Markki Stroem stages his first concert tonight

Filipino-Norwegian singer and Pilipinas Got Talent Season 1 finalist Markki Stroem holds his first big concert, Make Me Sweat: A Sexy Valentine Show, on February 4 at the Music Museum.


Excited na ang Filipino-Norwegian singer at Pilipinas Got Talent Season 1 finalist na si Markki Stroem dahil mamayang gabi na, Pebrero 4, magaganap ang kanyang kauna-unahang big concert sa Music Museum billed as Make Me Sweat: A Sexy Valentine Show produced by Cornerstone Concerts.

Ka-back-to-back niya rito ang sikat na dance group na G-Force.

"I can’t wait to show a different side of me dito sa show namin ng G-Force.

"Actually, this is my biggest act, so far. Na-excite ako kasi hindi siya yung typical concert, iba siya.

"Ang maganda pa rito, we are doing this show to help yung mga cancer patients na tinutulungan ng Bosom Buddies Cancer Foundation.

"Mapupunta ang proceeds nito sa foundation," sabi ni Markki nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Magkakaroon ba siya ng number kasama ang G-Force?

"Yes, sa dulo, for fun lang. I’ll be singing while they’re dancing. And siguro I might dance a little."

Hanggang saan naman ang kaseksihang ipakikita niya sa concert?

"Basta it will be sexy, it will be fun. Paiinitin namin ang gabi n’yo. Siguradong mag-e-enjoy kayo."

HIS OWN MUSIC VIDEO. Natutuwa nga si Markki dahil unti-unti na siyang napapansin sa industriya.

Pagkatapos kasi ng PGT, hindi kasi naisip ni Markki na magkakaroon pa siya ng career nang matalo siya sa contest.

Ngayon nga para mas mai-share pa niya ang kanyang musika sa lahat ay gumawa siya ng sarili niyang music video.

Siya ang nag-produce ng video, nag-compose, nag-arrange at kumanta ng awiting "Steal Your Soul." Kasama niya sa video ang aktres na si Coleen Garcia.

Nag-provide naman ng second voice ang singer na si Zia Quizon.

"Sobrang happy ako kasi natapos ko na yung music video ko na pinagkaabalahan ko for six months—from composing, writing, editing and producing, lahat-lahat.

"Inilabas ko siya sa YouTube and as of now may more than 37,000 views na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Happy ako na people are starting to appreciate my music."

Hindi raw part ng anumang album ang music video niya.

"Walang album, walang record label. Ginawa ko lang siya para sa sarili ko and sa mga fans ko.

"Gusto ko lang i-express yung sarili ko through my music. Kasi I love music. And I want to share it with my supporters."

NO COMPETITION. Sa ngayon napapanood si Markki sa ASAP 2012 bilang bahagi ng ASAP Boys R Boys kasama sina JM de Guzman, Alex Castro at Bryan Termulo.

"Thankful lang ako sa ASAP dahil isinama nila ako sa Boys R Boys. It feels great to perform with JM, Alex and Bryan."

Wala bang nagaganap na competition sa pagitan nilang apat?

"No competition at all. We are all friends and we support each other.

"Alam ko we have individual careers outside Boys R Boys.

"Pero pag nasa ASAP na kami, we are a group, we perform as a group to entertain the people."

NEXT PROJECT. Masaya namang ibinalita ni Markki na malapit na siyang mag-taping para sa isang teleserye sa ABS-CBN.

"Meron na akong soap na darating pero hindi ko pa pwedeng sabihin ang details. Sana talaga matuloy."

Bagama’t nauna siyang nagkaroon ng acting project sa TV5, malaking bagay daw na mabigyan siya ng soap ng ABS-CBN.

Pero pakiramdam daw niya ay marami pa siyang kailangang matutuhan sa pag-arte.

"Excited akong matutong umarte. Kasi sa tingin ko, sa TV hilaw pa ako, e.

"Pero I know I’m getting there. And I hope the coming soap will give me that needed learning and break."

Sa ngayon daw bilang paghahanda ay nag-a-undergo siya ng acting workshop at umaarte rin siya sa teatro paminsa-minsan.

Paano na ang pagkanta niya pag naging full time na ang kanyang acting career?

"Definitely, my music will always be my priority because I was known as a singer first and that’s my passion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But it doesn’t mean naman na I will not give my best sa acting.

"Marami naman tayong artista na napagsasabay ang acting at singing like yung kapatid ko sa management, si Sam Milby.

"So, if they can do it, I know I can do it, too."

Ang manager nina Sam at Markki ay si Erickson Raymundo.

Si Sam ay umalis na papuntang Amerika para tuparin ang kanyang Hollywood dream at subukan ang kanyang kapalaran doon. Wala bang dream si Markki katulad kay Sam?

"Wow, I think that’s not on my mind right now.

"Sa ngayon, I want to do good here sa Philippines. But maybe in the future I can try to audition maybe sa Broadway kasi I also love theater, e.

"Sa ngayon, I’m happy na I’m starting a career here in the Philippines."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN