Max Collins on why she doesn’t like to have an actor for a boyfriend: "Manloloko ang mga artista."

Max Collins on why she tries not to be involved with an actor: "Kasi, sa mga friends ko lang naririnig ko, [boyfriends nila] may iba pang girlfriend. ’Tapos, iiyak ang mga friends ko. Ayoko namang mangyari yun sa akin."


Unang teleserye ni Max Collins sa GMA-7 ang The Good Daughter simula nang magdesisyon siyang lumipat mula sa ABS-CBN at pumirma ng kontrata sa Kapuso network

Masaya si Max dahil mapapanood na siya ngayon bilang isang Kapuso.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Max noong Martes, February 7, sa presscon ng The Good Daughter sa sa 17th floor ng GMA Network Center, excited ang dalaga sa pagkukuwento tungkol sa unang serye niya bilang Kapuso.

"Alam n’yo nakakatuwa talaga. Ang tagal kong hinintay ’to.

"Medyo nagkaroon din ako ng walang gana ng konti na baka mapalitan ako or something like that.

"Kasi na-delay nang na-delay, di ba?

"At least now, tuluy-tuloy na at sobrang nagpapasalamat ako dahil blessed ako lately.

"Ever since New Year lang, sunud-sunod ang trabaho ko.

"Sana ganoon for the rest of the year," saad ni Max.

WELCOME MAX! Dalawang taon daw ang kanyang kontrata sa GMA-7 na may two years din na extension.

Sabi ng young actress, "Masaya ako, gusto ko dito.

"Parang lahat ng mga tao dito mabait. I feel more welcome here.

"Na-feel ko po agad na welcome ako, lalo na sa mga staff and crew.

"Considering na baguhan pa lang ako dito, di ba? Natakot ako na baka people will be mean to me.

"But actually, they are all very welcoming, warm, and supportive. They really help me adjust here."


LEADING-LADY MATERIAL. Marami ang nakapansin sa angking ganda ni Max na talaga raw pambida.

Ano ang masasabi niya rito?

"Well, ang nakalagay naman po sa contract, one of the bida or bida po.

"Sana bida next.

"If not naman, I’m still happy that I have a big role. I’m very happy."

Nilinaw ni Max na hindi kontrabida ang role niya sa The Good Daughter.

"Hindi naman po kontrabida kasi actually, yung character ni Kylie Padilla, parang mahinhin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, parang lumalaban ako para sa kanya kapag hindi na niya kaya. But then, actually, martir ako dito.

"Magiging kami ni Rocco [Nacino], ’tapos mai-in love si Rocco kay Kylie.

"And then, bibitawan ko siya [Rocco] kasi alam ko mahal niya si Kylie ’tapos, best friend ko pa siya [Kylie]."

"I like my role. At least, this time, hindi ako kontrabida...

"In a sense na kailangan talaga siya sa story. Or else, parang may kulang.

"Outspoken kasi si Siri [pangalan ng kanyang karakter].

"So, ako ang nagsasalita kapag hindi kaya ni Bea [Kylie]."

SPEAK THE LANGUAGE. Natuwa naman si Max nang pansinin ng entertainment press na maganda na siyang magsalita ng Tagalog.

Laking States kasi si Max kaya dati ay mas gamay siya sa salitang English talaga.

"Nag-aral talaga ako kasi kailangan, di ba?" sabi niya.

"Pero noong 13 ako... noong pumasok ako sa showbiz, hindi talaga ako marunong mag-Tagalog.

"Ang mahirap lang kasi, ang mga friends ko English-speaking.

"Kapag pupunta pa ako ng States, English sila nang English, so nalilito na ako."

Paano niya natutunang magsalita ng Tagalog? Yung ibang artista na matagal na sa Pilipinas ay hirap pa rin magsalita ng wikang Filipino.

"Tagalog lang po ako nang Tagalog. Kahit kausap ko English nang English, Tagalog ako.

"Kahit hindi nila ako maintindihan, bahala na.

"Parang sinisingit ko talaga ang mga words. Nagbasa lang ako at nanood ng TV," sabi niya.

ROCCO NACINO. Si Rocco ang masasabing first leading man ni Max sa GMA-7. Pero wala pa daw siyang masasabing ka-loveteam talaga dahil si Kylie ang katambal ng binata.

"Kami po ni Rocco, hindi pa kami nagkakaeksena, pero sa workshop, okay naman. May chemistry naman kami," sabi ni Max.

May kissing scene ba sila?

"Narinig ko po, mero’n po yata. Actually, natatakot ako.

"Kasi sa ABS-CBN, more on mga pambata po. First time talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, medyo natatakot lang ako kasi first.

"Pero okay naman kung kailangan sa character, sa story."

GOING SEXY? Dahil sa kanyang magandang pigura, hindi malayong alukin siyang magpaseksi sa isang men’s magazine. Papayag ba si Max?

"Magagalit ang mom ko!" natatawa niyang sabi.

"Siguro po later on kapag na-establish ang career ko.

"Pero hangga’t maari po sana, wholesome na lang para magustuhan ako ng mga bata."

SID, ETC. Ngayong unti-unti na niyang nakikilala ang ibang Kapuso stars, sino pa ang mga gusto niyang makatrabaho?

"Si Sid Lucero. Gusto ko siyang makatrabaho. Parang magaling siyang gumawa ng character.

"I think the way he acts, nakaka-inspire.

"At saka sa PPL family, si Kuya Dong [Dingdong Dantes]... and sina Carl Guevara, gusto ko siyang makasama sa soap kasi parang bagay kami.

"Nag-Maynila po kami at ipapalabas pa lang ngayong February.

"Cute kami sa screen at parang magkaedad kami.

"Parang 20 or 21 po yata siya, ’tapos, 19 ako. Parang magkalapit lang kami ng age."

Sina Dingdong at Carl ay mga "kapatid" ni Max sa PPL Entertainment, Inc. ni Perry Lansigan.

Mabilis naman ang tanggi ni Max nang biruin namin na baka pinopormahan na siya ni Carl?

"No, no, parang kapatid ko lang yun.

"Parang okay lang kami sa screen. Pero wala," sabi niya.

HER KIND OF MAN? Sa pagpili ng lalaki, ano ba ang mga hinahanap ni Max?

"Ano lang, gusto ko lang yung maalaga ’tapos mature.

"Gusto ko yung parang ako ang aalagaan niya. Hindi yung baligtad na parang ako yung mag-aalaga.

"At saka siyempre yung loyal at saka trustworthy."

Gusto ba niya Pinoy o mestizo?

"Wala naman. Wala akong preference na ganoon even sa hitsura.

"Basta guwapo sana. Sana.

"Pero siyempre, it’s more on magkasundo kami," sabi ni Max.

NO TO ACTORS? Pero tila tinuldukan na ni Max ang posibilidad na magkaroon ng boyfriend na artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, "Kasi, manloloko ang mga artista.

"Kasi, sa mga friends ko lang naririnig ko, [boyfriends nila] may iba pang girlfriend.

"’Tapos, iiyak ang mga friends ko. Ayoko namang mangyari yun sa akin."

Nilalahat niya ang mga artsiatang lalaki?

Natatawa niyang sagot, "Siguro kung mag-e-effort sila.

"Pero wala pa namang nag-e-effort ng ganoon, so tingnan natin.

"At saka ang dami nilang fans, ang daming nagkakagusto sa kanila.

"In a way, selosa rin ako," pag-amin ni Max.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN