Part 2 Dingdong Dantes still undecided where to take Marian Rivera on Valentine’s day; admits to eyeing a special gift for her

"Alam n’yo, sa totoo lang, parang ayoko nang humiling pa ng iba sa dami ng kagandahang nangyayari sa amin. I’d like to really take things one step at a time. Para sa amin, isang malaking biyaya na napagsama kami ng ganito kaaga sa taping. So, we really have to be grateful for that first and we’ll see what will happen next. Kasi ang importante, we remain strong. Yung relationship namin ay mas tumatatag at ang respeto namin sa isa


Si Dingdong Dantes ang isa sa special guests sa Valentine concert nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid sa Araneta Coliseum.

Ito rin ang mabigat na dahilan kung bakit wala pang desisyon ang aktor para sa pagse-celebrate ng Valentine nila ng kasintahang Marian Rivera.

Ayon kay Dingdong, "I will be at Kuya Ogie and Ate Regine’s concert. Pagkatapos noon, hindi ko pa alam, e.

"Pero after no’n, magkikita kami. So, bahala na kung saan kami mapupunta."

Hirit namin kay Dingdong, tila nauna na ang Valentine’s date nila ni Marian dahil nagpunta ang magkasintahan sa Sonya’s Garden sa Tagaytay noong Linggo, February 5.

Natatawang paliwanag ni Dingdong, "Noong Sunday na yun, nagkataon na wala akong Party Pilipinas.

"At yung diet, medyo nag-break noong weekend na yun.

"Kaya sabi ko, gusto ko talagang mag-relax. Kahit yung phone ko nga, hindi ko masyadong pinansin noong araw na yun.

"I just wanted to drive na malayo. Kasama siya [Marian].

"Kaming dalawa lang at nagkataon na yun ang kinahantungan namin.

"That’s one of our favorite restaurants."

Hindi ba yun advanced Valentine’s date nila ni Marian?

"Hindi, e, lunch yun.

"Para sa akin, every day is Valentine’s day naman.

"Kahit sa set, magkasama lang kami, Valentine’s date na rin yun."

Hindi na bago kina Dingdong at Marian ang magpadaigan pagdating sa pagbibigay ng regalo sa isa’t isa.

Sa nalalapit na Valentine’s day, tila nadaig ni Dingdong si Marian dahil mayroon na siyang regalo para sa kasintahan at sa February 14, Martes, daw niya ito mismo ibibigay.

Nabili na ba niya ang regalong ito kay Marian?

"Hindi pa, nandoon lang sa tabi-tabi. Nakita ko do’n. Sana hindi mawala!" natatawang sabi ni Dingdong.

MY BELOVED. Sa presentation ng cast members ng My Beloved kagabi, February 7, ay ipinakilala ni Dingdong si Marian bilang "my beloved."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa dami na ng pinagsamahan nilang proyekto at sa tagal na nilang magkarelasyon, tila ang hinihintay na lamang ng lahat ay kasal.

Sabi naman ni Dingdong tungkol dito, "Alam n’yo, sa totoo lang, parang ayoko nang humiling pa ng iba sa dami ng kagandahang nangyayari sa amin.

"I’d like to really take things one step at a time.

"Para sa amin, isang malaking biyaya na napagsama kami ng ganito kaaga sa taping.

"So, we really have to be grateful for that first and we’ll see what will happen next.

"Kasi ang importante, we remain strong.

"Yung relationship namin ay mas tumatatag at ang respeto namin sa isa’t isa ay palaging nandoon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN