Part 2 John Lloyd Cruz to make movie with Sarah Geronimo and teleserye with Bea Alonzo "very soon"

"Very soon, very soon," says John Lloyd when asked when his movie with Sarah Geronimo and his teleserye with Bea Alonzo will happen.


Naging tapat si John Lloyd Cruz sa pag-amin ng totoong estado ng relasyon nila ni Shaina Magdayao.

Tahasan nitong inamin that he’s "in a relationship" sa press conference ng pelikulang Unofficially Yours.

May mga nagulat sa pagiging open niya ngayon tungkol dito.

Ayon kay John Lloyd, "Wala namang dapat ilihim at wala namang dapat ipag-alinlangan.

"Pero siguro, yun nga lang, hanggang doon lang ako talaga. Hanggang doon na lang."

PRIVACY. Bakit gusto niyang huwag isiwalat nang buung-buo ang naging pagbabalikan nila ni Shaina?

"Oo. Kasi, hindi rin naman...I guess, hindi rin nakatulong.

"Kumbaga, masyado siyang naging... Kumbaga, parang naging susceptible siya sa iba’t ibang klase ng intriga or paninira, or hindi nakakatulong masyado.

"So, as much as possible we want to keep private."

Ayon kay John Lloyd, ang maging mas pribado sa kanyang buhay pag-ibig ang isang leksiyong natutunan niya sa mga pinagdaanan nila ng kanyang kasintahan.

"Isa na rin yun, na kung anuman ang natutunan namin as an individual or as couple, it would be much better kung sa amin na lang, ’di ba?

"Kasi, aminin man natin o hindi, sa business na ito marami ang mapagbigay ng opinyon.

"At ang opinyon ng isa, maaaring magbago sa iba.

"E, ang tao napakadali... Especially ngayon, ang mga tao, kung ano ang i-feed mo, kahit walang basehan ang sinasabi ng ibang tao, puwede nilang paniwalaan or pag-isipan.

"So, ganoon, e. Hindi mo naman puwedeng sisihin ang ibang tao.

"Sabi ko nga noon at noon ko pa sinasabi ’to, kapag ang motivation ng isang tao, e, survival, mahirap makipag-argue roon," pagtukoy niya sa mga taong pang-iintriga ang ginagawang hanapbuhay.

Ang ibig sabihin ba nito ay naisaayos na nila ni Shaina ang mga bagay na dapat ayusin?

"Definitely. Kumbaga, hindi naman makakarating sa point na ’to kung hindi nai-settle ’yung dapat or kailangang i-settle."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PERSONAL EXPERIENCE. Sa pelikulang Unofficially Yours ay ginagampanan ni John Lloyd si Mackie Galvez, na napasok sa isang relasyong "unofficial" kung tagurian.

Siya ba, gaya ng kanyang karakter sa pelikula, ay napasok na sa isang relasyon na "unofficial"?

"Nagkaroon ako ng unofficial relationship and hindi siya madali.

"Hindi siya madali on both party. Pero ako, personally, ang opinion ko about this issue, talagang ano ’yan, e...whatever works for you.

"Sabi nga ni Angel [Locsin], may ibang official relationship na hindi rin naman masaya.

"Mero’ng unofficial na masaya. Kumbaga, napakapersonal.

"Kung ano ang magiging agreement niyo. Kung official kayo and you can date around or unofficial kayo pero exclusive."

CONTROVERSIAL TOPIC? Sa tingin ba niya, hindi mag-uudyok ang pelikula nilang may temang one-night-stand, casual sex, at unofficial relationship upang gayahin ng mga manonood?

"You know, babalik lang ako sa basic, na ang paggawa po ng pelikula is a portrayal of life.

"Itong ’kinukuwento namin dito is based on studies, research, and nangyayari na po ito.

"And this is an interpretation and portrayal...this movie.

"Yung kasing mai-promote pa, I don’t think tina-tackle namin yun dito.

"Kapag pinanood niyo ang movie, yun ang pinaka-least na ita-tackle namin.

"It’s not even a movie about casual sex. It’s about unofficial relationship."

NEW FROM JOHN LLOYD? Si John Lloyd ay walang dudang isa sa masasabing malakas ang hatak sa manonood, mapa-pelikula man o mapa-telebisyon.

Katunayan, dalawang beses na siyang naparangalang Box Office King.

"Siyempre, in this business you’re good with your last hit or project or movie.

"There’s always a pressure. Constant ’yan. Hindi ’yan mawawala.

"How you will manage the stress, the pressure, doon magba-vary.

"Kung ma-utilize mo siya into something productive, then, mas maganda."

REAL MEN HAVE FLABS? Ano ang ginawa niya sa Unofficially Yours na hindi pa niya nagagawa sa mga nauna niyang mga pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro, yung part na talagang walang hesitation. Yung thinking ko kasi noong ginagawa ko ’to, obviously—I don’t have the nicest body in the world.

"I don’t have the best body in the industry.

"Pero, ang sa akin kasi, yung portrayal na hindi naman lahat ng lalaki, perpekto ang katawan.

"Kaya nga sabi ko, parang maganda ang pagkakataon kapag napanood ng mga lalaking makaka-relate.

"Siguro mas relatable lang ang body ko."

Puwedeng sabihin na ang katawan niya ang mas sumisimbolo sa katawan ng isang tunay na lalaki?

Natatawang sagot niya, "Naku, napaka-secondary... At saka, ’wag na nating pag-usapan yung totoo [na katawan ng lalaki].

"Basta sa klase nito [katawan ko], marami ang makaka-relate, at saka napaka-secondary ng katawan.

"Basta, mas importanteng mailahad namin ang gusto naming ikuwento as far as unofficial and official relationships are concerned."

Ayon kay John Lloyd, ang susunod daw niyang pelikula ay ang balik-tambalan nila ni Sarah Geronimo.

Samantala, magtatambal naman daw sila ulit ni Bea Alonzo sa isang teleserye.

"Very soon, very soon," sagot niya sa tanong kung kailan sisimulan ang mga proyektong pagsasamahan nila nina Sarah at Bea.

Ayon naman sa source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), posibleng first week of March parehong simulan ni John Lloyd ang teleserye kasama si Bea at ang pelikula naman nila ni Sarah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN