Rochelle Pangilinan says love scene with Gabby Eigenmann in Broken Vow had her boyfriend’s consent

"Actually, hindi naman kailangan. Pero for respeto, sinabi ko sa kanya. At sabi naman niya, ’Talaga? Gawin mo. Huwag kang kakabahan,’" says Rochelle Pangilinan when asked if she needed to ask permission from boyfriend Arthur Solinap before doing the love scene with Gabby Eigenmann.


Pakiramdam ni Rochelle Pangilinan ay sobrang blessed siya sa kanyang professional at personal life ngayon.

Sa kanyang career, masasabing hindi na lang bilang Sexbomb dancer ang pagkakakilala sa kanya ng tao ngayon dahil napatunayan na niyang magaling siyang aktres.

At sa kanyang personal life, very steady ang relationship nila ng boyfriend na si Arthur Solinap, na kasama niyang nakapaloob sa PPL Management ni Perry Lansigan.

ANOTHER CONTRAVIDA ROLE. Mula sa kanyang pagganap bilang Marikit sa Amaya, ngayon naman, lalabas si Rochelle bilang kontrabida sa Broken Vow.

Ayon kay Rochelle, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi sa press conference ng Broken Vow sa Studio 7 ng Kapuso network, iba raw umibig ang bagong karakter niyang si Rebecca.

"Bilang si Rebecca, sobrang napaka-challenging ni Rebecca.

"Iba ang pagkatao niya. Iba siyang magmahal. Sobrang kaya niyang magtanggal sa buhay niya alang-alang sa pagmamahal.

"Iba ’to. Iba rin si Rochelle. Iba rin si Marikit. Iba rin si Rebecca. So, mahirap siya [gampanan]."

SEXY SCENE? Mula sa trailer ng kanilang serye, napansin kaagad ng entertainment press na nandoon ang love scene nila ni Gabby Eigenmann sa Broken Vow.

"Napaatras din ako nang mapanood ko siya kanina," natatawa niyang sabi.

"Nagawa ko ’yun? Hindi ko siya prinaktis. Ang hirap namang praktisin.

"Nakatulong din sa akin, bilang dancer siguro, malaki ang tulong niya sa akin. Sobrang nagamit ko rin sa part na yun."

HER BOYFRIEND’S COMMENT? Hindi pa raw napapanood ng boyfriend niyang si Arthur Solinap ang eksena nilang yun ni Gabby.

"I’m sure naman, maiintindihan niya yun. Kasi, kilala ko naman si Arthur at kilala niya si Gabby. Magkakapatid kami sa PPL."

Hindi ba mas nakakailang dahil magkakilala sila ni Gabby?

"Sa akin, mas malaki ang naitulong noon sa akin. Mas naging kumportable ako.

"Iniisip ko na nga lang, ’paano kung ibang artista ’to?’ Malamang hindi ko ’to nagawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-sorry raw si Gabby kay Arthur sa Twitter matapos kunan ang kanilang love scene?

"Naku, I’m sure, sasabihin ni Art [Arthur], ’Ano ka ba, wala, trabaho ’yan. Okay ’yan.’ Kilala ko na ’yun."

Ang karakter raw niya ang palaban sa love scene sa kagustuhan nitong makuha ang puso at pag-ibig ni Gabby sa Broken Vow.

Ganoon din ba siya magmahal sa totoong buhay?

"Hindi ako ganoon. Ano lang talaga ’ko, okay akong magmahal, I’m sure. Tanungin n’yo si Arthur."

BROKEN PROMISES? May maaalala ba siyang nag-break ng promise sa kanya sa totoong buhay?

Pag-amin naman ni Rochelle, "Marami nang pagkakataon. Marami na talagang pagkakataon na nangyari ’yun.

"Lahat naman tayo, nakaranas no’n, a. Naging broken hearted ka."

Silang dalawa ni Gabby, nag-prepare pa ba sila for that love scene?

"Panay ang sorry ko sa kanya. ’Sorry ha. Uy, kailangan daw kitang i-kiss.’

"’Sige, gawin mo lang.’ Kasi, alam niya na yun ang kahinaan ko, e.

"Sa mga hindi nakakaalam, diyan talaga ako mahina, sa mga sexy scenes.

"Sobrang nanginginig ako. Sobrang nagpa-palpitate ako.

"Pero kailangan, hindi rumehistro yun sa camera. Hindi ko alam kung paano ko siya nagawa."

Nakailang take sila?

"Medyo nawala ako sa pag-iyak na sa huli kasi masyado kong inisip yung sexy scene," pag-amin niya.

"Nawala talaga ako. Ninenerbiyos ako."

WITH ARTHUR’S CONSENT? Nagpaalam ba siya kay Arthur bago gawin ang naturang eksena?

"Actually, hindi naman kailangan. Pero for respeto, sinabi ko sa kanya.

"At sabi naman niya, ’Talaga? Gawin mo. Huwag kang kakabahan.

"’Mamili ka lang. Kung gagawin mo o hindi. Kung hindi mo ’yan gagawin, hindi mo ’yan magagawa. ’ Yun ang sinabi niya.

"Yun nga lang, nanginginig ang buong laman ko habang tumutungtong ako sa table.

"Pero inisip ko lang, gagawin ko ’to, yes or no lang."

Bilang kontrabida sa Broken Vow ngayon, kakainisan ba siya nang husto ng mga manonood?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana. Sana. Yun ang hinahabol ko. Kasi, hindi ako magiging epektibo kung hindi nila ako kakainisan.

"Of course, I’m sure, sana kaawaan din nila ’ko, kasi sobrang ang ganda-ganda ng pagkatao ni Rebecca.

"Actually, ano lang siya, totoong nagmamahal. Kaya lang, siya ang klase ng babaeng kayang gawin ang lahat.

"Ganoon siya katapang. Ako naman, simple lang naman akong magmahal."

Parang nalilinya siya sa pagkokontrabida.

"Compared doon sa bida at ngayon kontrabida, mas mahirap.

"Pero, mas okay kasi nag-iisip ako kung paano ko gagawin si Rebecca. Iba na ’to.

"Like si Marikit, hindi ko alam kung paano. Noong una rin, hindi ko masagot ang lahat.

"Kung paano gagawin si Marikit. Pero, dumadaan ang araw na nagagawa ko siya.

"Like, sinasabi nga sa akin ng mga mentors na, isipin mo lang lagi. Huwag kang magpapabaya.

"Every scene, every eksenang gagawin mo, dapat ready ka. Dapat hindi mo pinapabayaan."

Mas gusto ba niyang maging kontrabida?

"Mas gusto ko, oo. Mas nag-e-enjoy ako. Kasi, ang kontrabida, ang daming raket," natatawa niyang sabi. "Mas nag-e-enjoy ako."

BIRTHDAY SURPRISE FOR ARTHUR. Kailan lang ay nag-celebrate ng birthday ang boyfriend niyang si Arthur.

Base sa mga Twitter posts nila sa isa’t-isa, nagpasalamat si Arthur sa surprise raw niya rito.

Anong sorpresa ang ibinigay niya sa boyfriend na abut-abot ang pasasalamat sa kanya?

"Hayun, nagbakasyon kami sa Singapore. Sabi ko sa inyo, iba akong magmahal. Masaya."

Paano naging special ang Singapore vacation nila?

Kuwento naman niya, "Kasi, January 19, yun ang alis namin [pabalik ng Manila].

"Mismong January 19, pag-uwi namin bandang hapon, naggawa pa rin ako ng surprise party sa bahay.

"Kahit pagod na, pagdating niya sa bahay, surprise! Party lang.

"Simpleng dinner lang. Nandoon ang family niya. Mga taga-Alabang.

"Actually, kasabay niya kasing mag-birthday ang daddy niya. So, family dinner lang talaga.

"Actually, noong pauwi na kami, sabi niya, ’Birthday ko ngayon ’no. Pero, parang tapos na kasi, nauna ang bakasyon.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, surprise yun... 14-19 kami ro’n. Four nights and five days."

Si Rochelle daw ang nag-ayos ng lahat sa Singapore trip nila.

Kuwento pa rin ni Rochelle, "Takot kasi siya sa eroplano. So, ang ginawa ko, ’eto na ang papel. Pak!

"Una, wala siyang reaction. Tapos noong nagsi-sink-in, parang niloloko niya lang ako na masaya siya.

"Excited naman siya, pero, ’yung eroplano kasi.

"Tinanong niya ako kung ano ang ipapainom ko sa kanya. Benadryl ba, Neozep ba?

"Sobrang takot siya sa eroplano. So, hindi ko siya pinainom."

Puro pasyal daw ang ginawa nilang dalawa sa Singapore.

"Sobrang thankful naman siya. Actually, noong pagbalik nga namin, nalulungkot siya."

Paano naman yung surprise birthday party?

"Ang hirap kayang magsinungaling! Pati mommy niya, kakuntsaba ko.

"Nagpi-prepare sila na hindi dapat mahalata ni Art. Tapos si Tita kausap ko. Sobrang hirap.

"Kasi sa bahay ko ginawa, para malayo, para walang idea.

"Pagdating niya sa bahay ko, madilim. Pero may tables and chairs sa labas. ’May party ba diyan?’ Sabi ko, ’Wala.’

"’E, bakit may bangko?’ Sabi ko, ’Baka ang kapatid ko. Baka nagpa-party.’ Sabi niya, ’Nagpapa-party, madilim?’

"E, hirap na hirap na akong magsinungaling. Pumasok ka na nga!" natatawa niyang sabi raw sa kanyang boyfriend.

"Ang ginawa kong concept, children’s party. May balloons, may hats."

WEDDING BELLS? Niyaya na ba siyang pakasal ni Arthur?

"Hindi pa," mabilis niyang tanggi. "Masaya kaming ganito. Kinikilala pa ang isa’t-isa."

Hindi pa namin tapos ang tanong na kung sakali at yayain na nga siyang pakasal ni Arthur, natatawang sumagot na agad ito ng, "Bakit hindi!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN