Richard Gutierrez anticipates more drama, twist in final week of Survivor Philippines; looks forward to acting in soaps after hosting jobs

Richard Gutierrez on choosing his next movie project: "Mas naging aware lang ako. Mas naging careful sa pagpili ng tamang project for me siyempre. Kailangan ko ring alagaan ’yong sarili ko. And I wanna pick and choose the right movies for me. And I think I have developed into an actor na alam ko na rin ’yong gusto ko."


Sa pagtatapos ng Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown ngayong linggo, excited daw ang host na si Richard Gutierrez kung sino ang tatanghaling Celebrity Sole Survivor.

Sa February 10, Biyernes, nakatakdang malaman kung sino kina Mara Lopez Yokohama, Stef Prescott, at Betong Sumaya ang mananalo.

"Excited talaga ako!" sambit ni Richard nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas noong Linggo, February 5.

Paliwanag niya, "Alam mo itong mga castaways natin, talagang naghirap sila sa isla.

"Nakita ko talaga ’yong pinagdaanan nila. ’Yong mga emotions nila. ’Yong diskarte nila.

"So, ako, nae-excite talaga ako kung sino talaga ang magiging Celebrity Sole Survivor.

"Hanggang sa huling araw, marami pang mga drama at twist na mangyayari na siguradong ikakagulat ng lahat."

Meron ba siyang personal bet na gusto niyang manalo?

"Alam mo, bawat castaway, makaka-relate ang mga audience natin, e.

"Ako, masasabi ko na nakaka-relate din ako sa iba sa kanila.

"Kumbaga, may mga gagawin ’yong ibang castaways na maaaring gawin ko rin. Gano’n.

"Alam mo, bumilib ako kina Maey [Bautista] and Betong. Dahil parang in the beginning of the Top 10, parang they were feeling hopeless.

"Na parang hindi na nila kaya. Hindi na nila kayang lumaban.

"Pero yun nga, makikita mo sa larong Survivor, patatagan talaga, e.

"Kahit hindi sila nanalo sa challenges, talagang lumaban pa rin sila.

"Na-surprsise din ako kay Steff dahil nakagat na siya ng cobra, bumalik pa siya sa laro, di ba?

"And of course si Mara, the youngest castaway.

"Alam mo, it’s full of surprises."

WHAT’S NEXT FOR RICHARD? Ano naman ang aabangan sa kanya pagkatapos ng Survivor?

"Uhm, may panibagong project ako sa GMA, of course. Pinaghahandaan na namin ito ngayon.

"Back to acting naman ako. Kasi medyo matagal akong nawala sa acting. Puro hosting recently ang mga ginawa ko.

"So, back to basics naman. Back to soap operas. And I’m very excited."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoo bang isa sa pinagpipiliang maging leading lady niya sa kanyang susunod na soap ay si Carla Abellana?

"Oo nga. And I haven’t worked with her.

"So it would be good to work with her and see kung may chemistry kami o wala.

"But more than anything, isa siya sa mga leading ladies ng GMA na hindi ko pa nakakatrabaho, so I’m very excited to work with her," saad ni Richard.

Gusto rin ni Richard na makaganap ng isang bago at mas challenging na role kumpara sa mga nagampanan na niya dati.

"Well, kasi nga, coming from last year, I did Captain Barbell na nagawa ko na before.

"And then, puro hosting jobs na ’yong sumunod.

"I asked the writers of GMA, the creative team to challenge me this year and come up with something na hindi ko pa nagagawa, which is the traditional soap opera.

"So it would be a good challenge for me. And ’yon ang gusto ko, e. Iyon ang hinahanap ko."

LOVELESS THIS VALENTINE? Walang balita sa current status ng lovelife ni Richard. But how is he going to celebrate Valentine’s day?

"Uhm... hindi ko pa alam, e," bahagyang natawang sabi ni Richard.

"Hindi ko pa alam. Hindi ko pa alam.

"Pero may mga pinaplano na kaming magkakapatid na mag-a-out of town kami."

Wala siyang special someone na ka-date sa mismong Araw ng mga Puso?

"Marami. Marami akong special someone," pagtukoy niya sa mga taong malalapit sa kanya.

Pero kung kasintahan o karelasyon ay wala raw siya nito ngayon.

"Relaxed lang muna. Ngayon naka-focus ako sa work, siyempre.

"At ’yon ang main priority ko—work right now, of course.

"And may movie na rin na dini-develop for me."

Nagiging choosy ba siya sa mga role kaya matagal din siyang hindi nakagawa ng pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman," sagot niya.

"Mas naging aware lang ako. Mas naging careful sa pagpili ng tamang project for me siyempre.

"Kailangan ko ring alagaan ’yong sarili ko. And I wanna pick and choose the right movies for me.

"And I think I have developed into an actor na alam ko na rin ’yong gusto ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN