Eula Caballero says she was star-struck when she met David Archuleta

Eula Caballero describes working with Aiko Melendez: "Na-pressure ako kasi sabi ko, ’My goodness, mga ganitong artista, mga big stars.’ Alam mo talaga na magaling sila, it’s a fact na talaga, so parang sabi ko, ’My goodness, paano kapag nagkamali ako sa lines ko?’"


Gumaganap bilang Holly Posadas si Eula Caballero sa Nandito Ako ng TV5.

Si Aiko Melendez ang gumaganap na ina niya.

Kumusta ang pakikipagtrabaho niya kay Aiko?

"Star-struck ako! Kasi pinapanood ko siya sa Reputasyon, pag wala akong ginagawa sa bahay, nanonood ako ng Reputasyon kahit na sabihin na natin na nasa kabilang network.

"Yung feeling na natakot ako, oo natakot ako!

"Kasi sabi ko... siyempre nararamdaman ko naman e, kasi baguhan pa lang ako tapos I don’t know kung... hindi ko pa alam yung ugali niya so parang... hindi natakot, mali ako sorry.

"Na-pressure ako kasi sabi ko, ’My goodness, mga ganitong artista, mga big stars.’

"Alam mo talaga na magaling sila, it’s a fact na talaga, so parang sabi ko, ’My goodness paano kapag nagkamali ako sa lines ko?

"’Paano pag hindi ko na-deliver ang lines ko? Ano kaya ang maging reaksyon niya?’

"So, sobrang mine-memorize at pinraktis ko yung lines ko," kuwento ni Eula sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Tapos nung mag-eeksena na kami, there was a time na parang ang dami ko ng mga iyak na eksena, sobrang dami na, siguro nakaka-anim na sunud-sunod na ako.

"So nung may isa kaming eksena na kakaladkarin niya ako, sabi ko ’Shucks, hindi ko na talaga kayang umiyak!

"Sabi ko, ’Wala na talaga akong mailuluha talaga.’

"Sinabi ko sa acting coach ko, ’Hindi ko na kaya. Paano pag hindi ako nakaiyak?’

"Ang tindi ng eksena kasi nga kinakaladkad niya ako, e, sobrang masakit iyon for a daughter na gawin sa kanya ng isang ina.

"Pero naisip ko, ’Wala na talagang lalabas na luha.’

"Pero alam mo, tinitigan ko lang siya [Aiko] and before nag-take ginaganun-ganun [sini-shake] niya ako, parang acting exercise so tinutulungan niya talaga ako.

"Siguro pag feeling niya nahihirapan na ako, tinutulungan niya ako, kasi nga wala pang take, ginaganun niya ako para ma-build up yung emotions, ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nung kunan yung eksenang kinaladkad niya ako, grabe halos hindi na ako makahinga sa sobrang kakaiyak."

Nakaiyak si Eula nang todo dahil tinulungan siya ni Aiko.

WORKING WITH DAVID ARCHULETA. Nagkuwento naman si Eula ng experience niya sa working with David Archuleta na male lead sa naturang mini-serye ng TV5.

Na-star-struck daw siya nang sobra sa American Idol Season 7 runnerup.

"Sobra!" ang sabi ni Eula.

Hindi raw niya masyadong napanood noon si David sa American Idol.

"Sinundo namin siya sa airport kami ni Jas [Jasmine Curtis Smith], alam mo yung parang sabi ko ’Shucks, sana hindi siya stressed sa biyahe niya. My God, paano pag nagsungit siya?’

"Kasi ang layo ng biyahe, ang layo ng pinanggalingan niya, so pagdating niya sabi ko, ’Huwag naman sana siya na-stress sa biyahe.’

"Pero paglabas na paglabas niya naka-smile na siya. Ang laki ng smile niya, so sabi ko, ’Wow!’

"Ito pa ang nakakatawa, kasi nga sobrang amazed kami sa kanya, kami ni Jas, may nag-tweet pa sa amin ng picture namin ni Jas na naka-ganun [nakanganga at tila tulala] lang kami sa kanya.

"Sobrang star-struck kami sa kanya.

"Tapos naka-smile siya tapos sabi niya, ’How are you girls doing?’

"Tinatanong pa niya kami imbes na kami ang magtanong sa kanya na Ayos ka lang ba?

"Siya pa ang unang nagtanong sa amin na ’How are you girls doing? Sorry I know it’s very early here and you have to wait for me.’

"Sabi namin ’Oh my God, you’re so nice!’"

UPLIFTING SCENE. Sa taping, ang hindi niya makakalimutang eksena nila ni David...

"Yung binuhat niya ako. Kasi tumatakas kami from my mom, kay Miss Aiko.

"Dumarating na yung mom ko, so binuhat niya ako tapos nahiya ako kasi malaman-laman ako.

"Sabi ko ’Oh my God I’m so sorry I know I’m heavy.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi niya ’No you’re not. It’s okay, it’s okay.’

"Tapos hiyang-hiya ako kahit sinasabi niyang it’s okay, nahihiya talaga ako, kasi hindi madaling magbuhat tapos madaliang buhat pa.

"Actually, ang una dapat sa hagdan niya ako bubuhatin, pero hindi na pinush kasi delikado din, so binuhat niya ako na nasa baba lang kami.

"Tapos ang isa pang memorable sa akin siguro yung dream sequence kasi ang ano dun e, parang nasa swing ako na sobrang daming flowers, tapos darating siya.

"Kasi malungkot ako dun sa eksena, kasi yung parang dinededma ako ng mom ko at savior ko siya.

"Dumating siya tapos hinawakan niya yung mukha ko tapos palapit nang palapit..."

May kissing scene?

"Ay wala palapit lang nang palapit yung mukha namin tapos nag-fade out na," ang kinikilig na kuwento pa ni Eula.

SWEET, KIND. Napaka-sweet rin daw ni David na may mga pagkakataon na during taping break ay kinakantahan siya nito.

"Kasi may isang sequence kami sa may swimming pool pero nagkaroon ng technical problem.

"So siguro mga ten minutes kaming naghintay dun tapos ako naman parang hindi ako mapakali na gusto kong makunan na yung eksena kasi nate-tense ako, nape-pressure ako, gusto ko nang magawa yung eksena para mabunutan na ako ng tinik.

"Habang naghihintay ako, lalong pumapasok yung nerbiyos sa akin.

"So sabi niya ’Are you okay?’ Tapos napansin niya na parang hindi ako comfortable, tapos biglang kumanta siya.

"Una mahina, tapos siguro ginanahan siya, tapos kumanta siya para sa lahat ng mga nasa set.

"Lahat naka-ganun [nakatunganga] na lang sa kanya."

Bukod sa mahilig raw kumanta si David sa mga nasa set, napaka-sweet raw nito.

"Kasi instead na kami ang mag-accommodate sa kanya, siya yung [nag-asikaso].

"Alam mo yung pag darating siya sa umaga, pag darating siya sa set iisa-isahin niya lahat ng tent, ’Hello everyone! Good morning! How are you guys doing? Have you slept well? Did you get enough rest?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ganun siya. Sobrang bait niya, " pagkukuwento pa ni Eula.

Sa direksyon ni Mac Alejandre, mapapanood na ang Nandito Ako sa February 20 sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN