Carla Abellana asks for "time off" to make the decision to stay with GMA-7 or move to ABS-CBN

Carla Abellana on making a decision about staying or moving: "Sabi ko nga, hindi na ako bumabata. Hindi naman ako puwede na teeny-bopper forever. Career, roles... ano pa ang ibang magagawa ko? Sino pa ang ibang puwede kong makatrabaho? Siyempre, I’m also thinking about my own future. Security ng future ko. Eventually, I would want to settle down also... ’Yong mga gano’ng bagay. Gitna ako ng twenties, e. So, ang hirap ng... kailangang i


Parang hindi pa rin daw makapaniwala si Carla Abellana na magtatapos na ang afternoon series ng GMA-7 na Kung Aagawin Mo Ang Langit, kung saan bida siya, kasama sina Michelle Madrigal at Mike Tan.

Kahit nagkaroon pa ito ng ilang linggong extension, parang hindi umano niya namalayan na magtatapos na ang kanilang serye.

Ayon kay Carla, "Akala ko nga, mga two weeks pa, one week na lang pala!

"Siyempre, nalulungkot ako.

"Kasi sabi ko nga, sa Kung Aagawin Mo Ang Langit, ’yong grupo namin do’n—’yong cast, ’yong production staff—iyon ang pinakanaka-bond ko talaga sa lahat ng mga naging projects ko in the past.

"So, nakakalungkot na magba-babay na ako sa kanila."

Ano ang pinaka mami-miss niya sa show?

"’Yong kulitan namin sa set. Minsan sumasayaw pa kami.

"Naghahanda kami, nagluluto kami. ’Yong talagang bonding ng cast.

"Dahil konti lang kami, na-enjoy namin ang company ng isa’t isa.

"At consistent na mataas ang ratings.

"Kaya nga nagpapasalamat kami na na-extend kami nang na-extend dahil nagustuhan talaga ng mga manonood ’yong soap namin.

"Pinaghirapan namin ’yon. Pinaganda talaga namin para sa kanila.

"So, we are very glad na until ngayon na mag-i-end na ’yong soap, hindi pa rin sila bumibitaw.

"Maganda ’yong ending. Very peaceful ang pagtatapos ng kuwento nito.

"Happy ending siyempre," sabi ni Carla.

TIME OFF. Magtatapos na ang kontrata ni Carla sa GMA-7 ngayong Pebrero, at maugong ang usap-usapang pagkatapos ni Iza Calzado ay siya naman ang susunod na lilipat sa ABS-CBN.

Ano ang totoo sa likod ng mga usap-usapang ito?

"Ewan ko... ang daming lumalabas na balita na lilipat na raw ako ng ABS-CBN."

Paglilinaw niya, "Hindi ko pa nababasa ’yong offer ng ABS-CBN. Although I’m aware na meron, hindi ko pa nababasa.

"So, buti na lang, thank God, nakapag-meeting na kami ng GMA a few days ago," nakangiting sabi ni Carla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ng aktres, "Nabigay na rin nila ’yong kontrata sa amin.

"So, iyon ngayon ang nire-review ni Tito Arnold [Vegafria, her manager].

"So, gano’n... puro meeting, meeting, meeting. Review, review, review ng kontrata. Gano’n. Iyon ang nagaganap.

"And nag-ask ako for time off, na magpahinga after Kung Aagawin Mo Ang Langit.

"Humingi ako ng ilang linggong pahinga para rin ma-take ko ’yong opportunity na makapag-isip din ako at ma-clear ko ’yong head ko.

"So, wala pa. Wala pa naman. I’m reviewing the contracts, kumbaga."

Meron na rin bang nailatag na plano ang Dos sakaling magdesisyon siyang lumipat?

"Wala pa... Wala pang umaabot sa akin na kontrata or plano kung anong gagawin.

"Pero nasabi ko na rin naman, my heart is in GMA.

"But, I will be honest naman, kailangan kong i-open ’yong mind ko sa ibang offers.

"I’m not saying, babay [sa Kapuso network]. Hindi naman.

"Kumbaga, at this point in my life, ano, e, kailangan mong i-open ang mind mo.

"Na i-consider ’yong iba, ’yong plano ng iba, ’yong offer nila.

"So, that’s why I asked for some time off para makapag-isip talaga ako. Iyon!"

CAREER GROWTH. Malaking factor daw sa pagdedesisyon niya ang career growth.

"Of course," sambit ni Carla.

"Sabi ko nga, hindi na ako bumabata. Hindi naman ako puwede na teeny-bopper forever.

"Career, roles... ano pa ang ibang magagawa ko? Sino pa ang ibang puwede kong makatrabaho?

"Siyempre, I’m also thinking about my own future. Security ng future ko.

"Eventually, I would want to settle down also... ’Yong mga gano’ng bagay.

"Gitna ako ng twenties, e," nangiting sabi ng 25-year-old actress.

"So, ang hirap ng... kailangang i-weigh mo ’yong options mo.

"’Tapos, ang daming kailangang pag-isipan."

NEW LEADING MAN. Nae-excite nga raw siya na makapagtrabaho na may mga ibang leading man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo naman!" sambit niya.

"I’ve been looking forward to working with other leading man.

"Kasi, halos buong career ko, si Geoff [Eigenmann, boyfriend niya] ang ka-partner ko on-screen, e.

"Sa ngayon, si Mike Tan.

"Ang dami-dami pang ibang leading men na gusto kong makatrabaho.

"At marami pa akong gustong gawin sa career ko.

"Siyempre, gusto kong ipagpatuloy ’yong drama.

"Gusto kong mag-try ng comedy. Gusto kong mag-hosting pa sana.

"And makapareha nga ’yong... sino pang ibang puwede bukod kay Geoff? Alam mo ’yon?"

May balita na isa raw siya sa pinagpipilian na maging leading lady ni Richard Gutierrez para sa bago nitong soap sa GMA-7. Ano ang reaksiyon ni Carla rito?

"Nabanggit naman ’yon during the meeting with GMA.

"Isa nga iyon sa parang options na... what they have to offer to me.

"So that would be nice also working with Richard for the first time," sabi ng aktres.

GEOFF’S REACTION. Ano naman ang masasabi ng boyfriend niyang si Geoff tungkol sa desisyong gagawin niya?

"Si Geoff kasi, busy sa Legacy kaya hindi namin mapag-usapan.

"Nabanggit ko na sa kanya. Alam na rin naman niya lahat.

"Pero hindi pa rin namin napag-uusapan talaga nang masinsinan.

"Kasi kahit siya, mag-e-expire na rin ang contract. And sabi niya, ayaw daw muna niya isipin.

"Gusto raw niyang mag-concentrate muna sa Legacy. Kaka-start pa lang din kasi no’n.

"But he knows everything naman.

"Okey naman sa kanya, e. Whatever daw na I decide, ganyan."

VALENTINE. Ano naman ang plano nila ni Geoff sa Valentine’s day?

"Baka manood kami ng show. Meron akong nakita na show na lalabas sa Valentine’s, na parang theater performance.

"So, sana mapuntahan namin iyon," sabi ni Carla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN