Nadia Montenegro slaps three more cases against Annabelle Rama; both camps refusing to settle

The legal battle between Annabelle Rama (left) and Nadia Montenegro (right) continues. Nadia filed three more cases against Annabelle at the San Juan Prosecutor’s Office yesterday, February 1: Attempted Murder, Grave Coercion, and Grave Oral Defamation.


Pinayuhan si Annabelle Rama ng kanyang abugado na huwag munang magbigay ng komento sa panibagong patung-patong na kasong isinampa sa kanya ni Nadia Montenegro.

Wala pa raw kasing nakarating na affidavit sa kampo ni Annabelle.

Saka na lang daw siya magbibigay ng komento pagkatapos niya itong basahin at kung ano ang ipapayo ng kanyang abugado.

Attempted Murder, Grave Coercion, at Grave Oral Defamation ang tatlong kasong isinampa ni Nadia laban kay Annabelle kahapon ng umaga, Pebrero 1, sa San Juan Prosecutor’s Office.

Ang mga kasong ito ay nag-ugat sa gulong nangyari noong Lunes, Enero 30, kung saan nagwala si Annabelle sa labas ng building ng San Juan Prosecutor’s Office at pinagsisigawan si Nadia at hinahamong lumabas.

Inagaw pa ng talent manager ang manibela sa driver niya para sasagasaan daw niya si Nadia paglabas nito.

(CLICK HERE to read related story.)

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Annabelle kahapon, February 1.

Sabi ni Annabelle tungkol sa mga kasong isinampa sa kanya ni Nadia: "Maski mag-file siya ng twenty times na kaso, okay lang sa akin.

"Madali lang naman mag-file, e, fifty pesos lang naman bayad, di ba?

"Ako naman, hindi basta-basta nagpa-file hangga’t hindi ako sigurado, e.

"Siya kasi, file lang nang file para magamit lang ang pangalan ko, gusto lang niya maki-ride on sa akin, hindi naman siya sikat."

Dagdag pa ng ina ng Gutierrez siblings na sina Ruffa, Richard, at Raymond: "Ang problema diyan, ang buwelta ko.

"Dun mo ngayon itatanong ang buwelta ko sa kanya.

"Kasi madali mag-file, magdemanda. Ang buwelta ko sa ’yo, ano ba?

"Natutulog lang ba ako? Hindi!

"Hindi ako kagaya ng ibang kalaban mo na kayang-kaya mong tapak-tapakan.

"Hindi ako natutulog.

"Gising na gising ako, Nadia Montenegro. Dinemanda mo ako, sasagutin ko at tatapusin ko pa!"

NADIA’S SAFETY. Ayon naman kay Nadia, dahil sa mga ginawa ni Annabelle ay hindi na raw niya alam kung saan pa siya safe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya sa PEP kahapon din, "I just really hope na matapos din ’to at mangyari na ang dapat mangyari.

"Kasi I don’t like living my life like this. This is all new to me.

"And I just want to believe that my prayers are being heard, and I just need all the wisdom and the strength.

"Kasi kahit saan na lang dalhin, ganun siya, e.

"Alam no, palaban din naman akong ina.

"Hindi naman ako magpapaapi, at hindi ko naman hahayaan na apihin ako at kawawain ako.

"Pero kung nasaktan niya ako, hindi ko rin alam kung saan kami umabot.

"Pero iiwas din naman ako kasi hindi naman ako ganung klaseng tao.

"There is a right place for that."

NO MEDIATION. Pareho namang sinabi nina Nadia at Annabelle na malabo na silang magkaayos.

Inaasahan nilang paghaharapin pa sila sa mediation kung sakaling umakyat sa korte ang mga kasong isinampa nila.

Pero ayon kay Nadia, "Hindi na.

"Like what I said, i-stick natin dun sa main issue.

"Humaba na nang humaba dahil sa pagkatao ng taong ito.

"I’m still sticking to the issue of child abuse, not a single question has been answered.

"And I will fight until the end kahit saan pa umabot ’to."

Patuloy pa ng dating aktres, "Kung ako lang at asawa ko, go.

"I have my children to protect.

"I mean, I don’t know if she’s [Annabelle] going through so much right now, but with all sincerity and, I swear, I pray for her.

"I’m telling you right now, I swear, I pray for her."

Umiiling namang sinabi ni Annabelle na malabo na silang magkaayos ni Nadia.

Aniya, "Malabo na talaga.

"Sinira niya ang pangalan ko, siya ang nanguna na magdemanda.

"Di bale sana kung nag-away kami, hindi kami nag-away, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

YNNA ASISTIO. Samantala, ikinuwento ni Annabelle sa PEP na nalaman niyang pinapirma raw ni Nadia ang anak nitong si Ynna Asistio sa Icons, ang talent management office ni Atty. Bebong Munoz.

(Si Bebong ang dating kasintahan ni Jolina Magdangal.)

Si Ynna ang isa sa mga talents ni Annabelle sa Royale Era.

Patutsada ni Annabelle, "Ang yabang-yabang mo, Nadia, pumirma ka na pala sa Icons, e, kay Bebong.

"Nagpapirma ka lang sa iba, ganun na ang gawin mo sa amin, pumirma ka lang sa iba!

"Diyan tayo magtutuos ngayon. Kasi ako, may alam ako bakit ka pumirma kay Bebong!" bulalas nito.

Pero nang kinumpirma ng PEP kay Nadia kung pumirma nga si Ynna sa Icons, kaagad itong itinanggi ng dating aktres.

Unang text ni Nadia sa PEP: "Hindi ah! Si Annabelle pa din. Di pa naman tapos kaso, paano kami pipirma sa iba?

"’Saka exclusive siya [Ynna] sa GMA for three years. Di kami puwede [pumirma sa iba] ."

Wala raw silang natatanggap na anumang offer mula sa Icons o kahit kaninong manager.

Text muli ni Nadia: "Wala talaga. Kahit sino sa Icons or sa GMA, walang nagbanggit ng ganyan sa amin. Saka ayoko na mag-manager sa mga anak ko after ng kaso. Traumatic!"

Contract star ng GMA-7 ang si Ynna, kung saan regular itong napapanood sa Party Pilipinas.

Pero mukhang sigurado si Annabelle sa nasagap niyang kuwento at magkakaalaman din daw sa bandang huli.

"Bakit siya aamin? Sino bang magnanakaw ang aamin?" tili ni Annabelle nang ipinarating namin sa kanya ang pagtanggi ni Nadia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN