Nadine Samonte says relationship with Emerson Chua is "more mature;" says she wants to marry at a young age

Nadine Samonte on marrying at a young age: "Gusto ko kasi mag-asawa ng bata, gusto ko mag-anak siguro at 25-year-old. I’m 23 na, e. Gusto ko bata ako, e, alam mo ’yon, because of my mom, parang barkada lang kami ng mom ko."


Sunud-sunod ang proyekto ni Nadine Samonte simula nang lumipat siya sa TV5.

Una na ang launching show niya na The Sisters, na sinundan ng Sa Ngalan Ng Ina, at ngayon nama’y ang remake ng ’80s drama series na Valiente.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press si Nadine noong Lunes, Enero 30, sa Hacienda Leviste, sa Lipa, Batangas.

"Wala naman masyadong bago, na as in kakaiba ’yong character," sagot ng 23-year-old na aktres nang tanungin namin kung ano ang aabangan ng mga tao sa bago niyang karakter.

"Normal character lang siya—mabait, kung anong tama, doon siya, hindi siya pala-awa effect.

"Siguro may mga dinagdag lang na masyado siyang iyakin, masyado lang siyang ganyan pagdating sa love, yung masyado siyang emotional."

HAPPY AND IN LOVE. Samantala, kapansin-pansin ang kakaibang ganda ni Nadine nang makapanayam namin siya noong gabing iyon.

Isa sa mga naisip naming dahilan ay ang pagkakabalikan nila ng kanyang nobyong si Emerson Chua.

Matatandaang inamin ni Nadine sa PEP noong nakaraang taon na nagkahiwalay sila ni Emerson noong huling linggo ng Hulyo.

Ani ni Nadine, ang dahilan daw nito’y, "Siguro pareho naming... yung pagiging mature namin sa isa’t isa.

"Kasi 17 pa lang ako... Nineteen siya, 17 ako.

"Six years rin kami. We’ve been together for six years.

"So, parang na-stuck up kami sa gano’n lang.

"Nagma-mature kami sa isa’t isa, pero yung going out, parang... something like that."

(CLICK HERE for related article.)

Inamin naman ni Nadine na "in a relationship" na siyang muli sa kanyang businessman boyfriend.

Matapos ang halos limang buwan nilang paghihiwalay, masasabi ni Nadine na mas "steady" na ang kanilang relasyon ngayon.

"Siguro masasabi kong mas... dati kasi mas okay kami, walang problema, lahat pinag-uusapan.

"Ngayon, parang... parang mas light na ’yong lahat ng bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi na namin pinoproblema, lahat ng bagay steady lang, parang konting bagay hindi na pinag-aawayan."

Bukod pa rito, mas nag-grow na raw sila bilang mga indibidwal, at mas nalaman na ang halaga ng isa’t isa.

"Parehas kaming nag-separate talaga ng ways, pero parehas din kaming bumalik sa isa’t isa.

"So, siguro pareho kaming kumuha ng ideas or pareho kaming nag-mature nang solo namin, na-realize namin kung ano ’yong mali sa relationship, ’yong... something like that."

SETTLING DOWN? Ilang relasyon ang matapos magkahiwalay at magkabalikang muli ay nauuwi na sa pagpapakasal.

Tingin ba ni Nadine ay doon din patungo ang relasyon nila ni Emerson?

"Actually gusto ko, gusto ko!" natatawang sagot ng aktres.

"Gusto ko kasi mag-asawa ng bata, gusto ko mag-anak siguro at 25-year-old. I’m 23 na, e.

"Gusto ko bata ako, e, alam mo ’yon? Because of my mom, parang barkada lang kami ng mom ko.

"Pero, siyempre, may mga kino-consider ako na sayang ang project, sayang ang opportunities.

"Kasi baka pag mawala ’yon, sayang lahat, ayaw ko naman mangyari pa ’yon."

Ang kagustuhan ni Nadine na magpakasal sa batang edad ay kaiba sa kagustuhan ng iba na magpakasal sa edad na 27 pataas.

"Kasi masyado akong family-oriented, e," pahayag niya.

"Kasi lumaki na akong may responsibility, na parang... hindi ko naman masabi na parang hinahanap ko ’yong responsibility.

"Pero ’yon ang napi-feel ko, ’yong motherly instinct, na parang gusto ko nakikita ko ’yong anak ko, hahatid-sundo ko siya, aalagaan ko siya, ’yong gano’n.

"Gusto ko hands-on mom ako.

"Kaya hindi ko rin alam sa sarili ko, kasi ’pag bumalik ako [sa showbiz], hindi ko masasabing full-time, parang per show na lang, per taping na lang, kung saan may project.

"Pero ’yong masasabi mong full-time, tingin ko, hindi."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN