Grace Lee asks for "time and space" in getting to know PNoy; says the President woos a girl just like any other man

Grace Lee on President Noynoy Aquino’s chances with her: "I don’t think I’m gonna waste my time spending, you know, hours of my day trying to know a man if I was not interested."


"He’s brilliant...I think, if not the most intelligent man I’ve met in my life."

Ganito inilarawan ng DJ-TV host na si Grace Lee si Pangulong Noynoy Aquino nang makapanayam siya ni Nelson Canlas kagabi, Pebrero 1, sa news program na State of The Nation With Jessica Soho ng GMA News TV.

Noong Miyerkules, Pebrero 1, ay umamin si PNoy na siya at si Grace ay "seeing each other."

Ngunit tumangging magbigay ng iba pang detalye si PNoy.

(CLICK HERE for related article.)

Matapos ang pag-amin ng Pangulo’y naging usap-usapan ito sa loob at labas ng bansa, dahilan para mapunta ang atensiyon ng marami kay Grace.

Ang atensiyon na ito sa Kapuso host ang pinagmumulan ng pag-aalala ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang ina.

Sabi ni Grace, "Well, of course she’s concerned.

"Kahit sino namang mom out there will be concerned [with] the sudden attention, [coming from] so many different media.

"So, worried siya."

Para naman sa manager ni Grace na si Arnold Vegafria, na eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, maituturing na "inspirasyon" ng Pangulo ang kanyang alaga.

Gayunman, may ilang paalala pa rin si Arnold para kay Grace.

Ayon sa talent manager, "Sabi ko nga sa kanya, ’Your life will not be the same again because you’re linked with the President.

"’So, ang mga tao all eyes on you. So you have to be, you know, careful sa mga galaw mo."’

(CLICK HERE for related article.)

PNOY’S CHANCES. Samantala, sa panayam sa kanya ng State of The Nation, ikinuwento ni Grace na kahit pa Pangulo ng bansa si PNoy ay normal itong manligaw, katulad ng ibang ordinaryong lalaki.

Sabi ni Grace, "I don’t know about calling every day, I don’t want to divulge too much details pero, uhm, yes, very normal like any other guy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’ve received a couple of chocolates and flowers.

"He’s very sweet."

Hindi man malinaw sa lahat kung gaano na katagal na nagde-date sina Grace at PNoy, mas interesado silang malaman kung may pag-asa nga ba ang Pangulo sa kanya.

Ani Grace, "I don’t think I’m gonna waste my time spending, you know, hours of my day trying to know a man if I was not interested.

"You know, he is a wonderful person.

"One of the reasons why I wanted this to be more private was because we’re still at the stage of getting to know each other, and I didn’t want so many people having so much to say about what’s going on between us.

"It is really us seeing each other [and] as the President said, ’yon nga, we’re getting to know each other."

Kaya naman ang hiling ni Grace sa lahat: "I would like to take this opportunity to ask everyone to give us time and space.

"Sabi ko nga, kawawa naman si Presidente."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN