Rocco Nacino on ’exclusively dating’ Sheena Halili: "I would like it to be that way. Pero para wala nang ano-ano pa, siya lang ang kinikita ko palagi ngayon."

Rocco Nacino on his bad-boy role in The Good Daughter: "I feel very challenged and excited to play the scene na gagampanan ko. And I would take it as a compliment if someone would come up to me and slap me in the face. Kasi, gusto ko talagang marating na bad boy talaga ako dito."


May pagka-"bad boy" ang karakter na ginagampanan ni Rocco Nacino sa bagong afternoon soap ng GMA-7, ang The Good Daughter.

Kaya naman bilang bahagi ng kanyang role ay nagpatubo ng bigote ang young actor.

Sabi pa ni Rocco tungkol sa kanyang role, "Mapang-asar ako dito kay Bea, kay Kylie [Padilla].

"Pero very excited po ako dito, sa role ko. Kakaiba.

"Katulad nga ng sinabi ni Direk Mike [Tuviera], kakaibang Rocco ang makikita ninyo rito.

"I feel very challenged and excited to play the scene na gagampanan ko.

"And I would take it as a compliment if someone would come up to me and slap me in the face.

"Kasi, gusto ko talagang marating na bad boy talaga ako dito."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa presscon ng The Good Daughter noong Martes, February 7, sa 17th floor ng GMA Network Center.

NEW LEADING LADY. Sa unang pagkakataon din ay itinambal si Rocco sa young actress na si Kylie Padilla.

Pero hindi naman masasabing "strangers" sila sa isa’t isa dahil madalas daw silang nagkakasama sa gym.

Kuwento ng StarStruck alumnus, "Masayang katrabaho si Kylie.

"Nagkikita rin kami sa Muay Thai so we always talk about it.

"It’s nice kasi si Direk Mike, he always sits down with me and Kylie. Pinag-uusapan namin ang character namin.

"So through that, kahit na nagte-taping kami, nagwo-workshop pa rin."

Dahil sila ang magkapareha, natanong si Rocco kung attracted ba siya kay Kylie.

Sagot niya, "Nakikita n’yo naman, napakaganda ni Kylie. Who wouldn’t be attracted to her?"

DATING SHEENA. Pero nang tanungin si Rocco kung puwedeng may ma-develop sa kanila ni Kylie habang ginagawa nila ang teleserye, mabilis ang naging pag-amin ni Rocco tungkol sa namamagitan sa kanila ni Sheena Halili.

"I’m dating someone right now. I’m dating Sheena," sabi ng 24-year-old actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol naman sa tambalan nila ni Kylie, ani Rocco, "It’s a show and it’s good na nai-pair kami para magkatrabaho dito.

"It’s good na may chemistry kami. Pero yun nga, iba ang real life sa trabaho."

Kinuha ng PEP ang reaksiyon ni Rocco sa naging pahayag ni Sheena na okay lang sa kanya kahit makipag-date sa iba si Rocco bukod sa kanya dahil hindi pa naman daw sila.

Sagot dito ni Rocco, "Kanya-kanyang ano ’yan, e... kanya-kanyang opinyon or diskarte kung ano ang gusto niya sa relationship niya.

"Kung ganoon ang gusto niya, okay lang.

"But right now, my eyes are on Sheena."

Hindi ba niya male-label na "exclusively dating" na sila ni Sheena?

"I would like it to be that way. Pero para wala nang ano-ano pa, siya lang ang kinikita ko palagi ngayon," sagot ni Rocco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN