Kim Chiu on talk that Xian Lim is only using her: "Hindi naman...Actually, love team kami. Nagtutulungan kami, yun lang ang masasabi ko."

Kim Chiu on people questioning Xian Lim’s motive for courting her: "Hindi naman. Actually, loveteam kami. Nagtutulungan kami, yun lang ang masasabi ko. Hindi naman ako sigurado kung nililigawan niya nga ako. Mahilig siyang magbigay ng mga gifts, kung anu-anong mga surprises, ganun siya."


Isa sa ibinabato kay Xian Lim ay ang isyung kaya lang siya sumikat ay dahil nadikit siya kay Kim Chiu.

Isa kasi si Kim sa maituturing na sikat sa mga batang aktres ngayon, kaya may mga nagsasabing hindi raw magkakapangalan si Xian kungdi dahil sa tambalan nila ng aktres.

Mainit ang naging pagtanggap sa tambalang Xian at Kim sa My Binondo Girl.

Matapos kasing mabuwag ang tambalang Kimerald—Kim Chiu at Gerald Anderson—ngayon lang uli sinuportahan si Kim ng mga tagahanga niya na iba ang kapareha.

SPARE XIAN. Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa young actress noong Linggo sa ASAP, idinipensa ni Kim si Xian.

"Hindi naman, nagkataon lang talaga. Baka yun ang tinatawag nila na time niya na to shine, at ito na yung moment niya.

"Parang nagbukas ng door ang My Binondo Girl para sa kanya kasi hindi naman talaga siya ang leading man ko dito, e.

"Si Jolo [Revilla], nagkasakit. Si Matteo [Guidicelli], nagkaroon ng problema.

"So, siya ang pinareha sa akin and nagustuhan naman ng tao."

Ipinagtanggol din ni Kim si Xian sa sinasabi ng iba na ginagamit lang siya ng aktor, at kung anuman ang magandang ipinapakita nito sa kanya ay para lang sa publisidad.

"Hindi naman. Actually, love team kami. Nagtutulungan kami, yun lang ang masasabi ko.

"Hindi naman ako sigurado kung nililigawan niya nga ako.

"Mahilig siyang magbigay ng mga gifts, kung anu-anong mga surprises, ganun siya."

"Wala pang, I love you, and mas maganda yung ganun.

"Siyempre, ’di ba maganda yung magkaibigan muna kayo bago pupunta sa kung saan-saan."

STILL CONNECTED? Ngayong tapos na ang My Binondo Girl, ayon kay Kim, ’di na sila gaanong nagkikita ni Xian pero tuloy pa rin ang komunikasyon nilang dalawa.

"Okay naman kami, pero hindi kami masyadong nagkikita.

"Busy siya sa pelikulang The Reunion. Nagkaka-text-an pa rin naman kami. Nagkukumustahan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEXT PROJEXT WITH XIAN? Masayang ibinalita naman ni Kim na after My Binondo Girl ay may gagawin silang pelikula ni Xian under Star Cinema.

"May movie kami ni Xian this year, hopefully matuloy. Teleserye? ’Di ko pa alam."

GERALD AND SARAH. Balitang nililigawan daw ni Gerald Anderson si Sarah Geronimo. Niregaluhan ni Gerald ng Tiffany necklace last Christmas si Sarah.

"Wala naman sa akin yun. Hello, ang tagal na, ano ba?

"Ang tagal na naming magkaibigan and okay naman na magkaroon na siya ng inspirasyon niya.

"Lalake siya, siya ang dapat na nanliligaw, hindi siya yung nililigawan.

"Saka okay na talaga kami ni Gerald. Minsan kumustahan, ’Uy, ang ganda ng episode ng Budoy.’"

WORK WITH GERALD AGAIN? Okay lang ba sa kanya na magkatrabaho sila ulit ni Gerald?

"Oo naman, kung gugustuhin ng management."

VILMA SANTOS. Kasama ni Kim ang Star for All Seasons, si Vilma Santos, sa pelikulang, The Healing.

Kumusta katrabaho si Governor Vi? Vi o Ate Vi ang palayaw ni Vilma.

"Buti na lang yung first scene namin ni Gov. Vi, wala akong lines, kasi natutulala lang ako.

"Sabi ko nga kay Direk Chito [Roño], ’buti na lang talaga at wala akong line.

"Yung nagugulat-gulat lang yung acting ko kasi wala yata akong masasabi.

"Basta ako kinakabisado ko naman ang script ko, baka magkamali kasi ako.

"Dapat prepared ako dun sa set with Ms. Vilma. Isang araw pa lang naman kami nagsama, pero ang bait niya.

"Ang lambing-lambing, hawak siya nang hawak. Pakuwento siya nang pakuwento."

"Ang galing-galing niya kahit rehearsal pa lang.

"Nahihiya nga ako kasi may isang scene kami, yung second scene may linya na ako.

"Rehearsal pa lang, todo-bigay na siya sa emotions. Tinodo-bigay ko na lang din.

"Nahihiya naman ako, nakikipag eye-to-eye contact siya.

"Sabi niya lang, huwag daw akong mahihiya, kasi sabi ni Direk Chito [kay Ate Vi], nahihiya ako sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN