Part 2 Oyo Sotto will accept whoever his dad Vic Sotto chooses to love

"Ano ba sa tingin ninyo? Hindi ko alam. Kasi lately hindi ko nakikita si Daddy dahil very busy siya. Ako naman, every other day, nagte-taping, ’tapos family pa," replies Oyo Sotto when asked if he’s happy for his father, Vic Sotto.

Vic is now being linked to his Eat Bulaga! co-host Pauleen Luna.


Muling inusisa ng press kay Oyo Sotto sa presscon ng Valiente noong Martes, January 31, ang tungkol sa nababalitang relasyon ng kanyang amang si Vic Sotto sa young actress na si Pauleen Luna.

Matatandaang sa naunang interview ni Oyo, tahasan niyang sinabi na hindi siya pabor sa kung anumang namamagitan sa daddy niya at kay Pauleen.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa presscon ng Valiente ay tinanong si Oyo kung nakapag-usap na ba sila ng kanyang daddy tungkol kay Pauleen.

"Hindi," sagot ng Kapatid actor.

"Sa amin ni Daddy, hindi naman namin pinag-uusapan yun. Wala naman sa amin ni Daddy yun.

"Siyempre, marami talagang isyu kung marami. Pero ’pag sa loob ng family, hindi talaga namin pinag-uusapan yun."

Pati raw ang ina ni Oyo na si Dina Bonnevie ay hindi rin nag-uusisa kaugnay ng mga binitiwan niyang pahayag tungkol sa nababalitang ugnayan ng daddy niya kay Pauleen.

Ayon kay Oyo, "Si Mama, quiet-quiet lang yun.

"Hindi namin pinag-uusapan yung tungkol do’n.

"Parang kunwari may nabalitaan na ganun, ’Uy, si ano, ganyan-ganyan...’ tahimik na lang ako."

Sabi pa ni Oyo, alam daw ng kanyang ina—na matagal nang hiwalay sa kanyang ama—ang nararamdaman niya kahit hindi siya nito tanungin.

Marami ang nagtataka kung bakit very vocal si Oyo sa pagtutol sa sinasabing relasyon ng kanyang ama kay Pauleen, samantalang hindi naman siya ganito sa mga naunang naging kasintahan ng daddy niya.

"Wala naman, e. Basta, yun lang ang nararamdaman ko, e... No comment na lang," iwas niyang sagot.

Handa naman daw si Oyo sakaling magkita sila ni Pauleen, o di kaya ay pormal itong maipakilala sa kanya ng daddy niya.

"Wala naman. Tulad nga ng sinabi ko, hindi naman ako galit sa kanya [Pauleen].

"Siyempre, nandoon pa rin yung respect. Nandoon pa rin yung respeto ko sa kanya."

DOES AGE MATTER? Sa isang interview ni Dina, sinabi nitong sana ay makahanap si Vic ng mamahalin na hindi malayo ang agwat ng edad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naniniwala raw kasi si Dina na mas magiging masaya ang dating asawa kapag ganito.

Ano naman ang masasabi ni Oyo sa tinuran ng kanyang ina?

"Well, kanya-kanya ’yan, e.

"Si Mama, ganun ang tingin niya—mas maganda kung kaedad mo.

"Sa iba, okey lang naman, age doesn’t matter nga, e.

"So, sa akin, sa tingin ko, hindi naman talaga sa edad.

"Pero, kung napapakisamahan mo yung tao at kung kaya mo namang tanggapin yung tao, okey lang."

Si Vic ay nasa late ’50s na, samantalang si Pauleen naman ay nasa early ’20s pa lamang.

Paglilinaw rin ni Oyo, wala siyang ibang iniisip sakaling magkaroon ng karelasyon ang kanyang ama na malaki ang agwat sa edad nito.

"Wala naman akong iniisip. Ayoko din namang pangunahan yung mga bagay-bagay," sabi niya.

Natatawang dagdag pa niya, "Ako, basta si Daddy, kung masaya siya... Alam na niya yun! Malaki na siya!"

Masaya ba siya ngayon para sa kanyang ama?

"Ano ba sa tingin ninyo? Hindi ko alam.

"Kasi lately hindi ko nakikita si Daddy dahil very busy siya.

"Ako naman, every other day nagte-taping, ’tapos family pa," sagot ni Oyo.

Pero diin ni Oyo, hindi siya hahadlang sa kung sinuman ang susunod na mamahalin ng kanyang ama.

"Kailangan nating tanggapin.

"Ang puno’t dulo pa rin niyan, tatay ko siya, e. Hindi ko matatanggal yun na maging tatay ko siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN