Beauty queen Danielle Castaño on joining showbiz: "Sobrang I just want to experience how it is like in the industry... not only experience it, like feel that I’m working."

Danielle Castaño on entering the world of showbiz: "I don’t know kung anong mangyayari in the future. Pero hopefully I can, you know, work on my acting career in the Philippines habang I’m here. Kasi I’m young like minsan ko lang magagawa ’to, like I can’t do this when I’m old. Sobrang I just want to experience how it is like in the industry, and at the same time not only experience it, like feel that


Susubukan na ng dating beauty queen na si Danielle Castaño ang mundo ng showbiz.

Ito ay matapos niyang patunayan na siya’y hindi lamang "beauty and brains" kundi "beauty and talent" din.

Katunayan, siya at ang StarStruck alumna na si Jade Lopez ang nasa cover para sa February 2012 issue ng FHM Magazine.

Matatandaang si Danielle ang pumalit sa binitawang Bb. Pilipinas-World 2008 title ni Janina San Miguel, dahil sa ilang personal na isyu ng huli.

Hindi man nanalo si Danielle sa Miss World noong 2008, pinalad naman siyang mapabilang sa Top 32 ng kumpetisyon.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Danielle kahapon, Pebrero 9, sa pocket interview nila ni Jade Lopez sa opisina ng Viva Talents Agency.

"At first like I was [hesitant]," sagot ni Danielle nang tanungin namin kung hindi ba siya nag-alangan na mag-pose nang sexy sa FHM.

"Pero, I mean like, you know, like noong lumaban ako 2008 pa, and nawala ako after.

"So, this is parang my comeback for me.

"Hindi siya, ’yong career ko, hindi siya like tuloy-tuloy, parang paputol-putol lagi. Kasi, I keep on traveling, I mean, I keep going back sa States."

VIVA TALENT. Noong Oktubre 2011 pumirma ng five-year contract sa Viva si Danielle.

Ano ang inaasahan niyang mangyari sa kanyang career ngayong talent na siya ng Viva?

"I mean, I can’t say na I’m expecting something," nakangiti niyang sagot.

"I don’t know kung anong mangyayari in the future.

"Pero hopefully I can, you know, work on my acting career in the Philippines habang I’m here.

"Kasi I’m young, like minsan ko lang magagawa ’to, like I can’t do this when I’m old.

"Sobrang I just want to experience how it is like in the industry, and at the same time, not only experience it, like feel that I’m working.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But siyempre, hindi ko dapat iniisip na nagtatrabaho ako, dapat passion ko, gusto ko ’yong ginagawa ko."

ACTING BACKGROUND. Samantala, hindi na bago sa pag-arte si Danielle.

Nakabilang na siya sa 2010 Cinemalaya entry na Ang Paglilitis Kay Andres Bonifacio at nagkaroon din siya ng "small role" sa 2010 MMFF entry na Si Agimat At Si Enteng Kabisote.

Naging bahagi rin siya sa TV5 defunct show na Iskul Bukol, na remake ng ’70s sitcom na pinagbidahan nina Vic Sotto, Joey de Leon, at Tito Sotto.

Unang naranasang umarte ni Danielle nang gumanap siyang Gregoria "Oryang" de Jesus sa Ang Paglilitis Kay Andres Bonifacio, kung saan nakatambal niya si Alfred Vargas na gumanap bilang Andres Bonifacio.

Walang pinagdaanang acting workshop si Danielle nang mag-audition siya para sa role.

Gayunman, masaya siya na isang batikang direktor at magandang karakter kaagad ang nabigay sa kanya.

Sabi ni Danielle, "Well, alam naman nating lahat na si Direk Mario O’Hara is a beterano."

"Pero hindi ako nahirapan na makipag-work sa kanya kasi parang sobra na kapag nag-work ka sa kanya, para siyang father figure na talagang tutulungan ka niya kung ano ’yong mga deepest na kailangan mong i-improve sa acting mo and stuff.

"So, ’yon, I really had fun, and siyempre si Alfred Vargas sobrang dali niyang katrabaho."

Kapansin-pansin na marami ang gustong subukan ang kanilang suwerte sa showbiz. Kaya naman hindi maiwasang tanungin si Danielle kung ano ang lamang niya sa ibang baguhang artista.

"I’m not trying to compete with newcomers too, as well," pahayag ng 22-year-old newbie actress.

"I’m like... here to work.

"I’m really just confident, and I believe na in everything that you do in life, as long as you have passion for it, you’ll gonna get somewhere."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN