Aubrey Miles reveals why she can’t marry partner Troy Montero yet

"Wala naman akong reklamo dahil hindi naman ako demanding. Pero yung mga hindi ko naman dine-demand ay ibinibigay pa rin niya sa akin. So, happy naman ako," says Aubrey Miles about partner Troy Montero.


Aminado si Aubrey Miles na nami-miss niya ang pagiging aktibo sa showbiz at pag-arte sa harap ng kamera.

Pero ayon sa kanya, hinding-hindi na niya muling ipagpapalit ang kanyang pamilya sa kanyang showbiz career.

"Nami-miss ko ’yong showbiz, bukod pa sa pagharap sa camera, pag-arte, iyong mga kaibigan ko, ’pag nagha-hangout, iyong mga celebs...

"Pero hindi naman ako iyong tipong depressed, hindi.

"Nami-miss ko siya dahil ’pag nandiyan na yung work, enjoy, e," saad ni Aubrey nang nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng Dental Focus website noong Lunes, January 30, sa Edsa Shangri-La Plaza.

FAMILY FIRST. Sinabi rin ni Aubrey na may mga offer sa kanyang lumabas sa soap opera, pero hindi pa siya sigurado kung tatanggapin niya.

Priority raw kasi ni Aubrey ang mga anak na sina Maurie, 10, at Hunter, 3, at siyempre ang kanyang partner na si Troy Montero.

Si Maurie ang anak ni Aubrey sa dati niyang karelasyon na si JP Obligacion, samantalang si Hunter naman ang anak ng sexy actress kay Troy.

Ayon kay Aubrey, "Sa ngayon, may mga offers, pero ewan ko, let’s see this year.

"Ang mga offer sa akin ay soap opera sa GMA-7 at, actually, sa kabilang station.

"Last year, siguro hindi pa ako ready, pero let’s see kung anong mayroon at kung anong mangyari.

"Wala pa kasi akong manager, hindi pa ako kumukuha, e.

"Desisyon ko rin, e. Pero this year, let’s see kung gusto ko nang magkaroon ng manager.

"Mahirap kasi kapag walang manager, e, hindi ako sanay sa mga ganoong transactions," saad ng aktres.

NO TO MOTHER ROLES? Okay raw kay Aubrey ang mga kontrabida roles kung sakali.

Aniya, "Walang kumukuha sa aking mommy roles. Hindi raw kasi ako mukhang mommy.

"Usually, kontrabida, e, mga ganyan. Gusto ko rin ’yong mga reality shows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero kung mag-a-active man ako ulit, hindi na iyong tulad ng before na sobrang busy ako kaya hindi ako nagkaroon ng time sa panganay ko.

"Ngayon, doon sa pangalawa ko, gusto kong magkaroon ng time.

"So, parang gusto ko na hindi tulad before na talagang every day ay wala ka nang time sa family mo," paliwanag pa niya.


HER YOUNGEST. Gusto raw bumawi ni Aubrey sa kanyang pangalawang anak.

"Oo, kasi three pa lang siya. At itong paglaki niya, parang first sa akin.

"Kasi nga, hindi ko nakita iyong paglaki ng first ko. Nasa akin siya, pero ang focus ko ay nasa work.

"So ngayon, baligtad, family muna bago showbiz.

"Kapag medyo lumaki na. Three na kasi siya, so kapag magpu-four na, okay na," pahayag pa niya patungkol sa kanyang bunso.

MARRY ME? Wala ba sa plano nila ni Troy ang magka-baby ulit at magpakasal?

"Wala pang balak sundan si Hunter, wala pa. Gusto kasi namin na maganda ’yong age gap.

"Siguro, four years o five years gap bago masundan."

Sabi pa ni Aubrey, "Wala pa rin sa plano namin ang magpakasal. Although nakikita ko naman na puwede.

"Kaya lang kapag nagpakasal ako, kailangan kong magpunta sa States kung gusto kong maging American citizen.

"Which is...hindi pa ako ready kasi may pawnshop ako... ganoon.

"Two years, e, pero hindi pa ako ready na tumira doon."

DADDY TROY? Ikninuwento rin ni Aubrey na masayang-masaya si Troy sa kanilang baby.

"Hayun, sobrang happy siya. Spoiled sa kanya iyong baby, hindi pa kasi siya sanay magka-baby.

"Iyon ang first niya, e. Sa akin, siyempre second na so sanay na ako.

"So, sana sa susunod ay girl naman, pero hindi pa ngayon," nakangiting saad ni Aubrey.

Paano niya ide-describe si Troy bilang ama ng kanilang anak?

"Para sa akin, he is the one. Kung wala mang perfect para sa iba, pero para sa akin, perfect siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman akong reklamo dahil hindi naman ako demanding.

"Pero yung mga hindi ko naman dine-demand ay ibinibigay pa rin niya sa akin. So, happy naman ako."

TROY UNDERSTANDS? Kung magiging active raw ulit si Aubrey sa showbiz, walang dudang magiging supportive sa career niya si Troy.

"Oo naman, walang problema, magiging supportive siya sa akin.

"I think this year will probably be better than last year.

"Kasi last year, after ng Survivor ay gusto ko munang magpahinga.

"Kasi, medyo... hindi naman siya traumatic, pero kapag nandoon ka, talagang maa-appreciate mo iyong buhay, e.

"Kahit two months lang ako doon, iyong kahalagahan ng kanin, iyong importansiya ng kutsara, alam mo iyon? Talagang naa-appreciate ko talaga iyon."

Sumali si Aubrey bilang castaway sa unang celebrity edition ng Survivor Philippines, kung saan tumira sila sa isang isla sa Thailand.

MOMMY AUBREY? Paano naman niya ide-describe ang sarili bilang nanay?

"Ako as a mother, parang now, masasabi ko na I’m with my second kid, pero parang may process... sa development ng kid, ganyan.

"Yeah, sanay ka, pero iba-iba pala iyong development ng anak. Especially na dalawa na iyong anak ko, pero hindi siya pare-pareho.

"Ngayon ko lang na-discover na, ’Oh my God...’ Bawat anak mo pala, may first kang mae-experience.

"Sa akin, new adventure siya, e. Kapag may anak ka ulit, new adventure na naman, isang non-stop adventure, e."

Ngayon ba ay masasabi niyang hindi niya ipagpapalit kahit kailan ang pamilya para sa isang bagong showbiz career?

"Oo naman, hindi naman. Kasi ang trabaho naman, sabi nga ay para kang nagdya-juggle diyan, e.

"Pero ang trabaho, parang bola na ’pag nalaglag mo ay magba-bounce back sa iyo.

"Pero ang family, kapag nabasag na iyan, alam mo ’yon? Mahirap nang maibalik.

"Hindi mo na maibabalik iyong time.

"Samantalang sa work kasi, kahit matanda ka na ay puwede ka pa rin makakuha ng trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, family talaga ang priority ko ngayon.

"Kasi noong first ko naman kasi, talagang nag-start ako ng zero.

"Wala talaga akong pera noong first kid ko.

"So, hindi ko rin mabe-blame ang sarili ko para lang kumita and then magka-business.

"Kaya marami talaga akong natutunan noon—first experience ko sa anak, sa trabaho, sa mga tsismis, sa lahat-lahat na," pagtatapos ni Aubrey.

Ang tinutukoy ni Aubrey ay ang mga panahong minabuti niyang i-deny ang existence ng kanyang unang anak, na naging tampulan ng tsismis at batikos.

Nagsisimila pa lang sa showbiz noon si Aubrey at ang image niya ay isang sexy star, kaya minabuti ng mga nakapaligid sa kanya na huwag niyang i-admit na may anak na siya.

Ngayon ay nakikita na, na sa likod ng showbiz, si Aubrey ay isang inang kumayod at nagpakahirap para sa anak nito.

Sa mga nasundan ang career ni Aubrey, sinasabing ngayon na lang natitikman ni Aubrey ang peace ng pagkakaroon ng isang stable home life, kapiling ng dalawang anak at si Troy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN