Michael de Mesa back in the Philippines to work on Valiente; says he left for the U.S. after being "frustrated" and "disillusioned" by showbiz

Michael de Mesa on leaving for the U.S.: "Actually, matagal nang plano ’yan, e, but you know, on and off, then I finally decided because I got frustrated, major change kasi on what’s been happening. You know, the system, ’yong showbiz industry. It’s very different from what I’ve been used to, from where I grew up in, where I started, it’s very, very different now. So, I guess you can say that I got a little frus


Nagbabalik-telebisyon ang beteranong aktor na si Michael de Mesa para gumanap sa bagong primetime teleserye ng TV5, ang Valiente.

Dumating si Michael dito sa bansa noong Enero 11 para dumalaw sa kanyang pamilya at para gawin ang remake ng naturang teleserye.

Siya’y gaganap na Damian Valiente, ang ama ni Gardo (JC de Vera) na isa sa mga pangunahing karakter ng palabas.

Ang karakter na ito ni JC ay siya namang karakter ni Michael sa orihinal na Valiente noong ’80s.

"Valiente kasi is an important part of my life, it’s close to my heart," sagot ni Michael nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng YES! Magazine kung paano siya nakumbinsing gawin ito.

Nakapanayam namin siya noong Lunes, Enero 30, sa grand press launch ng Valiente sa Leviste Farm sa Lipa, Batangas, kung saan nagaganap mismo ang kanilang taping.

Patuloy ng aktor, "So, five years of my life was dedicated for Valiente.

"So, when they mentioned that they’re planning to do a remake and they wanted me to be a part of this new cast, I didn’t have to think twice.

"Of course, it is a joy to still be considered to be a part of it, and I wanted to be part of it."

EIGENMANN REUNION. Kapansin-pansin na sa remake na ito’y magkasama ang magkapatid na Michael de Mesa at Mark Gil, at ang dati nilang mga asawa na sina Gina Alajar at Jaclyn Jose, respectively.

Si Mark ay ang gaganap na Armando Braganza at ang asawa niyang si Trining ay gagampanan ni Jaclyn Jose.

Habang si Gina Alajar naman ang gaganap na Luming, ang asawa ng karakter ni Michael na si Damian.

Kaya naman tingin ng ilan, tila isang "Eigenmann reunion" ang magaganap sa palabas na ito.

Natawa si Michael nang kanya rin mapagtanto ito, at saka sumagot, "Well, I guess nagkataon lang na naging gano’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I knew I was gonna work with them. First, it was just Jaclyn and, of course, the new actors.

"’Yong character ni Mark ’tsaka ni Gina, wala pa, e, they were considering other actors for that part.

"I think, in fact, Gina is not really part of the original cast, pero the role went to her towards the end.

"So, I guess they decided to use that angle na ipagsama-sama kami.

"Wala namang problema, we’re all professionals and smooth din naman ’yong taping namin."

HAPPILY MARRIED. Samantala, tatlong taon nang naninirahan sa Los Angeles, California, si Michael.

Malaki na rin daw ang naging adjustment niya sa bago niyang tirahan sa Amerika.

Pero, alam niya sa kanyang sarili na pansamantala lamang ang pagiging residente niya doon.

"[I’ve] adjusted, acclimatized, everything na for now, that’s my home, for now.

"Pero, I’m not really closing the doors, you know. I still feel that probably when I retire, dito pa rin sa Pilipinas.

"Pero for now, doon muna ako sa America, and we’ll see how things work out.

"I mean, I always say naman na if there’s a project na, you know, really worthwhile, like Valiente, I won’t hesitate to come back.

"So, like this one, this is something I couldn’t let go of.

"So, that’s why I’m here."

Bukod pa rito, noong nakaraang taon lamang ay nagpakasal na si Michael sa kanyang girlfriend of 10 years na si Julie Reyes.

"Yes," nakangiti niyang sinabi sa tanong na nagpakasal na ba siya.

"We got married last year in the States, 9-10-11, which is September 10, 2011."

HEALTH CARE BUSINESS. Samantala, sa likod ng kanyang magandang karera sa mundo ng showbiz ay pinili ni Michael na lisanin ang bansa.

Ano nga ba ang dahilan niya para subukan ang buhay sa Amerika?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There are many factors why I decided to go to the States," panimula ng beteranong aktor.

"Actually, matagal nang plano ’yan, e, but you know, on and off, then I finally decided because I got frustrated, major change kasi on what’s been happening.

"You know, the system, ’yong showbiz industry. It’s very different from what I’ve been used to, from where I grew up in, where I started, it’s very, very different now.

"So, I guess you can say that I got a little frustrated, and disillusioned, so I decided to go to States.

"Rest muna, pahinga muna ako from showbiz.

"Also, I need to work on something so... like my citizenship, I need to work on that. So, I need to stay there also.

"So, I have to make that decision, to let my green card go or continue until I get my citizenship.

"So, nanghinayang naman ako do’n sa opportunity, so I decided to go.

"So, let’s see what happens after I get my citizenship, bahala na kumbaga."

Mapalad naman si Michael na magkaroon ng regular day-job sa kanyang pamamalagi sa Amerika.

Nagtatrabaho siya bilang marketing agent para sa Lynch Ambulance Services, isang "family owned company" na nagbibigay ng ambulance service para sa mga "non-emergency cases."

Mula sa linya ng pag-arte, maski si Michael ay napapangiti sa tuwing iisipin niya kung papaano siya napunta sa trabahong konektado sa kalusugan.

Ngunit pananaw niya, "The opportunity is also in health care.

"So, it was also something that I wanted—na because of the frustration, being disillusioned, I wanted to explore things outside showbiz, things outside my comfort zone.

"That’s why health care, something I didn’t know about.

"I’m like that kasi. I grab every opportunity that’s given to me.

"I don’t really take it for granted, regardless of what it is, as long as it will help me grow as a person, and I’ll do it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, this opportunity came, you know, experience rin.

"As an actor kasi, you never stop exploring, e, your capabilities or what you can really do.

"So, I wanted to explore that, and para sa sarili ko na rin, you know, personal growth, personal knowledge.

"Kumbaga, there’s more to life rather than show business."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN