Karel Marquez comfortable playing kontrabida and bida roles; excited to work on new drama series with TV5

Karel Marquez on portraying good and bad girl characters: "I guess sa akin, I just take it as a good thing na parang they can put me anywhere. Maybe because I’m versatile, I can... like some artist can do this one only, me, parang I’m open kasi to anything. Kung gusto ninyo akong maldita, sige I’ll really study hard, and do na parang think of my character well and portray it well. So, ’yong shifting naman, happy lang din ako ac


Masaya si Karel Marquez sa takbo ng kanyang career sa Kapatid network dahil simula nang siya’y magbalik-showbiz noong nakaraang taon, sunud-sunod na ang kanyang mga acting assignment.

Naging comeback show niya ang Babaeng Hampaslupa na pinagbidahan nina Susan Roces, Alice Dixson, at Alex Gonzaga.

Sumunod naman ang mini-serye na Sa Ngalan Ng Ina, kung saan nakatrabaho niya si Superstar Nora Aunor.

Ngayon ay kasama si Karel sa upcoming afternoon serye ng TV5, ang Isang Dakot Ng Luha. Pagbibidahan ito nina Alice Dixson, Jay Manalo, Glydel Mercado, at Danita Paner.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Karel sa story conference ng Isang Dakot Ng Luha kahapon, February 7, sa TV5 Broadway Studio, sa New Manila, Quezon City.

Ayon sa aktres, sabik na niyang simulan ang bagong drama serye lalo na’t ilan sa mga kasamahan dito’y nakatrabaho na niya noon.

"Actually excited ako for this, hindi naman dahil memories sa Babaeng Hampaslupa.

"Pero kasi, parang noong mini-serye [Sa Ngalan Ng Ina], ’tapos very short, walang time to really know the cast and really embrace your character na kapag umuwi ka, alam mo ’yon, the fun of being an artist...

"So, excited na may bagong pamilya na naman, kasi gano’n naman ’pag working, e, gusto mo kumportable ka sa work.

"At saka one of my passions is acting talaga, after a few months mayro’n na naman.

"So, thankful ako sa Isang Dakot Na Luha."

HER ROLE. Kontrabida si Karel sa drama serye na hindi na bago sa kanya dahil madalas ay ganito ang role niya.

Ano ba ang kaibahan ng karakter niya rito sa ibang kontrabida roles na nagawa na niya noon?

"Uhm, generally the kontrabida is the same naman—either aagawin mo ’yong yaman, aagawin mo ’yong lalaki sa buhay—basically karibal lang siya," sagot ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "I guess, since iba ’yong story, iba lang ’yong pag-execute ko.

"Sabi nga nila, parang kontrabida ni Gossip Girl—very rich, parang very poised, and maldita—maldita talaga ’yong peg na sabi, the word maldita."

Ang Gossip Girl ay isang TV series sa Amerika.

CHARACTER SHIFTING. Dagdag ni Karel, kahit madalas ang pagiging kontrabida niya, kaya pa rin niyang gumanap ng mababait na karakter.

Napatunayan niya ito nang gumanap siyang mabait na anak sa mini-serye na Sa Ngalan Ng Ina.

Ani Karel, "I guess sa akin, I just take it as a good thing na parang they can put me anywhere.

"Maybe because I’m versatile, I can... like some artist can do this one only, me, parang I’m open kasi to anything.

"Kung gusto ninyo akong maldita, sige, I’ll really study hard and do na parang think of my character well and portray it well.

"So, ’yong shifting naman, happy lang din ako actually kasi nothing hard naman for me. Kasi I enjoy the versatility, e, of doing different roles.

"Kasi gusto ko maging character actress, parang hindi ko pa naman din wini-wish na magbida ako, as long as they give me roles na matatandaan ng mga tao and gaganapin ko the best way I can."

Bukod pa sa kanyang talento sa pag-arte, hinahasa rin daw niya ang sarili na maging mahusay sa paggamit ng Tagalog.

Tingin ni Karel ay malaking bagay para sa mga manonood na naiintindihan nila ang sinasabi ng isang artista.

Paliwanag niya, "Siyempre importante rin ’yong straight Tagalog kasi importante ’yon sa tao, e.

"Hindi naman sa masa, people in general na dapat kung aarte ka ng Tagalog, walang arte-arte, walang slang-slang para maka-relate lahat ng tao kahit kontrabida."

Bunga na nga ng pagiging epektibo niyang kontrabida, hindi maiwasan ng ilan na isiping ganoon din siya sa personal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya naman daw si Karel dahil kapag nakita niyang naiinis ang mga tao’y patunay iyon na epektibo siya sa kanyang karakter.

"Uhm, maraming nagtatanong in person, sasabihin sa akin, ’Ay, ang bait mo pala. Bakit sa TV parang napaka-ano mo?’

"’Siyempre TV po ’yon, role lang po ’yon.’

"Maybe because talagang ginagawa ko ’yong job ko, parang dapat lang na mainis sila.

"Actually, ’yon talaga ang dapat kong gawing peg, kung kontrabida ka, kontra ka talaga.

"Siguro sanay na rin ako na it’s part of work.

"I don’t say naman na I can’t please anyone, ang sa akin lang, ginagawa ko lang ’yong trabaho ko and kung ano mang role ang ibigay sa akin, paninindigan ko as that."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN