Aljur Abrenica evades questions about Kylie Padilla; clarifies rumor linking him to Ava Jugueta

"Hindi ko alam. Uhm, hindi ko naman masasabi ’yan, e. Basta time will come. Lahat ’yan may oras, e. At saka kung talagang para sa ’yo, para sa ’yo," answers Aljur Abrenica when asked until when he will look for an inspiration.


Kapag natatanong tungkol sa current status ng kanyang lovelife, madalas sinasabi ni Aljur Abrenica na pahinga muna ang puso niya at sa trabaho niya gustong mag-focus sa ngayon.

Tila naiilang din si Aljur tuwing matatanong tungkol sa matagal nang napapabalitang girlfriend niya si Kylie Padilla.

Tuloy ay tumitindi ang hinala ng iba na baka nga totoong nagkakalabuan na sila ngayon.

Upang makuha namin ang real score, mabuti nang manggaling mismo sa labi ni Aljur ang katotohanan. Kaya noong Linggo, February 5, sa set ng Party Pilipinas, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal si Aljur kung may plano ba siyang yayaing lumabas si Kylie sa Valentine’s day?

Walang naisagot ang batang aktor kundi, "Gusto mo ba?"

Halatang ayaw na niyang mapag-uusapan pa si Kylie.

AVA JUGUETA. Pero may bagong nali-link kay Aljur ngayon—si Ava Jugueta na miyembro ng female singing group na Pretty Young Thing.

Banggit pa ni Aljur, "Si Ava, sa StarStruck din siya. At siya ’yong nanalo sa Coca-Cola Ride To Fame.

"She’s a good friend of mine.

"Nagkita lang kami... kasi sa Twitter. ’Tapos nagkausap nga kami.

"Nagkita kami pati ng ibang nakasama namin sa StarStruck, parang nag-reunion lang kami.

"Pero wala. Kami ni Ava, magkaibigan lang talaga kami," diin niya.

Aware daw si Aljur na nababalitang si Ava ang bagong karelasyon niya. Nagkausap na raw sila tungkol dito.

"Siyempre ako, bilang ano... respeto lang sa kanya. Baka kasi ma-offend siya.

"Hindi ko alam, e.

"So, nagtanong ako sa kanya... siniguro ko kung okey lang siya dahil nga do’n sa mga lumabas na balita.

"Humingi ako sa kanya ng sorry."

BURNED? Tila nakakapanibago talaga na kung tungkol sa affairs of the heart ang nauusisa sa kanya ay parang napapaso na si Aljur.

"Hindi naman," mariing pagkontra niya.

"Wala lang talaga sa ngayon.

"At hindi ako naghahanap."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang kailan na hindi siya maghahanap ng magiging bagong inspirasyon?

"Hindi ko alam.

"Uhm, hindi ko naman masasabi ’yan, e.

"Basta time will come. Lahat ’yan may oras, e.

"At saka kung talagang para sa ’yo, para sa ’yo."

TEAM-UP WITH RHIAN. Ngayon ay naka-concentrate daw si Aljur sa shooting ng My Kontrabida Girl, ang pelikulang pinagtatambalan nila ni Rhian Ramos para sa GMA Films.

"Malapit na kaming matapos," nangiting tila may pasasalamat ang sagot ng Kapuso hunk.

Confident ba siya na may chemistry nga sila ni Rhian bilang bagong magka-loveteam sa pelikula?

"Oo naman," mabilis niyang tugon.

Ano ang nakikita niyang factors para maging kampante na kakagatin ng mga manonood ang tandem nila ni Rhian?

"First of all, hardwork. Dahil sa hardwork namin ni Rhian.

"And tuwang-tuwa ako kay Rhian na... masaya ako dahil nakabalik na siya. At nagkatrabaho na kami ulit.

"Nagkasama na kami dati sa Ilumina. Pangalawa na namin ito.

"Basta masaya ako sa mga nangyayari sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN