PEP EXCLUSIVE Talent manager Arnold Vegafria on Grace Lee dating PNoy: "I think Grace is not a distraction, she’s an inspiration."

Panay ang ring ng cellphone ng talent manager na si Arnold Vegafria habang iniinterbyu ito ng PEP kaninang umaga. Aniya, magmula kahapon, Pebrero 1, ay panay ang tawag sa kanya ng ilang media dito sa Pilipinas at maging sa Korea upang makapanayam ang alaga niyang si Grace Lee. Nauugnay kasi ngayon ang DJ-host kay Pangulong Noynoy Aquino. Ani Vegafria, isang magandang inspirasyon daw ang kanyang talent para sa Pangulo na kaliwa’t kanan ang hinaharap na problema sa trabaho.


Hindi lang sa Pilipinas pinag-uusapan ang balitang nagdi-date nga si Pangulong Noynoy Aquino at ang DJ-host na si Grace Lee.

Maging sa Korea, kung saan ipinanganak ang 28-anyos na GMA-7 News personality, ay naging laman din ng pahayagan ang dalawang personalidad.

(CLICK HERE to read related article.)

Kinumpirma ito mismo ng talent manager ni Grace na si Arnold Vegafria sa on-the-spot interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kanina, Pebrero 2, sa opisina ng Summit Media, nang mataong may kakausapin siya sa management ng publishing firm.

Ang Summit ay tagapaglathala ng mahigit 20 magazine, kasama na ang YES!, FHM, Entrepreneur, Yummy, Preview, Smart Parenting, OK!, Good Housekeeping, Men’s Health, Women’s Health, Real Living, Town and Country, Esquire, at marami pang iba.

Sabi ni Arnold sa PEP, "Yes. The Korean media—broadcasting companies there, mga TV networks, newspapers, daily news—they’re calling me until now.

"They want to interview Grace, but si Grace nagde-decline for interview, e."

Dagdag pa ng talent manager, ilang crew members mula sa tatlong TV networks ng Korea ang nakatakdang dumating sa bansa upang makapanayam ang kababayan nilang si Grace.

"Very flattered" at "very proud" daw kasi ang mga Koreans sa pagkaka-link ng 29-anyos na dalaga sa Pangulo ng Pilipinas.

"Parang, just like us— ’di ba tayo nga dito, chef lang [na Pinoy] ni Obama, proud na tayo? E, what more the Koreans?

"It’s the president of the country, and they know that our President is still a bachelor.

"Parang they know that the President is charming.

"So, parang...the Koreans know, parang kinikilig sila for Grace."

WHO IS GRACE LEE? Si Grace Lee—ang Korean name niya ay Lee Kyung Hee—ay ipinanganak noong Oktubre 4, 1982, sa Seoul, Korea.

Parehong Koreano ang kanyang magulang.

Sampung taong gulang si Grace nang lumipat ang kanyang pamilya dito sa Pilipinas dahil sa negosyo ng ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-aral siya ng high school sa St. Paul’s College sa Pasig at nagtapos ng kursong interdisciplinary studies sa Ateneo de Manila University.

Unang nakilala si Grace bilang radio jock ng Magic 89.9, kung saan nakasama niya sa programa ang controversial DJ na si Mo Twister.

Matatandaang si Mo ang unang nagbalita sa publiko ng pagde-date nina Grace at PNoy, nang mag-tweet ito noong Enero 26 ng: "We are talking about Grace Lee’s date last night with President Aquino. #itsmorefuninthephilippines."

MEETING THE PRESIDENT. Pinagkuwento ng PEP si Arnold tungkol sa pagku-krus ng landas nina Grace at PNoy.

Aniya, "I don’t know when nag-start iyong [pagde-date].

"But I know nagkita sila at first sa Cebu when Grace hosted the Korean power plant event, of which the President was the speaker.

"And then nung time na ’yon, the President, akala niya Cebuana si Grace."

Ang tinutukoy ng talent manager ay ang inagurasyon ng power plant na Korea Electric Power Corporation, na naganap noong Hunyo 27, 2011, sa Barangay Colon, Naga, Cebu.

Dito tinawag ni PNoy si Grace na "guapa."

Sa pagpapatuloy ni Arnold, "Second meeting niya was when the President of Korea visited our country for official visit and Grace was in Malacañang as an interpreter and she hosted the event."

Naganap naman ito noong Nobyembre 20, 2011.

At ang pinaka-recent ay bago nagtapos ang taong 2011, kung saan nagpaunlak ng panayam ang Pangulo sa radio show ni Grace na Good Times.

"Thirdly, iyong huling-huli was she was given a task doon sa show niya sa Magic 89.9 to interview the President for her radio show, a one-on-one interview, and that’s it.

"Hindi naman niya ine-expect na, you know, mai-spark pala ang Presidente sa kanya.

"Parang just nothing, wala, he’s a gentleman, pero nothing, wala."

How does Grace find the President?

"Ano daw, witty and smart, that’s what she told me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi I asked her, ’How do you find the President?’ and she answered, ’I think he’s one of the smartest persons I ever interviewed or conversed [with]—very witty, smart. He makes me laugh.’"

Nabanggit din ni Arnold na bago nagsimulang makipag-date si Grace sa Pangulong Aquino ay kagagaling lamang nito sa mahabang relasyon sa isang Korean national.

At bagamat na-link siya dati kay James Yap, at nagpahayag din ng paghanga sa kanya ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao—wala pa raw Pinoy na naging boyfriend si Grace.

A MANAGER’S ADVICE. Kumpara sa dating tahimik at pribadong buhay-pag-ibig ni Grace, aminado si Arnold na magiging malaki ang epekto sa career at pagkatao ni Grace ang tinatamasa nitong atensiyon mula sa publiko ngayon.

Aniya, "Siyempre, nakikilala siya [Grace].

"Sabi ko nga sa kanya, ’Your life will not be the same again because you’re linked with the President.

"’So, ang mga tao all eyes on you. So you have to be, you know, careful sa mga galaw mo.

"’And not only that, pati iyong physical mo kailangan...[siyempre] may magpipintas, may mag-a-ano, may magugustuhan ka.

"’So, you can’t please everyone.’"

Payo naman niya kay Grace: "Well, I always advice her na, ’You always have to guard your heart all the time. This is not an easy...this is not a normal kind of situation.’

"’Kung ano, what will happen, kung iyong special friendship niyo maging ano, it’s not normal, like iyong ex-boyfriend mo, he’s just an ordinary citizen.

"’Now it’s the president of our country, so totally magbabago iyan.’"

Bukod dito, nagmistulang fashion adviser din daw si Arnold noong tanungin siya ng alaga kung ano ang dapat nitong isuot sa isang family gathering ng mga Aquino, kung saan nakilala ni Grace ang mga Presidential sisters na sina Viel at Pinky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ng talent manager, "She was very nervous that time at nagkuwento siya sa akin, ’Ano’ng dapat kong suoting damit?’"

Pinayuhan umano ni Arnold si Grace na, "Mag-red dress siya, then light makeup, then nakatali lang iyong hair niya—simple."

Subalit hindi raw niya alam kung sinunod ito ng dalaga.

Dagdag pa niya, "Maraming invitation sa kanya si President for the family gatherings ng mga Aquinos, but she always declines.

"Parang for her, parang nakakahiya, baka medyo intimidated siya sa mga sisters.

"Pero itong last, iyong birthday yata ng brother-in-law niya [PNoy], I think it’s the husband of Ballsy, ayun, she asked my opinion.


"She [asked for] advice if ’Will I go?’

"And I said, ’Well, if he’s serious with you na ipapakilala ka niya sa family niya, so that means he’s serious with you. So, why don’t you just try? Check it out.’"

TENSION WITH KRIS? Tinanong ng PEP kung bahagi ba ng nerbiyos na nararamdaman ni Grace ang makaharap ang bunsong kapatid ni PNoy na si Kris Aquino.

Matatandaang naging usap-usapan noon na niligawan ng basketbolistang si James Yap, dating asawa ni Kris, ang dalagang Koreana.

Ani Arnold, "She’s not going out with James. Hindi totoo ’yon.

"Wala [tensiyon], kasi she’s confident naman na nothing is going on with her and James.

"Kinakabahan siya kasi hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon ng family ni [PNoy].

"Siguro it’s a natural feeling ng isang girl..."

Posible kayang mauwi sa kasalan ang pagkakaibigan ng dalawa, lalo’t nakilala na ng mga Aquino ang bagong babae sa buhay ni PNoy?

"Sana huwag muna kasi nag-uumpisa pa lang siya ng magandang career," sagot ni Arnold.

Bukod kasi sa TV at corporate shows sa Pilipinas, may mga nag-o-offer din kay Grace upang mag-host ng isang news program sa Korea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinuturing naman ni Arnold na magandang balita para sa bansa na nakahanap ang Pangulo ng bagong inspirasyon.

Aniya, "Sa dami ng problema ng country natin, at bachelor naman ang president, so kailangan niya ng inspiration.

"I think Grace is not a distraction, she’s an inspiration.

"She’s a decent woman; she’s smart, beautiful.

"The Koreans are proud of her, so I think she’s a good inspiration for the President."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN