Iggy Arroyo’s eldest daughter, Bianca, wants peaceful wake and burial for her father

"Nakikiusap po ako na to stop muna ang gulo," Bianca Arroyo (in photo) indirectly pleaded to Aleli Arroyo, who threatened to sue Congressman Iggy Arroyo’s common-law wife Grace Ibuna. Bianca is the eldest daughter of the late Negros Occidental representative with his first wife, Marilyn Jacinto.


Hiniling ni Bianca Arroyo, panganay na anak ng yumaong si Negros Occidental Representative Ignacio "Iggy" Arroyo, na bigyan ng mapayapang burol at libing ang kanyang ama.

Inihayag ito ni Bianca sa panayam ng ABS-CBN Europe News Bureau, na nailathala sa ABS-CBN News website ngayong araw, Pebrero 1.

Si Bianca ang panganay na anak ni Iggy sa una niyang asawang si Marilyn Jacinto, kapatid ng Pinoy rock icon na si Ramon "RJ" Jacinto.

Ani Bianca, "Nakikiusap po ako na to stop muna ang gulo.

"Ilibing ko muna ang tatay ko, hindi man lang ako makaiyak nang mahusay.

"Kasi, I have to be strong for my family and for myself."

Ang pakiusap na ito ay kasunod ng pagbabanta ng legal na asawa ni Iggy, si Aleli Arroyo, sa kinakasama ng kongresista na si Grace Ibuna.

Matatandaang nagbanta si Aleli na magsasampa siya ng kaso laban kay Grace dahil sa umano’y pagdedesisyon ng huli na tanggalin ang life-support system ng kongresista, na idineklarang "clinically dead" ng mga doktor.

(CLICK HERE to read related article.)

Kasama ni Iggy si Grace nang siya ay ma-cardiac arrest sa London, kung saan ilang buwan na siyang nananatili para ipagamot ang kanyang sakit sa liver.

(CLICK HERE to read related article.)

Ayon pa sa ulat ng ABS-CBN News, nandoon na rin sa London si Garie Concepcion, ang anak ni Grace sa aktor na si Gabby Concepcion.

Samantala, tumanggi namang magbigay ng detalye si Bianca tungkol sa pagpapadala ng mga labi ng kanyang ama dito sa Pilipinas.

Pero ayon sa mga lumabas na report, naka-schedule ang pagdating ng mga labi ni Iggy sa bansa ngayong linggo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN