Sarah Lahbati dismisses rumors linking her to Carlo Aquino: "Hindi siya nanliligaw sa akin."

Sarah Lahbati on report that she is being considered to be one of Richard Gutierrez’s leading ladies in a soap: "Kung sakali, of course, gusto kong makatrabaho siya. Magandang project iyon na... with Richard Gutierrez. Sino ba ang hindi magugustuhan na makasama siya sa isang project? So, sana. Kung matutuloy, okey. Kung hindi, next time. May next time pa naman!"


Kahapon, February 9, ay lumipad na patungong Switzerland ang young actress na si Sarah Lahbati.

Sa February 13 ay magkakaroon siya ng homecoming concert sa Geneva, kung saan nakabase ang kanyang pamilya. Kasama niyang magpe-perform sina Enzo Pineda at Derrick Monasterio.

Pero bago umalis si Sarah ay nakausap muna siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Party Pilipinas noong Linggo, February 5.

Sa aming pag-uusap ay inamin ng dalaga ang nararamdamang tensiyon sa nalalapit niyang concert.

"Medyo nakakaramdam ako ng tensiyon kasi first time kong magku-concert.

"’Tapos, sa Switzerland pa. Halos lahat ng nando’n, mga family friends.

"Siyempre may ibang Pinoy din doon na manonood na kumbaga, makikilala ko pa lang.

"At iyon talaga ang nakakatensiyon for me, for Derrick, and for Enzo rin."

Mananatili sila sa Switzerland ng isang linggo. Pero gusto raw sana ni Sarah na mag-extend ng isang linggo para maka-bonding ang mga magulang niyang doon nakabase. Mataga-tagal na raw kasi silang hindi nagkasama.

Pero ani Sarah, "Hindi ako napayagan [ng GMA-7] na mag-extend. Pero okey lang.

"At least kahit papa’no, di ba, makakauwi ako sa Switzerland finally."

CARLO AQUINO. Bukod sa pagkaka-link ni Sarah kay Derrick Monasterio, may balita ring nililigawan daw siya ni Carlo Aquino.

Gaano ito katotoo?

"Ay, hindi po! Hindi!" mariing tanggi ni Sarah.

Paano ba sila nagkakilala ni Carlo?

"Through a common friend.

"Pero hindi siya nanliligaw sa akin," diin ng dalaga.

Hindi naman itinanggi ni Sarah na dumalaw sa set ng afternoon soap niyang Kokak si Carlo.

"A, oo! Kasi naggigitara ako. Actually, nag-aaral pa lang.

"So, malapit lang kasi ang mga locations ng Kokak, e," sabi ng young actress.

Ang paggigitara ang common interest daw ng dalawa.

"Once lang niya ako dinalaw sa set ng Kokak.

"Pero hindi talaga siya nanliligaw sa akin," giit ulit ni Sarah.

Pero totoo ba ang balitang napagalitan daw siya ng direktor nila sa Kokak dahil sa pakikipag-usap niya kay Carlo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, hindi! Hindi!" mabilis na tanggi ni Sarah.

"Kapag tinawag na ako para mag-take, ready agad ako.

"Hindi ako gano’n kadaling ma-out of focus sa trabaho. Work first ako palagi.

"At alam ko naman po na dapat kapag nasa set ka na, naka-concentrate ka sa trabaho.

"Never pong nangyari na nawala ang focus sa trabaho kapag nagti-taping ako."

Pero mukhang may nabubuong magandang pagkakaibigan sa kanilang dalawa ni Carlo. How does she find Carlo?

"A, he’s a good friend. Mabait naman po siya."

May balitang nagkaroon daw sila ng tampuhan ni Derrick Monasterio. Hindi kaya si Carlo ang dahilan?

"Wala po ’yon... wala po.

"Nagulat nga kaming dalawa ni Derrick. Sabi niya, ’Ano ’yong tampuhan daw natin?’

"Sabi ko, ’Hindi ko rin nga alam, e.’

"Hindi ko alam kung saan nanggaling ’yon!" sabay tawa ni Sarah.

JC TIUSECO. Kumusta naman sila ni JC Tiuseco, ang leading man niya sa Kokak, na inili-link din sa kanya?

"Ang dami namang inili-link sa akin!" natatawang sabi ng dalaga.

"Ano ba ’yan? Pinagpapawisan tuloy ako dahil diyan!"

May nasabi kasi ang co-star nila sa Kokak na si Frencheska Farr na minsan lumalabas sila na magkakasama. Nabanggit din ng singer na close daw sina Sarah at JC.

Paliwanag naman ni Sarah, "A, we’re all good friends sa show. Very light na... kumbaga, walang ilangan. Lahat close.

"’Tapos, kapag tatlo o apat kaming on call sa set, lalabas muna kami.

"’Tapos, babalik kami sa taping. Gano’n lang po."

Hindi nagpaparamdam sa kanya si JC?

"Wala naman po," tugon ni Sarah.

RICHARD’S NEXT LEADING LADY? Napabalita rin na bukod kay Carla Abellana, ikinukunsidrea rin daw si Sarah na maging leading lady ni Richard Gutierrez sa bagong primetime series na pagbibidahan nito.

Ano ang masasabi ni Sarah dito?

"Hindi ko pa po alam ang tungkol do’n, although may rumors na po akong naririnig about that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No’ng bagong dating pa lang ako dito sa Pilipinas, ang napanood ko talagang first movie dito, ’yong movie niya with Angel [Locsin].

"So, siya ’yong unang nakilala ko na GMA leading man.

"Naririnig-rinig ko lang po na isa ako sa pinagpipilian na maging leading lady niya. Pero wala pa po.

"Kung sakali, of course, gusto kong makatrabaho siya. Magandang project iyon na... with Richard Gutierrez.

"Sino ba ang hindi magugustuhan na makasama siya sa isang project? So, sana.

"Kung matutuloy, okey. Kung hindi, next time.

"May next time pa naman!" natatawang sabi ni Sarah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN