her busband], bibili ako ng hospital bed para doon ako titira sa baba.

"E, noong galing ako sa ospital, magaling na ako. Puwede na akong umakyat sa second floor. ’Ay, hindi ko na kailangan ng hospital bed. Ilagay mo na ’yan sa storage.’ "

Patuloy ng controversial talent manager, "Kahapon ko lang nalaman na pati pala ang hospital bed, kinuha ni Nadia.

"Siya mismo ang umamin na kinuha niya, ibinenta niya. Di ba, pagnanakaw ’yon?

"Biro mo, wala sa listahan ko ’yon.

"Hindi ko alam talaga ang mga kinuha niya sa storage. Hindi ko alam kung more pa ang kinuha niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahapon ko lang nalaman kaya ako nagwawala. Inamin niya, e.

"Ang nasa listahan ko—sofa, tatlong kama, mga antique na aparador, antique na chairs, na mga P400,000 ang halaga.

"Four hundred thousand plus ang kinuha niya. ’Yon lang ang alam ko.

"Hindi ko alam kung ano pa ang ibang kinuha niya, pero may hospital bed pa na lumabas. I thought it was still in the storage."

THE HOSPITAL BED. Pero ayon kay Annabelle, ang talaga raw nakapagpagalit nang husto sa kanya ay nang sabihin ni Nadia na ibinigay ng huli ang napagbentahan ng hospital bed kay Annabelle.

"Sinabi ni Nadia kahapon sa kanyang sagot na nakatulong siya sa akin dahil ibinenta niya ng P15,000 ang hospital bed. Na ibinigay niya sa akin ang cash.

"Doon ako talaga nagalit. Sinungaling talaga siya, ibinigay daw sa akin ang cash!

"Ang kuwento niya, ipinabenta ko raw sa kanya ang hospital bed.

"’Yon ang defense niya, pero ninakaw niya ’yon, ninakaw niya!

"Sofa lang talaga ang usapan namin. Sofa lang ang hiniram niya, hinakot niya lahat!"

Kuwento pa ni Annabelle, "One year and a half ago, tumawag siya [Nadia] sa akin, ’Pahiram ng sofa,’ kasi wala siyang sofa sa bahay niya.

"Yung sofa ko, nasa storage. Pinapunta ko doon si Rudy, yung katiwala namin ni Eddie, para ilabas yung sofa.

"Nang dumating si Rudy sa storage, sabi niya, ’Ma’am, isang truck ang dala-dala ni Nadia.’

Sabi ko, ’Kausapin ko nga ’yan... ’Bakit isang truck ang dala-dala mo, ’day?’

"Ang sabi niya, ’A, kasi wala kaming kotse, truck lang ang available.’

"Ang sabi ko, ’Yung lang sofa ang kunin mo, ha?’ Okay daw.

"Pero pagkababa niya ng telepono, sinabi niya kay Rudy na, ’O, pumayag na si Tita Annabelle, kung ano raw ang gusto ko, kunin ko na raw.’

"Tanga ba ako? Ang antique, ang mahal-mahal, ipapahiram ko lahat sa kanya? Ano ba ako, tanga?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ninakaw niya ’yon dahil kinuha niya.

"Kahapon ko lang nalaman, ninakaw niya ang hospital bed ko.

"Ido-donate ko ’yon sa ospital sa Cebu, brand new ’yon, e.

"Ang hospital bed, P48,000 ang bili ko, ibinenta niya ng P15,000!

"Ang worse pa, ibinigay daw niya sa akin ang pera!

"Magnanakaw na, sinungaling pa!"

SLANDEROUS. Wala raw pakialam si Annabelle kung idemanda siyang muli ni Nadia dahil sa mga sinasabi niya.

"I don’t care kung idedemanda niya ako ng slander.

"Wala namang slanderous doon, a! Totoo naman na mataba siya, a!

"Totoo naman na magnanakaw siya... ano ang slander doon?

"Isisigaw ko uli ’yan!

"Duwag kamo siya... duwag!

"Bakit ayaw niyang bumaba kahapon? Harapin niya ako kung matapang siya.

"Ayaw bumaba... Nakita mo naman sa TV, umakyat, natakot."

WILL BE DEALT ACCORDINGLY. Kaugnay ng mga pahayag na ito ni Annabelle ay kinuha ng PEP ang panig ng kampo ni Nadia.

Ito ang text message na ipinadala ng abugado ni Nadia, si Atty. Maria Glen Abraham, kay PEP managing editor Karen Pagsolingan ngayong hapon:

"Hopefully Ms. Rama would be prudent enough to restrain from releasing defamatory statements against my client, especially sa pagtawag niya kay nadia na ’magnanakaw’ at this early stage.

"The theft case is already under the determination of the Office of the City Prosecutor of San Juan.

"Without the resolution on said case, my client is presumed to be innocent thus no one has the right to address her as ’magnanakaw.’

"Definitely these actions of Ms. Rama will be legally dealt with accordingly."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN