LJ Reyes admits to being a protective mom; plans to go back to school for her and son’s future

"Sa baby ko, oo—very protective ako sa baby ko," ang pagkukumpara ni LJ Reyes sa kanyang karakter sa The Good Daughter at sa totoong buhay.


Isa na namang kontrabida ang gagampanang papel ni LJ Reyes sa bagong proyekto niya sa GMA-7, ang The Good Daughter na pinagbibidahan nina Kylie Padilla at Rocco Nacino.

Mula sa kontrabida role niya sa Time of My Life ay gaganap siya ngayong "devious sister" sa The Good Daughter.

"Yung character ko, very ate, that’s how I describe it.

"Kasi ano siya, e, very loving to her family. Pero very protective and do’n manggagaling yung pagiging kontrabida ko.

"Yun yung motivation, hindi siya yung dahil sa lovelife," sabi ni LJ tungkol sa kanyang role.

PROTECTIVE MOM. Protective din ba siya sa tunay na buhay?

"Sa baby ko, oo, very protective ako sa baby ko," sagot ng young mom.

May anak si LJ sa kanyang boyfriend na si Paulo Avelino, ang one-and-a-half-year-old na si Ethan Akio.

"Yung parang konting ano, kunwari may tumulak sa kanya, ’Ay! Bakit mo tinulak yung anak ko!’

Pero bawi niya, "Hindi naman gano’n, hindi naman ako mang-aaway ng bata siyempre.

"Pero alam mo yung feeling na parang konting... as in kunwari pag wala ako sa bahay, pag-uwi ko sa bahay tse-check ko ’yan, buong katawan.

"Kumbaga, siyempre iniiwan ko siya, pero hindi ko naman siya iniiwan na walang relative.

"Pero ayun, check ’yan, pati kung ano kinain niya, ’yan lahat, check gano’n.

"Kulang na nga lang may listahan ako...check, check, ganyan.

"Pero gano’n po ako ka-protective, as in check talaga lahat."

Kumusta na ang kanyang anak?

"Okay siya. Grabe, tumataba siya kasi ang lakas niya kumain!" natatawa niyang kuwento.

Paano ang kanyang anak ngayong busy na naman siya sa kanyang showbiz career?

"Oo nga, e, medyo busy ako.

"Kaya nakakatuwa siya, kasi one time no’ng naging busy ako... yung parang ilang araw din na hindi kami masyado nagkita.

"Parang do’n lang ako, ’tapos aalis din ako, ’tapos uuwi ako, ’tapos aalis din ako, parang gano’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No’ng pagtulog ko, nagising siya, sabi ’Mommy, Mommy,’ saka kiss siya nang kiss, saka hug siya nang hug. ’Mommy, Mommy,’ gano’n," natutuwang kuwento ni LJ.

Mahirap ba sa first-time mom na tulad niya ang ganitong sitwasyon?

"Oo, mahirap iwanan.

"Saka one time sa taping, inumaga na kami sa taping.

"Wala, hindi ko kinaya.

"Sabi ko do’n sa kasambahay ko, ’Mag-Skype tayo.’

"Nag-Skype kami para makita ko siya, kasi miss na miss ko na."

Humahabol pa din si Ethan kapag umaalis siya?

"Oo, kaya nga hide-and-seek kami pag-umaalis ako.

"Pero ’pag good mood siya, minsan kasi may mood siya na puwede kang magpaalam sa kanya, e."

BACK TO SCHOOL. Nakuwento rin ng young actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagbalik na siya sa kanyang pag-aaral.

"I went back to studies, ahm... kailangan ko mag-invest for, not only for my future, but also for Aks’ future.

"Kasi siyempre, alam naman natin na ang pag-aartista, hindi naman ’yan lifetime, di ba?

"So, gusto ko rin naman na makapagtapos ako, yun.

"So, para rin ano, para rin... gusto ko yung maging example din ako sa anak ko—na nag-finish ako ng school."

Ano ba ang kanyang tinatapos?

"Economics po, sa La Salle main," sagot niya.

Kailan pa siya bumalik sa pag-aaral?

"Matagal na, e.

"Hindi naman, actually nag-i-stop lang talaga ako pag super busy lang talaga no’ng schedule.

"Saka hindi lang ako nagpu-full load," sabi ni LJ.

Anong year na siya sa kolehiyo?

"Fourth year."

Ibig sabihin ba nito ay ga-graduate na siya?

"Yung term hindi pa, so malapit na, malapit na po," masaya niyang pagbabalita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN