Bea Binene on comparing her leading men Derrick Monasterio and Jhake Vargas: "Maingay-tahimik. Siyempre, si Derrick ang maingay. Tahimik si Jhake."

After seeing Bea Binene’s enormous wig for her role in Alice Bungisngis And Her Wonder Walis, the press asked her: "Ilang kilo ang buhok mo?"

To which the young actress replied, "Hindi ko po alam, pero mabigat po siya!"


Ang madalas itanong ngayon kay Bea Binene ay kung ilang kilo nga ba bigat ng buhok niya.

Ito ay dahil sa suut-suot niyang wig bilang Alice Bungisngis sa pinakabagong afternoon series ng GMA-7, ang Alice Bungisngis And Her Wonder Walis.

Ito ang ikalawang afternoon series na pinagbidahan ni Bea. Ang una ay ang Pahiram Ng Isang Ina na natapos noong November 2011.

So, ilang kilo nga ba ang buhok ni Bea sa bago niyang show?

"Hindi ko po alam, pero mabigat po siya!" natatawang sagot niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Bea sa presscon ng Alice Bungisngis And Her Wonder Walis kahapon, January 31, sa Studio 7 ng GMA Network Center.

Ano nga ba ang kuwento sa likod ng kulot at napaka-kapal niyang buhok bilang si Alice Bungisngis?

"Namana ko po kasi itong buhok ko at ang balat ko sa lola ko, kay Tita Marita Zobel po," sagot ng tween star.

Ilang porsiyento ng pagkatao niya ang makikita kay Alice Bungisngis?

"Siguro po, 40 percent. Kasi, bungisngis siyang talaga. Masayahin siyang tao. ’Tapos, mapagmahal siya, pero ayun..."

BIDA NA SI BEA. Kung tutuusin, matagal ding naghintay si Bea bago siya nabigyan ng pagkakataon ng GMA-7 na maging bida sa isang teleserye. Kaya hindi maitago ang kasiyahan ng dalaga sa bago niyang proyekto.

Saad ng 14-year-old actress, "Super happy, super thankful, super excited, pero nervous din naman.

"Kasi siyempre, ito ang first role ko as a main cast talaga.

"Nagpapasalamat po ako, pero kinakabahan din kasi, di ba, malay mo, paano kung hindi magustuhan ng mga tao?

"Pero, think positive lang naman, and I’m sure magugustuhan nila kasi magaling talaga ang story, ang ganda ng story.

"Yung effects, ang ganda."

Ngayong bida na siya, nangangahulugan ba itong magiging choosy na siya sa mga susunod na project at hindi na tatanggap ng supporting roles?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman po. Kasi, kahit naman po ano ang ibigay sa akin ng GMA, okay na po ako do’n, nagpapasalamat na po ako do’n," sagot niya.

BEA’S LEADING MEN. Dalawa ang leading men ni Bea sa Alice Bungisngis—sina Jhake Vargas at Derrick Monasterio.

Pero hindi sinabi ni Bea kung sino ang makakatuluyan niya sa serye.

Aniya, "Hindi ko pa po talaga alam.

"Kasi, ang nababasa ko pa lang po sa script, yung magmi-meet kami ni Jhake.

"Pero hindi pa po kami nagmi-meet ni Derrick. Pero, [love] triangle pa rin po."

Masaya naman daw si Bea na mula noon hanggang ngayon, intact pa rin ang loveteam nila ni Jhake.

"Masaya po, kasi ang dami na rin naming shows na napagsamahan ni Jhake.

"Nagpapasalamat kami kasi kami pa rin ang pinagti-team up ng GMA.

"At yung fans, hindi pa rin nagsasawa sa amin kaya nagpapasalamat ako."

Ano naman ang reaksiyon ni Bea kapag pinagtatapat sina Jake at Derrick?

Nakangiting sabi ng dalagita, "Magkaiba naman po silang dalawa. At yung mga fans, may magkaiba naman po silang gusto."

Ano ang nakikita niyang pagkakaiba ng dalawang leading men niya?

"Maingay-tahimik.

"Siyempre, si Derrick ang maingay. Tahimik si Jhake.

"Basta yun talaga ang pinaka-makikita mo, e."

Kumusta na sila ni Derrick?

"We’re okay. We’re very okay, we’re very good," sagot ni Bea.

Pero ano ang masasabi niya na bagama’t pinagtatambal din sila ni Derrick, balitang may ibang pinopormahan si Derrick—si Sarah Lahbati?

Sabi ni Bea, "Basta kung saan siya masaya, suportahan ko siya.

"Kahit naman si Jhake, kung saan sila masaya.

"Basta kami, we’re doing our job. We’re doing this for our fans po.

"At personal life, siguro I don’t have the right na makialam sa kanila.

"Basta ako, kung saan sila masaya, doon ako para sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, susuportahan ko sila."

BARBIE FORTEZA. Sa puntong ito ng career ni Bea ay mayroon nang itinatapat sa kanya—ang kapwa niya Kapuso tween star na si Barbie Forteza.

Mistulang kambal na nga sila. Sa bawat gawin nila, palagi silang nakikitaan ng kumpetisyon.

Ngayong bida na ulit si Bea sa isang afternoon soap, may pressure ba siyang nararamdaman sa gagawing pagkukumpara ng mga tao sa kanyang programa at sa mga nagawa naman ni Barbie?

"Hindi naman po talaga mawawala yung pressure, yung nervousness.

"Pero, hindi yun sa aming dalawa ni Barbie, kung hindi sa mismong show.

"Siyempre, ito yung main cast kami. Kinakabahan kami na ’Papaano kung hindi magustuhan ng mga tao’?

"Pero, I’m sure naman po na magugustuhan nila kasi maganda talaga," saad niya.

BEA’S FAMILY. Kung nakakatawa ngayon si Bea dahil sa magandang nangyayari sa kanyang career, ganito rin kaya pagdating sa kanyang pamilya?

Matatandaang inamin ni Bea sa isang interview na umalis ng kanilang bahay ang kanyang ama at hindi pa ito bumabalik.

(CLICK HERE to read related story.)

Nagkita na ba sila ng daddy niya?

"Next question please," ang tila naluluhang sagot ng teen actress, pero idinaan din niya ito sa pagbungisngis.

Nabawasan ba ang nararamdamang kaligayahan sa kanyang career dahil sa pag-alis ng kanyang ama?

"Siyempre po. Pero I’m sure naman alam niya yun. Siguro naman, alam niya yun," maikling tugon ni Bea.

Naiisip ba niyang sana ay naibabahagi niya sa ama ang kaligayahang nadarama niya ngayon?

"Opo naman... yung pagkasabik.

"Pero ano, siguro hindi ko na masyadong iniisip.

"Sobrang dami kong reasons to smile. I’m very blessed, so yun po," nakangiting sabi ni Bea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN