Part 1 Dingdong Dantes surprised at how Marian Rivera has adjusted to her character in My Beloved

Dingdong Dantes on working again with girlfriend Marian Rivera: "You’ll think na after a long time na nagsama kami, bago, maninibago kami sa unang salang. Pero surprising, hindi talaga. It only took a scene for us to adjust. And that scene, hindi pa ako kasama. Ganoon talaga siya kabilis na mag-adjust sa character niya. At sobrang saya ko na nabigyan kami ng pagkakataon na magkasama ulit."


"Dream role" para sa aktor na si Dingdong Dantes ang role na ginagampanan niya sa bagong primetime series ng GMA-7, ang My Beloved.

Dalawa ang katauhan niya rito—ang "sundo" na si Arlan at ang mortal na si Benjie.

Ang "sundo" ay isang klaseng nilalang na sumusundo sa mga taong malapit nang mamatay.

Paliwanag ni Dingdong tungkol sa dream role niyang ito, "Hindi kasi ako gumaganap ng mortal sa umpisa. Bihira akong gumagawa ng ganitong role.

"The last time I think was Atlantika. Siguro it’s five or six years ago.

"Siguro may mga pagkakataon na gusto ko rin gumanap ng ganoon at mas challenging ito kasi may pagka-dual role siya. Never ko pang nagawa yun.

"Para sa akin, mako-consider ko siya as one of my dream projects talaga, especially on TV."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa presscon ng My Beloved kagabi, February 7, sa Studio 7 ng GMA Network Center.

Tinanong namin siya, sa dalawang karakter na ginagampanan niya—sina Arlan at Benjie—sino ang mas malapit sa puso niya?

"Pareho, e," sagot ni Dingdong.

"Si Arlan, very pure. Wala siyang emosyon. Wala siyang kasalanan. Wala siyang anything.

"Meron lang siyang tungkulin. Pero ang tungkulin nga niya, hindi niya nagampanan."

Ang tinutukoy ni Dingdong ay ang "pagsundo" sa role ni Marian Rivera, bilang Sharina. Ito ang magiging dahilan kung bakit mapaparusahan si Arlan at magiging mortal sa katauhan ni Benjie, isang kriminal.

ANGEL OF... Ang role ni Dingdong bilang isang "sundo" ay maihahalintulad sa isang "angel of death."

Pero kung isang anghel si Dingdong, anong klaseng anghel kaya siya?

"Angel? Angel of empowerment!" natatawang sabi, bilang pagtukoy sa ini-endorse niyang deo-cologne para sa Bench.

"Biro lang... Mas gugustuhin ko talagang maging human being, sa totoo lang.

"Kasi, mas challenging sa tao na binigyan ka ng responsibilidad na magdesisyon kung ano ang tama at mali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Whereas yung isang anghel, parang yun lang ang kailangan nilang gawin.

"Kapag hindi mo pa nagawa yun, paparusahan ka na agad ng buong buhay mo.

"So, being human, you really have lots of option and mas pipiliin ko talaga na maging normal na tao kesa maging anghel."

DINGDONG’S LONG HAIR. Kapansin-pansin naman ang mahabang buhok ni Dingdong sa presscon ng My Beloved kagabi. Ito ba’y may kinalaman din sa role niya bilang isang "sundo?"

"Mahilig akong mag-ano sa sarili, mag-experiment.

"Siguro sa past shows ko, puro normal na hitsura.

"Yung last nga, medyo may balbas ako.

"I really want something different for all my shows."

ADJUSTMENT PERIOD. May pagmamalaki sa boses ni Dingdong nang ikuwento nito sa PEP na hindi nahirapang mag-adjust ang kasintahan niyang si Marian Rivera sa kanyang character sa My Beloved.

Halos isang taon kasing ginampanan ni Marian ang role niya sa epic-serye na Amaya. At ilang linggo lamang nagpahinga ang aktres bago niya sinimulan ang My Beloved.

Kuwento ni Dingdong, "You’ll think na after a long time na nagsama kami, bago, maninibago kami sa unang salang.

"Pero surprising, hindi talaga. It only took a scene for us to adjust.

"And that scene, hindi pa ako kasama.

"Ganoon talaga siya kabilis na mag-adjust sa character niya.

"At sobrang saya ko na nabigyan kami ng pagkakataon na magkasama ulit."

Nabanggit din ni Dingdong na marami-rami na ring mga eksena ang nakuhanan nila noon ni Rhian Ramos, na siyang dapat leading lady niya sa My Beloved.

Pero pinalitan nga si Rhian ni Marian dahil sa kinahaharap na kontrobersiya ng una.

Dahil dito, kinunan muli ang mga nasabing eksena na si Marian na ang kaeksena ni Dingdong.

May adjustment o pagkakaiba ba sa atake niya sa pag-arte kasama ang magkaibang kapareha sa parehong eksena?

Ayon kay Dingdong, "Ang daming adjustment din, especially pagdating din sa execution ng director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, nag-usap nga kami ni Direk [Dominic Zapata]. Sabi namin, siyempre kapag na-shoot mo ang isang bagay, nandoon kaagad ang magic.

"But of course, if you will repeat the same thing, you cannot get the same impact na nakuha mo sa una.

"So, we had to really approach it in a different way. In a manner na mas Dong-Yan talaga."

WHAT’S NEW? Napakarami nang pinagsamahang serye at pelikula sina Dingdong at Marian. Ano ang masasabi ng aktor na kaibahan sa pagtatambal nilang muli rito sa My Beloved?

"Malaking pagkakaiba siya dahil siguro, especially kay Marian, ang huling nakita natin sa kanya ay sa Amaya. So, very fresh pa rin sa atin ang kanyang character.

"So, the fact siguro that she can be able to pull off a different character, na hindi mo maiisip na may bakas ng pagka-Amaya, malaking challenge para sa kanya.

"At siguro, maa-appreciate ng tao yun dahil ibang tao ang nakikita nila," sagot ng aktor.

Kumusta ang team-up at chemistry nila sa pagkakataong ito?

"Sa team-up at chemistry namin, mas magiging malaro ako sa pagkakataong ito dahil nga sa dual role.

"Kumbaga, magkakaroon ng time na medyo ako yung may weird na pagkatao.

"Dati, palaging ako ang straight, palaging ako ang nagdadala sa tamang direction.

"Ngayon, ako ang tipong iga-guide nila dahil ako yung hindi normal."

May pressure ba sa pagsasama nilang muli ngayon ni Marian sa My Beloved, na kailangang mapantayan o mahigitan nila ang ratings ng mga nauna nilang teleserye?

Sagot ni Dingdong, "Yes, may pressure, but yung pressure is really more sa amin.

"Kasi, parang imbes na... siyempre, gusto nating lahat mag-rate. Pero ang gusto natin, na kapag pinapanood natin at habang ginagawa namin, masaya kami.

"At yun ang nangyayari kasi nae-excite kami sa bawat taping namin.

"Tuwing papunta na ako, papunta siya, kung minsan sabay kaming nakakarating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sinasabi namin sa isa’t isa na, ’Wow, sobrang excited akong makatrabaho ka every day.’ So, that must be something.

"We’re inspired doon sa kagandahan ng material."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN