Part 2 G Tongi says she wanted to wear prosthetics for her role as David Archuleta’s mom: "I’m an actor. Sabi ko, ’Paputiin ninyo ang buhok ko.’"

G Tongi is married to Tim Walters, who is based in the U.S. They have two kids. Is she here to stay?

"Not yet. I leave on the 13th [of February]," G says, adding that there may be projects in the future pending negotiations. "I welcome the opportunity to work more here. I just have to convince my family."


Comeback project ni G Tongi ang Nandito Ako, ang mini-serye ng TV5 na pinagbibidahan ng international male singer na si David Archuleta.

Paano nakumbinsi si G ng TV5 na magbalik-showbiz? Talent fee?

Tumawa muna si G bago sinabing... "Hindi ako tinawaran."

"The real basis was Joann Bañaga. She was the one who contacted me.

"She was my first producer for my film, Rollerboys, nasa Regal pa ako nun."

Production unit manager si Joann ng TV5.

"So when she reached out to me I go, ’Oh okay, they’re really interested.’

"They sent me the script right away, they sent me the breakdown of my character, I liked it.

"We didn’t even have to negotiate. They asked me my rate I said it was this, they said okay, and that was it."

Bukod kina David at G, mapapanood sa Nandito Ako sina Jasmine Curtis Smith at Eula Caballero, at sina Aiko Melendez, Gelli de Belen, Ana Capri, Alwyn Uytingco, Mon Confiado at si Miss Perla Bautista.

Mapapanood na ito sa February 20, sa direksyon ni Mac Alejandre.

What’s it like working with David Archuleta?

"It was very pleasant. He’s a very nice guy, mabait talaga siya, pero nung napanood ko ngayon, ibang klase!"

First time niyang napanood kumanta at mag-perform si David nang kunan kagabi ang eksena kung saan nagko-concert si David as Josh Bradley, ang karakter na ginagampanan ng American Idol runnerup.

"Certified David Archuleta fan na ako! "

Kilala naman ni G si David noon pa.

"Oo, I mean alam ko na American Idol siya, kumakanta siya pero I’ve never seen him perform. I was amazed!"

Ngayon raw ay alam na niya kung bakit maraming tagahanga si David.

"Kasi I live in L.A. and you know, I see people who are always in front of the camera in Los Angeles. So I’m not like ’Oh hi!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Trabaho kami, trabaho, okay. Pero wow! Nung napanood ko talaga kanina. Wow!

"Alam kong maganda ang boses niya dahil kumakanta-kanta siya sa set, naririnig namin.

"Pero yung hindi mo ma-explain yung presence niya, it’s like... that X factor, he has it. There’s no denying that.

"Iyon yung hindi mo matututunan, hindi mo mabibili.

"Bilib na bilib ako sa kanya."

GETTING INTO CHARACTER. Ang role ni G sa mini-serye ay si Cara, ina ni David...

"I actually asked them if I can wear prosthetics."

Payag siya?

"Of course, I’m an actor! I’m an actor. Sabi ko, ’Paputiin ninyo ang buhok ko.’

"E, naging problema is yung, I guess, trend dito sa Pilipinas na yung mga nanay hindi nagpapatanda, hindi nagpapa-edad.

"So sabi nila, ’G, kung yung ibang mothers sa mga soap hindi nila ginagawa yun, mas parang hindi puwedeng gawin mo yun.

"Pero nag-insist talaga ako, sabi ko, bakit, e, aktor ako? Hindi lang naman sa itsura ’yan, di ba? So yung mga ibang eksena, wala akong make-up.

"Kasi yung role ko sa probinsiya, e. May foundation ba sa dalampasigan?"

Paano palulusutin na may anak na siyang binata [si David nga] samantalang batambata pa ang hitsura niya at very sexy pa rin?

"Hindi ako kumakain," sabay-tawa ni G.

"Hindi, I mean in fairness naman to the script maraming eksena na with the young Josh.

"Meron ding eksena with Josh [na binata na] pero ano, puwede namang daanin sa baba ng boses, sa mannerism, di ba?

"Pero tanggap naman ng tao kasi tinwittter ko e, ’Ano, ayaw nilang pumayag na mag-prosthetics ako, okay lang ba sa inyo?’

"Tinanong ko naman yung fans and the fans were like, ’Oo, tanggap namin yan.’

"Ang galing ng Twitter, meron kang direct access sa mga tao," ang sabi ni G.

Is she here to stay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Not yet. I leave on the 13th [of February]."

Any future projects?

"We’ll see. I’m in negotiations so we’ll see, we’ll see. But I welcome the opportunity to work more here. I just have to convince my family."

FAMILY LIFE. Kasal si G kay Tim Walters at may dalawa silang anak. Ikinasal sila noong February 19, 2005 sa Boracay.

Sa Los Angeles naka-base ang mag-asawa kasama ang dalawa nilang anak.

"My daughter Sakura is six and the youngest Kenobi is four."

Sa Tokyo, Japan sila nag-honeymoon kaya ganoon ang mga pangalan ng kanilang mga anak.

Mag-aartista ba ang mga anak nila?

"I think modelling is fine because my son does modelling now in LA, he’s done H&M [isang clothing brand], may agent siya dun.

"But I don’t know if showbiz is the right path for them. My daughter likes to sing pero bata pa, e."

Buti pumayag ang asawa niya na mag-artista siya ulit...

"E, sabi ko sa kanya, ’Kaka-graduate ko lang, sige na payagan mo na ako.’ Okay naman sa kanya."

Si G at ang anak niyang lalaki ang umuwi dito sa Pilipinas at naiwan naman ang daughter niya [kasama ang husband niya] sa Amerika dahil nag-aaral ito sa first grade.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN