Luis Alandy on rumors that Iglot was cut short because of Claudine Barretto: "Kung anuman ang pinagdadaanan ni Claudine, it’s something personal."

Luis Alandy on talk pointing to Claudine Barretto as the reason why their soap, Iglot, went off-air abruptly: "Ang hirap din kasi ’pag meron kang pinagdadaanan, e. You cannot fully concentrate on your work. Sometimes you need that break, you need that rest. Pero hindi ko masasabing sumama ang loob ko kay Claudine. Pero, napaka-unfortunate na if the show was cut short, kung na-cut short siya, it was so unfortunate kasi it was really a great experience w


Masaya si Luis Alandy dahil sa sunud-sunod na projects na ibinibigay sa kanya ng GMA-7.

Pinakabagong teleserye niya ang Broken Vow—na mapapanood sa "GMA Afternoon Prime" simula sa Pebrero 6, at nagkaroon ng press conference noong January 30.

"Oo nga, e, sunud-sunod—from Beauty Queen, from My Lover My Wife, ’tapos Iglot, ngayon ’etong Broken Vow.

"For one year, dire-diretso, puro soaps.

"So, I feel so thankful and so blessed talaga na I was given yung ganitong klaseng opportunity.

"Kasi lahat naman ng artists naghahangad to showcase their talent at maging bida talaga," ang sabi ni Luis

Dahil sa magagandang proyektong ibinibigay ng GMA-7, wala sa isip ng aktor ang lumipat sa ibang istasyon.

"Actually, wala naman akong direct offer from ABS-CBN talaga.

"Ang manager ko kasi, si Noel Ferrer, ang nagha-handle ng mga ganun.

"GMA trusts me enough to give me itong panibagong project.

"Pagkatapos ng isang show, may kasunod kaagad, may napaplano agad.

"So, bakit ko naman isa-sacrifice yung lilipat ako, ’tapos dadaan ako sa uncertainty kung ano yung ibibigay sa akin.

"Dito sa GMA, sobrang inaalagaan talaga ako."

PLAYING A "KNIGHT IN SHINING ARMOR." Isa si Luis sa mga bida ng Broken Vow, kasama sina Bianca King, Gabby Eigenmann, at Rochelle Pangilinan.

Kabilang din sa cast sina Marco Alcaraz, Juan Rodrigo, Carmi Martin, Matet de Leon, Jace Flores, Pancho Magno, Lou Sison, Melissa Mendez, Kryshee Grencia, at Ms. Celia Rodriguez.

Bilang si Felix Rastro, si Luis ang sasagip kay Bianca mula sa pagkalugmok matapos hindi matuloy ng kasal nito kay Gabby.

Ano ang challenge ng kanyang bagong role?

"Iba kasi ito e. Iba siya sa Beauty Queen, iba sa My Lover My Wife, lalong iba sa Iglot.

"Kasi yun nga, sunud-sunod kaya ang hirap ng transition from one character to another.

"’Eto, ibang character na naman so yun ang challenge sa akin, kung paano ko iibahin yung personality ko, yung maturity ko as an actor or as the character matures."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siya ang magsisilbing "knight in shining armor" na sasagip kay Bianca sa Broken Vow matapos tumalon ang huli sa tulay.

Kuwento pa ni Luis, "At least hindi na ako yung kontrabida, ’di ba?

"Although hindi ko naman sinasabing hindi na ako tatanggap ng kontrabida role.

"Kasi yung sa Iglot, bad ako dun e. Pero, pagdating kasi sa mga ganitong role na sinasabi mo nga, knight in shining armor, I just play with real emotions.

"Kumbaga, dito kailangang mag-connect talaga kami ni Bianca, kami ni Gabby.

"Kailangan magkaroon talaga kami ng connection.

"Kasi hindi makikita yung chemistry namin onscreen kung hindi namin aaralin talaga yung characters na ibinigay sa amin.

"Natutuwa lang ako na ang gagaling din ng mga kasama ko.

"Si Tita Celia [Rodriguez], siya ang lagi kong kaeksena, ang galing niya.

"Kaya ako, ine-enjoy ko lang kung anumang experience na makukuha ko rito."

RATINGS PRESSURE. May pressure ba sa lahat na ang pang-hapong drama ng GMA-7 ay humataw sa ratings?

"Actually, ang nararamdaman namin ngayon is excitement.

"I don’t know with my other co-actors, pero ako hindi ako nakakaramdam ng pressure.

"Kasi ever since naman I don’t play the ratings game, e.

"I mean, s’yempre, hindi ko naman kontrolado kung susubaybayan ng mga tao yung istorya namin, yung palabas namin.

"Depende pa rin talaga kung paano namin maipahayag sa mga manonood yung istorya namin.

"Like yung My Lover My Wife, we were expecting that it will do good, pero hindi namin in-expect na it will do better pagdating sa ratings.

"I think it was made for eight weeks lang dapat. Pero nagustuhan nga ng mga tao, so in-extend nila at umabot ng 15 weeks.

"So, depende pa rin sa viewers. Kami, we’re just praying na suportahan din ng mga tao itong Broken Vow."

Bagama’t mabait ang projection ng role niya sa Broken Vow, tila napi-feel ng ilang press na dumalo sa presscon na may hidden character si Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May kinalaman ba siya sa mangyayaring rape scene kay Bianca?

"It would be very revealing kung sasabihin kong mero’n.

"Sabihin na lang natin na may kinalaman ako sa magiging conflict ng story. Yun na lang.

"Hanggang doon na lang ang pwede kong sabihin."

WORKING WITH BIANCA. Ayon kay Luis, bagama’t matagal na silang magkakilala ni Bianca, ngayon lang daw niya ito naging kapareha.

"Kasi first time ko siyang makasama na magka-partner kami.

"Sa Dyesebel kasi, nagkasama kami, pero pareho kaming kontrabida roon, e. Dito sobrang close ng characters namin."

Ano ang nagustuhan niya kay Bianca bilang katrabaho?

"Wala siyang inhibitions. Hindi siya nag-iinarte, which made my job easier."

Paano sila nag-click as friends and co-workers?

"I think pareho kami ng wavelength, yung pag-iisip namin na this is our job.

"So, talagang ibinibigay namin kung ano yung kailangan sa role at sa eksena.

"Kinakausap ko siya, ’B [tawag niya kay Bianca], ’Eto yung gagawin ko para comfortable ka lang.’

"Natutuwa naman ako na respectful siya sa opinion ko. Ganun din ako sa kanya.

"Natutuwa ako na we’re professionals talaga pagdating sa taping. Hindi niya ako nili-limit."

Nagpasintabi ba siya sa "rumored boyfriend" ngayon ni Bianca na si Dennis Trillo lalo na tungkol sa mga intimate scenes nila sa soap?

"No, hindi ko naman nakausap si Dennis. Siguro I think we’re both professional actors.

"Ang tagal na rin namin sa industriya. We don’t go beyond sa personal matters naman.

"Kami ni Bianca, we’ve known each other for years now kasi we were in the same management before kay Arnold Vegafria."

CLAUDINE BARRETTO. Hindi naman maiwasang maitanong kay Luis ang nakatrabaho niya sa Iglot na si Claudine Barretto.

May lumabas kasing usap-usapan na diumano’y si Claudine ang dahilan kaya hindi na natuloy ang pag-extend sana ng Iglot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi ni Luis dito? Sumama ba ang loob niya kay Claudine?

"Kung anuman ang pinagdadaanan ni Claudine, it’s something personal.

"It’s something na she needs to work on. Kasi kami ni Clau [palayaw ni Claudine] ’pag magkasama kami, okay kami, e.

"Siyempre, beyond the work atmosphere, kung paano kami magkasama sa work, hindi ko na alam pag uwi niya ng bahay.

"Hindi ko na alam what’s going on.

"You know, kami ni Claudine ilang taon ko siyang nakasama sa Sa Dulo ng Walang Hanggan dati sa ABS.

"’Tapos nakasama ko siya sa drama special. Ang hirap din kasi ’pag mero’ng kang pinagdadaanan, e.

"You cannot fully concentrate on your work. Sometimes you need that break, you need that rest.

"Pero hindi ko masasabing sumama ang loob ko kay Claudine.

"Pero, napaka-unfortunate na if the show was cut short, kung na-cut short siya.

"It was so unfortunate kasi it was really a great experience working with Ms. Claudine Barretto."

Kinontak din ng PEP ang manager ng aktres na si Shirley Kuan para kunan ng pahayag si Claudine, subalit nasa Europe daw ang kanyang talent kasama ang asawang si Raymart Santiago.

Bukas ang website na ito sa anumang statement na ilalabas ni Claudine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN