Kris Aquino’s marriage to James Yap is now officially annulled

"Bukas [February 3] dadalhin ko sila sa Hong Kong Disneyland. Next week, sa Tokyo Disneyland. As in sobra-sobrang pagsuhol ang gagawin ko. Kasi alam nila, alam ko rin talaga na once this starts talaga, ibang level na ang pagod," says Kris Aquino about treating her sons Bimby and Josh as her way of celebrating her birthday, which falls on Valentine’s Day.

Boy Abunda (not in photo) revealed on Bandila last


Opisyal nang "annulled" ang five-year marriage nina Kris Aquino at James Yap.

Ito ang inanunsiyo ng matalik na kaibigan ni Kris na si Boy Abunda sa late-night news program na Bandila kagabi, February 2.

Pero naibalita muna ito dito sa PEP Alerts bago pa man umere ang Bandila.

Ayon kay Boy, "lack of authority of the solemnizing officer" ang naging dahilan ng pagpapawalang-bisa ng kasal nina Kris at James.

Ikinasal ang dalawa noong July 10, 2005. Nag-file naman si Kris ng nullity of marriage noong August 9, 2010.

Nagkaroon sina Kris at James ng anak na lalaki, ang four-year-old na si James Yap, Jr., o mas kilala sa palayaw nitong si Bimby.

Base sa Family Code, mananatili ang kustodiya ni Bimby sa kanyang inang si Kris.

Gayunman, may karapatan si James na bisitahin ang kanilang anak.

Tungkol naman sa paghahati ng kanilang mga ari-arian, matagal na raw itong napag-usapan ng dating mag-asawa.

Ayon kay Boy, "’Yong pinag-uusapang separation of properties, ito ay naganap one year before today.

"Nagkaroon na sila ng agreement kung paano hahatiin ang properties approved by the court."

(CLICK HERE to read related article.)

Ibinahagi rin ni Boy sa Bandila na naging "fair" ang pag-uusap nina Kris at James.

Saad ng TV host, "Alam mo, sabi ni Kris, she pays tribute to James na he’s not greedy, fair ang kanilang pag-uusap.

"It doesn’t call for celebration.

"She pointed this out na kapag naa-annul ang isang kasal, hindi ito dahilan para magbunyi at mag-celebrate."

TREATING HER SONS. Samantala, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Kris sa surprise birthday party na inihanda para kanya at kay Anne Curtis kagabi, February 2, sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound.

Kung si Kris ay magpu-41 years old sa February 14, si Anne naman ay magtu-27 sa February 17.

Dito ay inihayag ni Kris na aalis sila ng kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby papuntang Hong Kong ngayong araw, February 3.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magsisilbi itong pagdiriwang ng kanyang kaarawan at treat na rin daw para sa kanyang mga anak.

Magiging abala na kasi si Kris sa gagawin niyang teleserye sa ABS-CBN, kasama sina Anne at Robin Padilla.

Sabi ni Kris, "Bukas dadalhin ko sila sa Hong Kong Disneyland. Next week, sa Tokyo Disneyland.

"As in sobra-sobrang pagsuhol ang gagawin ko.

"Kasi alam nila, alam ko rin talaga, na once this starts talaga, ibang level na ang pagod.

"’Yong May naman na bakasyon, halfway through the serye, mayroon kaming break na Disney cruise naman ’yon.

"Sabi nga ng mga kapatid ko, ’Disney overload?’ Yes, para payagan nila akong dalawa.

"Alam nila though na I enjoy it, na gustung-gusto ko ang acting.

"So, maganda ’yong pag-uusap namin."

READY FOR KISSING SCENES. Sa nasabing sorpresa, nagbiro rin si Kris na maari na siyang makipag-torrid kiss kay Robin sa kanilang gagawing teleserye.

Sina Kris, Robin, at Anne ay bida sa upcoming teleserye ng ABS-CBN na Kailangan Ko’y Ikaw.

"Puwede nang makipaghalikan ngayon. Why not?" natatawang sabi ni Kris.

Pagkatapos ay ipinaliwanag niya sa media, "E, kasi tatlo naman ang anak namin dito. Paano naman kami nagkaanak kung walang love scene na naganap?"

Kampante naman daw si Kris na magiging maayos ang ganitong eksena dahil dalawang babaeng direktor ang hahawak sa kanila—sina Malu Sevilla at Joyce Bernal.

Aniya pa, "So, parang alam namin na kung anuman ang love scenes, anuman ’yong mga intimate scenes, it will be done in good taste.

"At ’yong scenes na ’yong mga girls, sobrang kikiligin talaga."

Hindi kaya maging dahilan ito ng pagseselos ng bunso niyang anak na si Bimby?

Sagot ni Kris, "Bago ako pumunta dito, in-explain ko sa kanya, sinabi ko sa kanya, ’Honey, when it’s in front of the TV, you know that it’s pretend.’

"So, kapag pretend, okay lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, ’It’s pangit if it’s real life. But if it’s in front of the camera, it’s work, it’s okay.’

"Okay siya doon basta work."

Hindi napag-usapan kagabi ang tungkol sa annulment ng kasal ni Kris kay James.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN