Grace Lee assures time will not be an issue in her blooming romance with PNoy: "Who am I and how dare I demand his time when he belongs to his people?"

Grace Lee on being open about her relationship with President Noynoy Aquino: "I’m sure some people will say that about me, but as long as my family and the people I love around me believe me and know who I am, I can live with myself. Again, in this industry, in this business, hindi natin maiiwasan ’yan. ’Tulad ngayon, siyempre, I don’t want to be rude because that’s not who I am. I try to accommodate and be polite to


"Woman of the hour."

Ito ang deskripsiyon ngayon sa TV and radio personality na si Grace Lee dahil sa pagkakaugnay niya kay Pangulong Noynoy Aquino.

Bagamat nanliligaw pa lang naman daw si PNoy kay Grace, marami na ang nag-iisip na baka ang Kapuso host na ang maging First Lady ng Malacañang balang-araw.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Grace sa press launch ng mga bagong produkto ng Ever Bilena noong Miyerkules, Pebrero 8, sa Magellan Room ng Discovery Suites, tinanong namin siya kung ano na ang estado ng relasyon nila ni PNoy.

Pag-amin ni Grace, "He’s one of the many aspects of my life that makes me happy now.

"We’re getting to know each other, we’re seeing each other when we can, when time permits.

"But I think he’s the forefront in the line so far."

Mahirap ba siyang ligawan?

Sagot ng Balitanghali showbiz anchor, "I’m very simple.

"My happiness comes from ordinary things, normal daily things.

"And I’m not difficult to please naman—chocolate, flowers... mahilig ako sa flowers.

"Like any other man, he’s very sweet, very considerate and he’s a gentleman.

"Yeah, he gave me chocolates, a couple of flowers."

PNOY’S BIRTHDAY. Noong February 8 ay nagdiwang ng kanyang 52nd birthday si PNoy.

Ano ang regalo at birthday wish niya para sa maniligaw na Pangulo?

"I did greet him a Happy Birthday but he’s very busy.

"As we all know, he’s visiting the earthquake stricken, so I think it’s best for him to do his job without too much distraction.

"My birthday wish is that he may continue to maintain the kind of love that he has been receiving from Filipinos.

"It is very important for him and I’m very much aware of that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I know yung love na yun ang pinaka-energy niya to keep going.

"May he continue to be loved by his people."

Malapit na rin ang Valentine’s day. May plano ba silang gawin ng Pangulo sa Araw ng mga Puso?

"Valentine’s day? Ako, hindi ko rin alam pero ako rin, inaabangan ko.

"Things happen and the schedule of the President, you can’t predict the next hours, so I don’t know what’s gonna happen," sagot ni Grace.

TIME IS GOLD. Alam ng lahat kung gaano ka-hectic ang schedule ng isang Presidente ng bansa. Handa na kaya si Grace na maaaring maging problema ang oras sa kanya ni PNoy kung saka-sakaling maging sila na?

"Maybe if he was a regular guy, I’d be like, ’Oh, you should have more time for me.’

"But who am I and how dare I demand his time when he belongs to his people?

"Sinasanay ko na ang sarili ko."

Kaya nga agad na pinabulaanan ni Grace ang tweet ng kaibigan niyang si Mo Twister na tatlo hanggang apat na oras daw silang nag-uusap ni PNoy, sa kabila ng hectic schedule ng Pangulo.

Ayon kay Grace, "Again, it’s Mo. ’Pag si Mo ang nagtu-tweet, huwag po tayong maniniwala.

"I love Mo, I’ve worked with him for so many years, but Mo is Mo.

"The only few times that I really get to see him [PNoy], he can squeeze me in his very, very busy schedule, is we have dinner.

"And of course, sa dinner, we don’t have 30 minutes in that hour of having dinner.

"Nagkukuwentuhan kami, we catch up, but that’s it.

"He doesn’t have time to talk for three hours at a given time over the phone, or for that matter face to face.

"Many people need him," diin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LUCKY BRIDE. May ilang nanghula noon kay PNoy na kung mag-aasawa ito ngayong taon ay magiging suwerte raw ang makakatuluyan nito.

Handa na bang magpakasal si Grace kung nagkataong siya na nga ang babaeng itinakda upang maka-isang dibdib ang Pangulo?

"Well, I respect their opinion but I’m a Christian, so we’ll pray whatever will come.

"I’m 29, so I think I’m at age of thinking of having family of my own."

THE AQUINO SISTERS. Personal nang naipakilala ni PNoy si Grace sa kanyang mga kapatid, maliban sa bunsong si Kris Aquino.

Kumusta ang naging pagkikita nila ng mga kapatid na babae ng Pangulo?

Sabi ni Grace, "I was very nervous but they made me feel very welcome and comfortable right away.

"I like them too, they’re great people as I’ve said before.

"They’re very grounded, humble people, and I’m very flattered that they have wonderful things to say about me."

Sa kaso naman ni Kris, nagpahayag ang actress-TV host na excited na siyang makilala ang babaeng napupusuan ng kanyang kuya.

Reaksiyon naman ni Grace dito, "I’m looking forward to meeting her also.

"I think we’ll be able to talk about a lot of things and I think we’ll get along well."

Nilinaw rin ni Grace ang pagkaka-link niya noon sa ex-husband ni Kris na si James Yap.

Aniya, "We have the same hairstylist and there was a time in a salon, nagkasabay kami.

"Kasama niya si Bimby, their baby, we were not even introduced.

"We were at the opposite end of the salon so it was quite ridiculous."

PSG.Pinabulaanan naman ni Grace ang balitang binigyan daw siya ni PNoy ng sarili niyang PSG (Presidential Security Group).

Diin ng TV host, "No, I never asked for PSG and PSG has never been offered to me by anybody.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The president never offered me PSG, no one around him offered me any type of security.

"First of all, there is no reason to give me security so there’s no truth to that."

PNOY’S PAST ROMANCES. Sinagot din ni Grace ang isyung sa lahat daw ng mga babaeng naugnay kay PNoy, siya lang daw ang bukas sa pagpapa-interview tungkol sa namamagitan sa kanila ng Pangulo.

May ilan tuloy ang nagsasabing tila nag-e-enjoy si Grace sa "instant popularity" niya ngayon.

Ano ang masasabi niya rito?

"I’m sure some people will say that about me, but as long as my family and the people I love around me believe me and know who I am, I can live with myself.

"Again, in this industry, in this business, hindi natin maiiwasan ’yan.

"’Tulad ngayon, siyempre, I don’t want to be rude because that’s not who I am.

"I try to accommodate and be polite to everyone as much as I can, and I hope my politeness will not be used against me," katwiran ni Grace.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN