Matet de Leon on mom Nora Aunor’s operation to restore her voice: "Maganda na raw ang boses ni Mommy."

"Actually hindi yata siya inoperahan! May pinasok lang na parang kamera sa loob. Kamera or something... may something lang na pinasok. May ginanun lang, ginanyan-ganyan," says Matet de Leon, when asked about the throat operation that her mom, Nora Aunor, was supposed to have undergone.


Mabait ang role ni Matet de Leon sa Broken Vow bilang si Amy.

Siya ang loyal best friend ni Bianca King, ang bida ng naturang afternoon soap.

"Maingay, ganun, the usual. The usual Matet," paglalarawan niya sa kanyang role.

"Mero’n din namang challenge. Kasi bawat project naman kasi iba-iba siyempre yung role naman natin diyan.

"So, bawat bagong show, merong challenge. Meron."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Matet sa press conference ng Broken Vow noong Martes, January 31, sa Studio 7 ng Kapuso network.

BEST FRIEND. First time daw makatrabaho ni Matet si Bianca.

"Okay naman siya. Nakakatawa rin at saka masarap din siyang kasama at katrabaho."

Matindi raw ang mga eksena nila pagkatapos ng rape scene ni Bianca sa kuwento.

"Mabigat! Ano siya, medyo nung time na kinukunan yung mga mabibigat na eksena, hindi namin siya masyadong kinakausap.

"Kasi siyempre kailangan niyang hawakan yung emosyon nung eksena.

"So, hindi rin namin siya muna masyadong iniistorbo.

"Pero ngayon na medyo mas okay-okay na, mas light na yung takbo nung mga kinukunan namin na mga eksena, okay naman, nagbibiruan kami sa tent."

Mahirap din ang papel ni Matet dahil best friend nga ng karakter niya ang na-rape.

"Oo, kaya iyon, suporta din sa kanya," sabi niya.

Kasali rin si Matet sa matatapos nang afternoon soap ng GMA-7, ang Ikaw Lamang Ang Mamahalin.

Dito raw ay halos puro iyakan ang eksena niya kumpara sa role niya sa Broken Vow na light lang daw.

Kung siya ang papipiliin, ano ang mas gusto niya: iyakan o yung magagaan na eksena lang?

"Mas gusto ko yung ano... yung masakit sa ulo. Yung umiiyak. Yung ganun.

"Gusto ko yung ganun kasi... nagpapasalamat nga ako sa GMA binigyan ako ng ILAM [Ikaw Lamang Ang Mamahalin] kasi, ano siya, parang nailabas ko yung kung ano’ng meron ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na matagal ko nang hindi naipakita ulit."

LOYAL KAPUSO? Si Matet at ang kuya niyang si Ian de Leon ay mina-manage ni Malou Choa-Fagar, ang lady boss ng TAPE, Inc., na producer ng Eat Bulaga!.

Walang kontrata si Matet sa GMA7. Paano kung may oportunidad sa ibang networks?

"Sa Dos? Actually, alam ko, meron! Meron kasing ibinigay sa aking role sa kabila, ’tapos after a week, tumawag ito...itong Broken Vow.

"Actually yung isa, mas ano siya... kasi nanay nung bidang bata.

"Kaya lang, sa akin kasi, ’andito na ako sa GMA, kumbaga nakasampa na rin ako dito, so maintain ko na siguro muna yung ano ko dito."

Pinag-usapan daw naman nila ng kanyang manager kung ang tatanggapin ba nila ay yung sa ABS-CBN o sa GMA-7.

"Napag-usapan namin na, ’Sige, diyan ka na lang!’

"’Opo, dito na lang ako muna!’

"Kasi ang bait nila [GMA-7] sa akin, sunud-sunod [ang projects], o!"

SUPERSTAR MOM. Kinumusta rin ng PEP kay Matet ang kanyang inang si Nora Aunor na bumalik muna sa Amerika para magpa-opera ng lalamunan para maging maayos muli ang singing voice nito.

"Mabuti naman po," sagot niya.

Hindi pa raw sila nagkakausap ng kanyang mommy.

"Pero yung yaya niya, nandun, nakakausap ko. Maganda na raw ang boses ni Mommy.

"Actually, hindi yata siya inoperahan! May pinasok lang na parang kamera sa loob. Kamera or something... may something lang na pinasok.

"May ginanun lang, ginanyan-ganyan," pagmuwestra niya sa paggamot sa inang Superstar.

"Kausap niya [yaya] sa telepono daw, sabi niya, ’Matet, ang ganda na ng boses ng mommy mo agad!’

"Hindi naman siya kinantahan sa phone, pero yung ano siyempre, yung boses, luminaw ang kanyang ano [pagsasalita].

"Kaya tuwang-tuwa ako, sabi ko talaga, ’Salamat sa Diyos!’

"Kasi may plan si Mommy, e."

Plano raw ng Superstar na mag-concert sa May.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOLA NORA. Noong naririto sa Pilipinas ang mommy niya ay nakapag-bonding daw sila nang husto, ayon pa kay Matet.

"Lagi nga kaming nasa kanya noon.

"Lagi kaming nandun kasi para ano lang... bawi lang, sa mga sakit ng ulo na ’binigay ko sa kanya dati, di ba?" ang natatawang sinabi pa ni Matet.

May advice bang ibinigay ang mommy niya sa kanya recently?

"Ang ano lang niya, yung mga anak ko. Kasi hindi ako strict sobra na nanay na ano [laging nagpapagalit].

"Parang ano lang niya, ’Sitahin mo nga.’ Parang, ’Tingnan mo mga anak mo.’"

Lolang-lola kung ganoon ang Superstar?

"Oo. Kasi maano ako na, ’Sige, hayaan mo sila diyan.’

"Kahit na ubuhin diyan, wala akong pakialam!" at natawa si Matet.

"’’Tapos, siya yung, ’Matet, yung anak mo, inuubo na naman. Umiinom ba ng gamot yan?’

"’Tapos ako, ’Ma, hindi pa po nakakainom.’

"’Painumin mo. Hindi puwedeng ganyan!’"

Dalawang babae ang mga anak ni Matet sa mister niyang basketbolista na si Mickey Estrada—si Mica, seven years old, at si Mishka, magpa-five years old.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN