Part 1 John Lloyd Cruz admits he’s now "in a relationship"; reveals doing sexy scenes with Angel Locsin was a breeze

"Talagang nakatulong na si Angel ay very supportive and very open. At masuwerte na para sa isang leading man na kagaya ko na mero’n kang kapareha like Angel. Na very much willing and very much eager to come up with the best scene. Wala kang mararamdaman na, ’Hey, ingatan mo ’yan. Ingatan mo.’ Walang ganoon. So, malaking bagay yun para sa akin, kasi mas nagiging fluid yung motion. Mas nagiging fluid ang interaction. I guess, I&a


Sa press conference ng Valentine offering ng Star Cinema na Unofficially Yours kahapon, February 1, sa 9501 restaurant sa ELJ Building ng ABS-CBN, unang tanong sa cast ng pelikula ay kung ano ang status ng lovelife nila ngayon.

Sino sa kanila ang in a relationship, single, separated, dating, at kung anumang depinisyon ng kanilang buhay-pag-ibig?

Kung si Angel Locsin ay nasa isang "unofficial relationship," ang kanyang leading man namang si John Lloyd Cruz ay inaming "in a relationship" siya ngayon.

Ibig kasing sabihin ng pahayag ni John Lloyd ay nagkabalikan na sila ni Shaina Magdayao, matapos ang nabalitang hiwalayan nila bago magtapos ang nakaraang taon.

(CLICK HERE to read related story.)

Pero nang sundutin ng tanong ang naging pahayag ng aktor, umiwas na itong sumagot.

Aniya, "Siguro yun muna ang maise-share ko for now.

"With the intention na parang sa ganoon ko lang siya gustong dalhin. Sa ganoong klase ng pag-aalaga.

"And I’m talking about the relationship.

"Siguro hanggang doon lang muna.

"Nagkahiwalay, and then inayos. Then, back together. Yun lang."

Masasabi bang nagsisimula silang muli ni Shaina?

"Hindi naman all over again kasi hindi naman natapos completely or nabasura yung unang part.

"So, kung starting all over again, I don’t think so.

"And, okay naman kami. Papunta sa mas maganda.

"Walang starting all over again."

Hindi naman direktang sinagot ni John Lloyd kung kailan sila nagkabalikan ni Shaina.

"Hindi lang ngayon. It’s been official for quite sometime already," saad niya.

FIRST MOVIE WITH ANGEL. Samantala, unang nagtambal sina John Lloyd at Angel sa teleseryeng Imortal ng ABS-CBN.

Ano ang kaibahan ng pagsasama nila sa isang teleserye sa paggawa ng pelikula?

Ayon kay John Lloyd, "Malaki, malaki ang nabago. Siguro naman kung napanood ninyo ang Imortal, talagang kakaiba yung tema.

"So, ibang-iba ang environment sa amin when we were doing Imortal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Tapos, siguro, yung naging link lang do’n, noong ginagawa namin ang Imortal, somehow it crossed our mind na, ’Ano kaya, Gel, kung gumawa tayo ng rom-com? Ng romantic comedy na malayung-malayo dito?’

"So, yun ang nasa isip namin dati.

"’Tapos, heto ngayon, biglang tapos na kami at ipapalabas na ang pelikula.

"So, ibang-iba in terms of environment, nuances, pinanggagalingan ng character.

"Ang layo, sobrang layo."

SEXIEST ANGEL? Marami raw sexy at intimate scenes sa Unofficially Yours sina John Lloyd at Angel. Kumusta sila ng kanyang leading lady sa mga eksenang ganito?

Ayon sa aktor, "Alam ninyo, kidding aside, talagang nakatulong na si Angel ay very supportive and very open.

"At masuwerte na para sa isang leading man na kagaya ko, mero’n kang kapareha like Angel.

"Na very much willing and very much eager to come up with the best scene.

"Wala kang mararamdaman na, ’Hey, ingatan mo ’yan. Ingatan mo.’

"Walang ganoon. So, malaking bagay yun para sa akin, kasi mas nagiging fluid yung motion.

"Mas nagiging fluid ang interaction. I guess I’m blessed.

"And I got really lucky dahil hindi naman lahat kagaya niya.

"And since it’s a rare opportunity at sa akin napunta, so thank you, Angel."

Kung si John Lloyd ang tatanungin, gaano kaseksi si Angel Locsin?

"Naku, napaka-sexy po! At marami po ang mag-a-agree sa akin dito.

"Lalaki, babae, lahat po mag-a-agree, hindi lang ang FHM.

"Talagang deserving to be the number one sexiest woman in the country," sabi ni John Lloyd tungkol kay Angel, na dalawang beses itinanghal na Sexiest Woman ng FHM.

Nang tinawagan ng PEP ang FHM editor-in-chief na si Allan Madrilejos upang humingi ng detalye, sinabi nito: "Yes, Angel is the second actress to achieve the feat, after nung back-to-back ni Katrina Hallili noong 2006-2007. Si Angel, 2005 at 2010."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN