Enrique Gil on reported ’secret relationship’ with Erich Gonzales: "Medyo niligawan, pero walang nangyari. Di ko lang natuloy."

"That’s not true. Nung nag-Shoutout kami, naging magkaibigan kami, close friends. Naging crush ko siya. Medyo niligawan, pero walang nangyari. Hindi naman nabasted, hindi ko lang natuloy," says Enrique Gil when asked if he’s in a secret relationship with Erich Gonzales.


Isa si Enrique Gil sa mga masuwerteng baguhang artista ng ABS-CBN na hindi nawawalan ng proyekto.

Hindi pa man natatapos ang Budoy, heto’s sinisimulan na niyang gawin ang You’re Always in My Heart.

Isa rin siya sa cast ng pelikulang The Reunion; kasama sina Enchong Dee, Xian Lim, at Kean Cipriano.

Dahil sa sunud-sunod na proyekto ni Enrique, sinasabing isa yata sa siya paborito ngayon ng Kapamilya network.

Kasunod nito ay ang espekulasyon na baka may maimpluwensiyang kinakapitan daw ang batang aktor kung kaya’t hindi siya nawawalan ng proyekto.

HARDWORK PAID OFF. Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makapanayam si Enrique noong nakaraang Linggo, February 5, sa set ng ASAP 2012.

Kinunan namin siya ng kanyang pahayag tungkol sa bulung-bulungang ito sa showbiz.

Aniya, "Hindi naman. Nung time na nagsisimula ako, super-nawalan din ako ng mga shows.

"Dapat kasama ako, ’tapos maka-cancel yung role ko, yung character ko.

"Ang inisip ko nun, baka hindi pa oras. May reason si God. That there’s something new and better to come.

"Kung gagawin mo nang maayos ang trabaho mo, makikita nila yung galing mo.

"Siguro yung hardwork ko, yung paghihintay ko is slowly paying off.

"At sana... sana dire-diretso lang."

MOST CHALLENGING ROLE? Kontrabida ang papel ni Enrique sa Budoy bilang si BJ.

Para sa young actor, pinaka-mapanghamon ang kanyang karakter bilang BJ sa lahat ng kanyang mga nagampanan na.

"Sa akin, ito na yung pinaka-demanding na role na na-portray ko sa career ko.

"Super love ko yung character, kasi super-ramdam ko siya, as in sa bawat eksena.

"Nung una kinakapa ko pa siya, pero nung nag-transition na, in three weeks nakuha ko na agad.

"Saka yung character ko dito, hindi naman yung kontrabida na magagalit yung tao sa kanya.

"Yun ang sabi ng director sa akin, aayusin niya yung transition ng character para masundan ng mga tao at mamahalin din nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Pag lumalabas nga ako, ang sinasabi ng mga tao, ’Hoy BJ, ang galing mo. ’Wag mo nang aawayin si Budoy.’

"Hindi sila nagagalit.

"Sinasabi ko nga sa mga interviews ko nung nag-start [ako] sa Budoy as kontrabida, baka after that ma-typecast ako na puro kontrabida roles.

"Sabi ko huwag na lang, pero tinray ko pa rin.

"Okay naman, sabi ni Sir Deo [Endrinal, ABS-CBN executive], hindi naman daw super-kontrabida yung role ko.

"Sabi nila mabait naman siya. Magiging masama kasi may mga hindi magagandang mangyayari sa buhay niya.

"Understandable naman kasi sa kahit sino naman talaga, puwedeng mangyari yun."

DIFFERENT ROLE. Ibang-iba naman daw ang character na ginagampanan niya sa You’re Always in My Heart.

"Sobrang laki ng change sa next show ko. Super-iba, super-malayo sa character ko sa Budoy.

"Light lang siya, happy, super-kilig kami ni Kathryn Bernardo."

Isang barkada film naman ang The Reunion kung saan totoong mga barkada ni Enrique ang kasama niya dito.

"Yes, light din siya, barkada movie. So, magaan lang din yung movie."

HIS EX-COLEEN. Nali-link ngayon ang ex-girlfriend ni Enrique na si Coleen Garcia sa kaibigan niyang si Gab Valenciano.

Pero ayon kay Enrique, hindi niya ito pinagseselosan, lalo’t wala na raw siyang nakikitang tsanta na magkabalikan pa sila ng young actress.

"Wala na ako dun. Sinabi naman ni Gab sa akin... we talked about it.

"Minsan magkasama pa nga kami—ako, si Gab, si Coleen. Nagkikita kami minsan sa Eastwood.

"Kasama ko rin sina Jake [Cuenca].

"Wala, friends-friends lang, kita-kita. It’s nothing to me naman.

"Wala na kaming chance magkabalikan sa ngayon.

"Siyempre hindi naman totally mawawala yung care.

"Parang sa akin, may pinagdaanan kami.

"Siyempre kung may mangyayari sa kanya, siyempre mag-aalala ako.

"Nandun yung concern, pero hanggang dun lang."

ERICH GONZALES. Nagbigay paliwanag rin si Enrique sa isyung itinatagong relasyon daw nila ni Erich Gonzales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That’s not true. Nung nag-Shoutout kami, naging magkaibigan kami, close friends.

"Naging crush ko siya. Medyo niligawan, pero walang nangyari.

"Hindi naman nabasted, hindi ko lang natuloy,"pagtatapos pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN