Part 2 Jake Cuenca on love scenes with Shaina Magdayao in Doha: "I’m thankful to her kasi she trusted me. May tiwala siya sa akin."

Jake Cuenca on shooting in Doha, Qatar: "Mahirap, sobra kasi ang higpit dun, ang dami talagang patakaran. Ako, aaminin ko, sa personality ko na medyo sobrang free-spirited, hindi ako masyadong bumagay sa lugar na yun. Nag-in-character na lang ako, ginawa ko na lang siyang immersion. So, more or less, kinalimutan ko si Jake for three weeks at sumang-ayon na lang ako sa mga rules at nakatulong naman, nakatulong sa pagpo-portray ko naman talaga. Yung lugar kas


Nawala ng bansa si Jake Cuenca ng tatlong linggo dahil nag-taping sila sa Doha, Qatar para sa upcoming teleserye ng ABS-CBN na Doha.

Kuwento ng 24-year-old actor, "Kababalik lang namin nung Lunes [January 30], nag-taping kami dun for almost three weeks.

"Trabaho talaga, hindi kami nagpunta dun para magbakasyon.

"Lalo na sa sked ko na karamihan ng mga eksena ko, dun talaga.

"Every day akong nagtrabaho, pero hindi naman ako nagrereklamo kasi proud talaga ako sa show namin.

"Talagang proud kami na nare-represent namin yung mga OFWs and TFC [The Filipino Channel] subscribers.

"Mahirap, sobra kasi ang higpit dun, ang dami talagang patakaran.

"Ako, aaminin ko, sa personality ko na medyo sobrang free-spirited, hindi ako masyadong bumagay sa lugar na yun.

"Nag-in-character na lang ako, ginawa ko na lang siyang immersion.

"So, more or less, kinalimutan ko si Jake for three weeks at sumang-ayon na lang ako sa mga rules at nakatulong naman, nakatulong sa pagpo-portray ko naman talaga.

"Yung lugar kasi, ang daming patakaran, sobrang higpit."

Marami raw bago at dapat abangan sa Doha.

"Unang-una, sobrang galing ni Shaina [Magdayao] dito, ibang Shaina ang makikita ninyo dito.

"Saka ang makikita ninyo rito, very real ang mga stories na makikita, ang mga characters based sa mga kuwento ng mga OFWs talaga.

"So, yung mga problems na pinagdadaanan namin, based on real stories ’yan."

SENSUAL CHARACTERS. Nabanggit din ni Jake sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na medyo "sensual" ang characters na ginagampanan nila rito ni Shaina at may mga love scenes din sila dito.

Sabi ni Jake, "Kaya nga ibang Shaina ang makikita ninyo kasi yung mga characters namin dito, very sensual.

"Siyempre yung mga maseselang mga eksena, medyo explosive, di ba?

"Kasi hindi ka nakipagtalik, hindi mo nakasama ang asawa mo for a long time, so ’pag nagtugma kayo, explosive talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba nailang si Jake habang ginagawa ang mga eksenang ito dahil baka pagselosan ng boyfriend ni Shaina na si John Lloyd Cruz?

"No, wala—nothing or whatsoever.

"Shai is very professional, matagal na kaming nagkatrabaho ni Shai.

"Alam na niya kung paano ako magtrabaho, alam na niya kung gaano ako ka-professional when it comes to that.

"Inalalayan ko rin siya kasi alam ko hindi siya sanay sa mga scenes like that.

"And I’m thankful to her kasi she trusted me. May tiwala siya sa akin," saad ni Jake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN