Part 1 Sheena Halili’s wish to have ’more clothes’ in her next project is granted: "Mula sa walang saplot, ngayon naman punung-puno ng saplot!"

Sheena Halili on her costume as voodoo doll in Alice Bungisngis: "Di ba, sa Amaya nagrereklamo ako? Hindi naman sa nagrereklamo... Pero ngayon, balot na balot ako, di ba? Binigay naman ng GMA ang hinihiling ko! Binalot nila ako nang bonggang-bongga!"


Marami ang naaliw sa hitsura at costume ni Sheena Halili sa presscon ng early primetime series ng GMA-7 na Alice Bungisngis And Her Wonder Walis noong Martes, January 31.

Isang voodoo doll kasi ang role ni Sheena sa fantasy series bilang si Sinag.

Pero pagtatapat ng young actress, kung marami ang natutuwa na makita siya sa kanyang costume bilang isang voodoo doll, siya naman ay natakot. Lalo na nang may magkomento na "blooming" siya ngayon.

"Blooming ba? Kahit ganito na ang hitsura ko?" natatawang sabi niya.

"Pero benta naman siya sa mga bata. Kasi sa taping, may mga nanonood na bata.

"Hindi naman sila natatakot sa akin, iniikut-ikutan nila ako.

"Siguro, sinasabi nila, ’Sino ba ’to?’"

WISH GRANTED. Medyo mahirap daw ang costume niya dahil mabigat na nga ang wig niya, may mahaba pa siyang eyelashes. Mainit din ang suot niyang damit dahil balot na balot nga siya.

Kabaligtaran nga raw noon sa kanyang role sa Amaya na halos wala siyang pang-itaas.

Kuwento pa ni Sheena, "Six in the morning ang call time ko kasi mahirap nga ang makeup, di ba?

"Pero kapag nag-uumaga na kami sa taping, maghapon na, hindi na ako nagsasalita.

"Mahirap kasi, lalo na yung lashes, kapag maghapon ka nang nakaganito.

"’Tapos ganito ang costume ko, mainit. Pero okay siya.

"Di ba, sa Amaya nagrereklamo ko? Hindi naman sa nagrereklamo...

"Pero ngayon, balot na balot ako, di ba?

"Binigay naman ng GMA ang hinihiling ko! Binalot nila ako nang bonggang-bongga!" natatawa niyang sabi.

So, na-realize niyang mahirap palang humiling?

"Oo nga!" tawa niya ulit.

"Mukha na lang ang ipinakita. Pati daliri, balot!

"Mula sa walang saplot, ngayon naman punung-puno ng saplot!"

VOODOO DOLL. Bilang isang voodoo doll, masama raw ang character ni Sheena sa Alice Bungisngis.

Kuwento pa niya, "Actually, ang nangyari kasi, si Ms. Jean [Garcia] kasi ang inanuhan ng power, tinamaan lang ako noong bumagsak ang bato.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, pati ako, nandoon ako sa parang isang lugar na punung-puno ng voodoo dolls.

"So, yung hawak kong voodoo doll, naging ako.

"Kontrabida... Pamangkin ako ni Ms. Jean, so siyempre sa kanya ako [kakampi].

"Nakakatakot pa ako kaya hindi pa ako cute.

"Pero alam ko, magiging mabait din daw ako sa huli, so tingnan natin."

Masaya naman si Sheena dahil hindi siya nababakante ng trabaho sa GMA-7. Kahit na katatapos lang niya sa Amaya ay may panibago na naman siyang show.

Nagkataon pa raw na ang location nila noon sa Amaya sa Pagsanjan, Laguna ay ang location pa rin nila ngayon sa Alice Bungisngis.

"Nakakatawa nga. Kaya sabi ko nga sa kubo sa Pagsanjan, ’January kita iniwanan, January pa rin ngayon.’

"Same location kami. Same kubo. Inayos lang ’yan.

"Putikan pa rin, lamok-lamokan, langaw-langaw... Na-miss nila ako kaagad!

"Pero siyempre, happy ako kasi kakatapos ko lang [ng Amaya], ’tapos meron na ulit.

"Hanggang May ’to. So, saka ko na poproblemahin after ng May," saad ni Sheena.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN