Part 1 Oyo Sotto on being a first-time dad: "Sarap! Masarap. Iba yung feeling. Sobrang ibang-iba."

Oyo Sotto on how fatherhood has changed him: "Kung noong dati late akong gumigising, okey lang. ’Tapos, anytime na gusto kong lumabas, madaling-araw, gimik, walang problema. Ngayon, hindi na, e. Kailangan maaprubahan mo kung puwedeng lumabas. Pero hindi naman istrikto si Tin. So, yun, inaalam ko na lang kung okey lang siya sa bahay kung iwan ko muna siya. Saka na lang ako aalis pag pumayag siya."


Mula sa pagiging bida sa mga programang Midnight DJ at Bangis, sasabak naman ngayon sa kontrabida role si Oyo Sotto.

Ito ay sa bagong primetime series ng TV5 na Valiente, ang remake ng daytime soap ng TAPE Inc. noong dekada ’90.

Pero tila hindi pa tanggap ni Oyo ang pagiging kontrabida kahit may isang buwan na silang nagti-taping ng kanilang serye.

Sa panayam kasi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Oyo sa presscon ng Valiente noong Martes, January 31, sinabi niyang hindi siya all-out kontrabida sa kuwento ng kanilang serye.

Paliwanag niya, "Yung character dito ni Theo, mabait naman siya talaga. Pero dahil sa nanay niya, sumasama siya.

"’Tapos pag nararamdaman ni Theo na sumasama siya, nare-realize niya na, ’Teka sandali, mabait ako.’

"’Tapos babait naman, tutulong na naman kay Gardo [JC de Vera].

’’’Tapos mabi-brainwash na naman ng mommy niya [Jaclyn Jose] at magiging masama na naman siya."

Patuloy pa niya, "Yung nanay ko, siya ang bumuo sa akin na magalit ako kay Gardo at magalit ako sa mahihirap.

"Ako yung mayaman dito at sila yung mga mahihirap dito.

"Siya [Jaclyn] ang nag-brainwash sa akin na maging masama."

Si Tirso Cruz III ang gumanap na Theo sa original series, samantalang si Michael de Mesa naman ang gumanap bilang Gardo, na ginagampanan ngayon ni JC.

Na-overwhelm nga raw si Oyo nang ialok sa kanya ang project na ito.

Kuwento niya, "Nag-text nga sa akin si Ninang Malou."

Ang tinutukoy ni Oyo ay ang kanyang ninang sa kasal at manedyer sa showbiz na si Malou Choa-Fagar. Si Malou rin ang big boss sa TAPE INC., na pinagkakatiwalaan ng may-ari ng production outfit na si Tony "Mr. T" Tuviera.

"Siyempre, hindi ko naman alam kung sino si Theo Braganza no’ng time na una itong ginawa.

"Ang naalala ko lang, yung sigaw na ’Ahhh!!!’ Tapos biglang kakanta ng ’Valiente.’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy ni Oyo ay ang teaser noon ng Valiente at ang theme song ng serye na kinanta ng kanyang amang si Vic Sotto.

Patuloy ni Oyo, "Tinanong ko si Ninang Malou na baka masyadong masama yung character ko sa soap, baka magalit sa akin yung mga tao.

"Sabi niya, ’Hindi... hindi.’

"Overwhelmed ako kasi naalala ko noong bata ako, noong ’90s... ang tagal talaga, after ng Eat Bulaga!, Valiente na agad.

"’Tapos, after 20 years, ’eto na, kasama na ako sa project."

Isini-share ni Oyo ang kredito sa mahusay niyang pagkakaganap sa Valiente sa mga kasamahang aktor na tumulong sa kanyang magampanan nang tama ang kanyang papel.

Special mention din niya ang ginawang pag-alalay sa kanya ng kanilang direktor na si Joel Lamangan.

Umaasa rin si Oyo na magkatotoo ang assessment ng press na sila ni JC de Vera ang magiging mga "prinsipe ng TV5" dahil sa ginagawang pag-aalaga sa kanila ng Kapatid network.

OYO’S WIFE. Kung meron pang isang proud at tuwang-tuwa sa magandang project na natanggap ni Oyo, yun ay ang misis niyang si Kristine Hermosa.

"Natuwa si Tin," sambit ni Oyo.

"Gusto nga niya talagang pumunta dito, kaya lang nahihirapan kami sa baby. Hindi pa masyadong puwedeng ilabas."

Isinilang ni Kristine ang unang anak nila ni Oyo, na si Ondrea Bliss, noong December 26, 2011.

Sabi pa ni Oyo tungkol kay Ondrea, "Okey naman siya. Nag-one month na siya noong January 26.

"Eksakto naman noong birthday ni Mama [Dina Bonnevie], nakapunta kami sa surprise birthday party ni Mama.

"Ayun, puyat lang lagi kami ni Tin. Lalo na si Tin dahil exclusively breastfeeding talaga.

"So, talagang I give all the credit to Kristine.

"Minsan, hindi ako nagigising, e. Ang ginagawa ko lang, dadalhin ko yung baby sa kanya para i-breastfeed niya.

"So, siya talaga yung nagpapagod."

Pinaplano nina Oyo at Kristine na sa December 2012 gawin ang binyag ng kanilang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pag one year old na lang siya."

Bakit kapag isang taon na ang kanilang anak ay saka pa lang nila ito pabibinyagan?

"Wala naman... Naisip lang namin na isabay na lang sa ano...’Pag nakapag-one year na yung baby namin," sabi ni Oyo.

FIRST-TIME DAD. May kislap sa mga mata si Oyo nang kumustahin namin ang pagiging tatay na niya.

"Sarap! Masarap. Iba yung feeling. Sobrang ibang-iba.

"Naalala ko nung wala pa kaming anak ni Tin, ’tapos ngayon na meron na.

"Yung isip mo hindi na sa iyo, e. Iniisip mo na yung misis mo, yung anak mo.

"Kung ano ang gagawin mo bukas. Kung ano ang ipapakain mo sa kanila. Kung saan mo pag-aaralin yung anak mo," nangingiti niyang sabi.

Ayon pa kay Oyo, marami talagang adjustments kapag nagkaroon na ng sariling pamilya ang isang tao.

"Kasi, sabi ko nga, kung noong dati, late akong gumigising, okey lang.

"’Tapos, anytime na gusto kong lumabas, madaling-araw, gimik, walang problema.

"Ngayon, hindi na, e. Kailangan maaprubahan mo kung puwedeng lumabas.

"Pero hindi naman istrikto si Tin.

"So, yun, inaalam ko na lang kung okey lang siya sa bahay kung iwan ko muna siya.

"Saka na lang ako aalis pag pumayag siya."

KRISTINE’S SHOWBIZ COMEBACK. Sigurado na ang pagbabalik-showbiz ni Kristine, ayon kay Oyo, pero wala pang final date kung kailan.

"Gusto niya talagang bumalik.

"Napag-usapan naman naming bago kami ikinasal, na kung sakaling mabuntis siya at magkaanak kami, kung gusto niyang bumalik, okey lang.

"Yun nga lang, pipiliin niya yung work niya na hindi talaga yung paumagahan. Saka pag puwede nang iwan-iwanan yung baby.

"Pero sa ngayon, delicate pa."

Nagpapasalamat nga si Oyo sa direktor nila sa Valiente na si Joel Lamangan dahil natatapos siya ng kanyang taping ng 12:30 a.m., kaya maaga rin siyang nakakauwi sa kanyang pamilya.

Palalagpasin muna raw ni Oyo ang isa, dalawa, o hanggang tatlong taon bago nila sundan si Ondrei.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto muna raw kasi nilang i-enjoy ang paglaki ng kanilang anak at ang magandang daloy ng showbiz career nila, lalo’t nalalapit na ang pagbabalik sa showbiz ni Kristine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN