David Archuleta admits doing TV5 drama series is a "great challenge" for him; says he enjoyed watching Anne Curtis’s concert

David Archuleta on Anne Curtis’s concert: "It was really fun. What I respected most about Anne is, she told the audience to follow your dreams. She’s open about not being a good singer, but she still said, ’You know, I can do this.’ I like the message she sent to the people. I think that’s something. People should dream more and do more."


Aminado si David Archuleta na nangangamba siya sa maaaring mangyari sa kanyang career matapos niyang magdesisyon na iwan pansamantala ang pag-awit.

Dalawang taon magsasagawa ng religious mission si David para sa Church of Jesus Christ of Latter-day Saints, kung saan siya’y miyembro.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si David kagabi, Pebrero 4, sa press launch ng Nandito Ako na ginanap sa Meralco Fitness Center Multi-Purpose Hall, Meralco Compound, Pasig City.

May takot man, matagal daw itong pinag-isipan ni David bago nagdesisyon na isantabi ang kanyang career para sa kanyang religious mission.

"It’s always a scary thing because you don’t know what’s gonna happen," banggit ng batang mang-aawit.

"It’s a decision, it’s like American Idol. It’s not the same degree in the people’s eyes.

"I don’t know what’s gonna happen.

"I’m in a job that I love, it’s hard to find a job.

"I just found a job and it’s hard to let go, school, and the comfort of home.

"It has been a hard decision to make, it was a decision that took a couple of years to make...

"But, it’s scary, it’s a scary thing to do but I know it’s gonna be worth it because I’ve learned to trust that feeling in my life..."

Gayunman, ayon sa artikulong lumabas dito sa PEP noong Enero 14, sinabi ni David na magre-record muna siya ng isang album pagbalik niya sa Amerika.

Gusto niyang may maiwan sa kanyang fans habang nasa isang religious mission siya.

Aniya, "Once I get back to the States, I’m gonna spend as much time as I can to record.

"So even though I won’t be here, hopefully, I will still be here, you know, releasing new songs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I want to make sure I have something for my fans."

(CLICK HERE for related article.)

Si David ay runner-up ni David Cook sa American Idol Season 7.

WORKING WITH FILIPINOS. Samantala, si David ang umawit ng theme song ng kanilang drama series, ang kantang "Nandito Ako" na orihinal na komposisyon at awitin ni Ogie Alcasid.

Napanood namin sa trailer na may ilan siyang Tagalog lines sa serye. Aminado si David na isa itong "challenge" para sa kanya.

"The lines I have in Tagalog are not too hard; they try to keep it simple for me," nangingiting sinabi ni David.

"It was really fun, it was a challenge because most of the time the cast [members] are speaking in Tagalog and I can’t respond at the start.

"It was a challenging experience for me but it was [also] a good exercise for me, I guess."

Ano naman kaya ang hindi niya makakalimutan sa kanyang karanasan na makatrabaho ang mga Pilipino?

"More than anything, it’s the relationships I’ve made here," sagot niya.

"The most important thing for me is my family, they are the reason for who I am today.

"The cast of Nandito Ako, the TV5 staff... they’ve become my family.

"They’ve taken me in, they’ve made me feel comfortable, they’ve been so patient with me.

"They’ve always been supportive, encouraging, and helped me to do the series as best as I could."

ANNEBISYOSA CONCERT. Siyempre, hindi naman puro trabaho si David sa ating bansa.

Nagkaroon siya ng pagkakataon na makihalubilo sa iba pang cast members ng kanilang serye.

Katunayan, nanood pa si David ng concert ni Anne Curtis, Annebisyosya, sa imbitasyon ng isa kanyang leading ladies na si Jasmine Curtis-Smith.

Bilang isang mang-aawit, si David ang madalas na pinanonood ng mga tao na mag-perform sa entablado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit, kahit pa raw aminado si Anne na hindi ito mahusay kumanta, natuwa raw siya sa mensaheng gustong iparating nito sa kanyang manonood.

Ani David, "It was really fun.

"What I respected most about Anne is, she told the audience to follow your dreams.

"She’s open about not being a good singer, but she still said, ’You know, I can do this.’

"I like the message she sent to the people. I think that’s something.

"People should dream more and do more."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN