King of Soul Janno Gibbs returns to the teleserye; plays Bea Binene’s dad in Alice Bungisngis

Janno Gibbs on his role in Alice Bungisngis And Her Wonder Walis: "Ano naman ako, e, ayoko rin gumawa ng soap na kung ano lang ang role. Siyempre, gusto ko, medyo special yung role, di ba? Dito kasi, ang role ko, tatay ni Alice. Sa side ng asawa ko, si Ana Roces, mga mangkukulam. Ako, tao lang talaga ako dito. So, yun, kahit human lang ako, ’pinaglalaban ko ang anak ko."


"Uy, hindi pa ako na-late, ha!"

Nakangiting hirit ni Janno Gibbs sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya sa press conference ng Alice Bungisngis And Her Wonder Walis noong Martes, January 31.

Tila naging running joke na kasi sa karamihan ang madalas na pagiging late ni Janno sa kanyang showbiz commitments.

Pero mula nang maging visible siya ulit noong nakaraang taon, nagagawa na ni Janno na i-manage ang kanyang problema sa pagtulog, na siyang dahilan ng madalas niyang pagiging late.

Lumipat na rin siya ng talent management. Mula sa matagal nang kasamahan sa showbiz na si Malou Choa-Fagar, na kay Perry Lansigan ng PPL Entertainment na ito ngayon.

Sa press conference nga ng Alice Bungisngis na ginanap ng tanghali, ilang oras pa lang daw ang tulog ni Janno dahil galing pa siya sa taping na umabot ng alas-tres ng umaga.

FATHER ROLE. Si Janno ang gumaganap na tatay ni Bea Binene sa Alice Bungisngis.

Sabi ni Janno, "Okay naman, medyo pagod, pero maganda naman ang ginagawa namin. Enjoy ako sa role ko."

Ang huling teleserye na ginawa ni Janno ay ang Pilyang Kerubin noong 2010.

Medyo matagal na nga rin bago nasundan ito. Bakit naisipan niyang mag-teleserye muli?

"Ano naman ako, e, ayoko rin gumawa ng soap na kung ano lang ang role.

"Siyempre gusto ko, medyo special yung role, di ba?

"Dito kasi, ang role ko, tatay ni Alice. Sa side ng asawa ko, si Ana Roces, mga mangkukulam.

"Ako, tao lang talaga ako dito. So, yun, kahit human lang ako, ’pinaglalaban ko ang anak ko."

Ito ang unang beses na gumanap na tatay ng isang tween star si Janno.

Pero sa totoong buhay, tatay na talaga siya ng dalawang dalagang anak nila ni Bing Loyzaga—sina Alyssa at Gaby.

"Yun nga lang, hindi ko pa nakakaeksena ang mga teens. Sa taping kasi, baby pa si Bea do’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero nakakasama ko naman sila sa Party Pilipinas," banggit ni Janno.

Ang Party Pilipinas ang Sunday musical-variety show ng GMA-7.

Sa umpisa raw ng Alice Bungisngis ay mapapanood siya na nasa loob ng snow globe.

Gusto raw ni Janno ang ideya na ang ginagawa niya ay may temang pambata.

Kuwento pa niya, may mga eksena rin daw siya na drama talaga.

Hindi ba siya nagdalawang-isip nang i-offer sa kanya ang Alice Bungisngis, lalo pa’t madugo ang taping nito?

"Hindi naman. Kasi, tatlo na rin ang nagawa ko.

"So, far, kahit na-experience ko na mahirap, enjoy ako.

"Kumbaga, dati sa movies, artista rin ako.

"Kumbaga, hinahanap ko rin ang acting, para maiba sa Party Pilipinas."

RECORDING CAREER. Pagkatapos ng kanyang comeback solo concert noong isang taon, ang paggawa naman ng album ang pinagtutuunan ni Janno ng pansin ngayon.

Pero ayon sa King of Soul, "Medyo natatagalan ako sa GMA Records kasi meron kaming binabalak na medyo mahirap buuin.

"Parang balak ko, parang Michael Buble.

"Kasi sa mga shows, ginagawa ko yun. Hindi ko pa nagagawa sa recording.

"So, yun ang balak ko.

"Pero mga last quarter pa siguro, kasi matagal gawin ’yan."

Dugtong pa niya, "Ako kasi, medyo matagal mag-recording. Kasi, producer din ako sa album ko.

"Ano lang naman, ako ang nasusunod sa mga areglo. Inaayos ko.

"E, medyo pine-perfect ko.

"Kasi ang feeling ko, ang album, forever na yun. Hanggang sa matanda ka, papatugtugin yun.

"So, gusto mo, kaya niyang mag-survive ng time, di ba?"

WISHING FOR A MOVIE. Samantala, masaya naman daw si Janno sa naging pagtatapos ng taong 2011 at gayundin sa pagpasok ng 2012.

Pero umaasa siyang magkaroon siya ng pelikula ngayong taon.

"Last year kasi, kahit paano, nagkaroon ng concert kahit Music Museum lang."

Ang tinutukoy ni Janno ay ang audience-capacity ng Music Museum, na di hamak ay mas maliit kaysa sa karamihan ng mga kilalang concert venues.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya na ako do’n basta nakapag-perform ako ng solo.

"Okay naman ang reception. Maganda naman.

"’Tapos ngayon, soap ulit.

"So, sana movie ulit. Yun ang dinadasal ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN