Part 1 Aiko Melendez becomes an instant fan of David Archuleta after hearing him sing during taping for new series

Aiko Melendez describes her lovelife: "Wala! I’m loveless and busy working lang. Kasi iyon ang goal ko for 2012... parang sa feng shui ko sa year of the rabbit is really good for career so I’d like to focus there muna."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiko Melendez kagabi, February 3, sa Tanghalang Pasigueño sa Pasig City kung saan ginanap ang taping ng Nandito Ako, ang upcoming series ng TV5.

"Kapatid" na ba si Aiko? Kapatid ang tawag sa mga exclusive artists ng TV5.

"No. Actually just for this project and then I don’t know yet kung I have a follow-up project with Channel 5, but I’m going back to Kapamilya network naman in March, I’m set to do a soap opera," bungad ni Aiko sa PEP.

Freelancer si Aiko.

"Oo, wala akong contract with any network."

Kung may mag-o-offer sa kanya ng exclusive network contract?

"Puwede rin kasi basta lang ano yung project, sisiguraduhin lang na maganda, because after nung success nung Reputasyon na experimental yung role ko, parang I wanna do something naman that’s different, that it wouldn’t bore naman yung mga nanonood sa akin. Sana, sana."

Sa Nandito Ako na pinagbibidahan ng American Idol Season 7 runnerup na si David Archuleta, ang role ni Aiko ay...

"I play Margaret, the mom of Eula Caballero. Si Jasmine [Curtis Smith] naman, ang mom niya si Gelli [de Belen].

"Si Gelli... may past kami [sa serye], magkagalit kami kasi naging kerida siya ng husband ko, who is a foreigner, hindi artista.

"Tapos biglang magkaka-conflict kami ni Gelli to a point na hindi ako magiging okay kay Jasmine kasi nga dun sa mom niya, dun sa away namin."

Nagkaeksena na sina Aiko at David...

"Yeah! This is my third day with David and yung ngayon medyo kinda heavy yung scene namin together kasi may ipapakiusap ako sa kanya with regards to my daughter."

Napapanood niya si David noon?

"Napapanood ko siya pero hindi talaga ako yung... I am not an avid fan.

"Parang I see him whenever I have the chance pero hindi talaga yung avid fan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero after I saw him kanina perform, doon sa concert niya, I am now a certified fan of David Archuleta!"

Kinunan na kasi ang eksena na sikat na singer na si Josh Bradley, ang karacter na ginagampanan ni David, at noon lang napanood ni Aiko si David na kumanta at mag-perform onstage.

"Ngayon ko lang siya nakitang mag-perform, e. Grabe! Napatulala ako, nakalimutan ko na ginagawa namin ito para sa taping.

"Talagang natulala ako, parang I’m watching an angel sing!

"I even went to his dressing room and I told him, you know from this day on, I am now a fan. I am now a certified David Archuleta fan."

Ano ang reaksyon ni David sa sinabi niya?

"Sabi niya, ’Oh my God, I am really flattered!’

"Sabi ko, ’I am... Oh my God, I cannot believe that you’re in front of me, I didn’t even realize that you are that good!’

"Iba yung stage presence niya.

"At ang bait, sobra! Super-bait and then lahat dito... di ba he’s such a superstar, he’s known all over the world and nakikipag-usap sa mga crew, nakikipaglaro sa mga bata.

"Yung sigawan sa kanya kanina sa concert, sa eksena, sobra, hindi scripted yun.

"E, pinapatigil na yung mga tao na huwag nang maingay dahil nga sa sobrang sigawan. Grabe!"

WORKING WITH EULA CABALLERO. Kumusta namang katrabaho si Eula na isang baguhan?

"Okay naman si Eula. Nung una medyo naiilang siya sa akin, pero I made it a point to make her feel comfortable, I made her feel talaga na ’Hey, I’m gonna play your mom, sana huwag kang mailang.’

"And I’m teaching her mga konting tips din sa acting."

Ang huli nilang pinagsamahan ni Gelli...

"Our last was with Jomari [Yllana] yung Mahal Kita, Walang Iwanan pa, ang tagal na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nga excited din ako, one of the reasons I accepted this project is also because of Gelli.

"Kasi ang tagal na kaming hindi nakikita and then ngayon pa na makikita kami na magsasagutan, mag-aaktingan."

May sampalan?

"Meron, hindi pa nakukunan, next week pa."

LOVELIFE. Kumusta ang...

"Lovelife ko?" ang panghuhula na agad ni Aiko sa itatanong namin.

"Wala!

"I’m loveless and busy working lang.

"Kasi iyon ang goal ko for 2012... parang sa feng shui ko sa year of the rabbit is really good for career so I’d like to focus there muna."

Naitanong rin ng PEP kay Aiko ang tungkol sa kaso sa pagitan nila ng dati niyang kasintahan, ang Bulacan, Bulacan mayor Patrick Meneses.

"It’s still ongoing. I guess... sana this 2012 ay maayos na... ako, personally, gusto kong matapos na para good start na sa aming lahat.

"Pero you know, if eventually mangyayari yung panahon na yun, siguro in God’s time.

Libel ang kasong isinampa laban kay Aiko at hindi siya nag-counter charge, meron lang siyang permanent protection order na naka-file.

Hindi na raw sila nagkikita at nagkakausap ng dating nobyo.

"Hindi e, I haven’t seen him, [the last time] was last year, dun sa court pero hindi kami nakapag-usap."

May mga manliligaw si Aiko, may taga-showbiz at merong hindi.

Ayaw nang banggitin ni Aiko kung sino ang taga-showbiz na nanliligaw sa kanya ngayon.

"Wa na," sabay-tawa ng aktres.

"Mas marami sa non-showbiz."

Meron na ba siyang napupusuan?

"Wala e, wala."

Hindi pa ba siya handang ma-in-love ulit?

"Hindi kasi yun ang priority ko, e. Tsaka I don’t have the time now. Right after Reputasyon eto pumasok na itong Nandito Ako.

"Wala talaga akong time na kilalanin sila ng bonggang bongga."

Ipapalabas na ang Nandito Ako ng TV5 sa February 20, sa direksyon ni Mac Alejandre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN