Carl Guevara on playing a ghost in My Beloved: "Parang first day-last day na agad?"

Carlo Guevara on being loveless until now: "Sa ngayon, ito totoo talaga ’to, hindi ko na muna hinahanap ang lovelife. Hindi ko muna yun iniisip. Ngayon, mas nasa bahay ako. Trabaho muna at masaya ako."


Medyo natagalan ang pagbabalik-teleserye ni Carl Guevara kung ang pagbabasehan ay ang huling soap opera na ginawa niya.

Huling napanood si Carl sa afternoon soap na Blusang Itim, na pinagtambalan nila ni Kylie Padilla noong isang taon.

Pero sabay na sabay rin ang pagbabalik nina Carl at Kylie sa teleserye.

Si Carl ay kasama sa cast ng primetime series na My Beloved, samantalang si Kylie ay bida ulit sa afternoon soap na The Good Daughter.

Parehong magpa-pilot ang dalawang shows sa February 13, Lunes.

Ayon kay Carl, "Medyo matagal din bago nasundan kasi nag-end ang Blusang Itim, around October.

"Nang pumasok ang My Beloved, November yata kami nag-shoot or December...

"Hindi naman matagal, yun nga lang, medyo na-move kasi ang airing kaya medyo natagalan."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carl sa presscon ng My Beloved at inamin niya na medyo nainip din siya.

Pero katuwiran niya, "Naghihintay na lang ako ng trabaho.

"Nagtatanong rin ako kay Perry [Lansigan, his manager], pero sinasabi naman niya na meron na ’yan.

"At ako naman, tiwala naman ako sobra sa manager ko.

"Actually, tine-tape namin ang My Beloved, before Christmas pa, kaya hindi naman ako naiinip na wala akong ginagawa.

"Siguro yung hindi ko lang din nakikita yung sarili ko sa TV. Yun lang naman," nakangiti niyang sabi.

THE ATHLETE. Sa loob ng tatlong taong kontrata ni Carl sa GMA, masaya raw siya lalo pa’t palagi naman daw siyang may trabaho.

Kung hindi siya masyadong busy, yun naman daw ang pagkakataon na nagkakaroon siya ng mas maraming oras sa pamilya niya.

Nakasali rin daw siya sa ilang marathons na sa palagay ni Carl, isa sa magandang nagawa niya.

"Nag-full marathon na ako—42 kilometers.

"Ang plano kasi, by next year, mag-triathlon na ako," banggit niya.

Bakit bigla yata siyang nagkahilig sa marathon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung pinsan ko kasi, triathlete na siya. Parang ini-encourage niya ako na mag-join ng ganyan.

"Nagpaalam naman ako kay Perry. Sabi naman niya, maganda raw yun kaya ituloy ko lang."

THE GHOST. May nakakatuwang kuwento ang young actor tungkol sa kanyang bagong role sa My Beloved bilang isang multo.

"Actually, noong sinabi sa akin, ako, ’Wow, may show na agad ako!’

"’Tapos sinabi, mababaril daw ako.

"Kaya sabi ko, ’Parang first day-last day na agad?’

"Pero ipinaliwanag naman ni Direk Dom [Dominic Zapata] na, ’Carl, hindi ka agad mamamatay dito.

"’Akala mo may taping ka, patay ka na.

"Yung role mo diyan, kinuha namin ang story n’yo ni Jennica Garcia sa Ghost—yung kay Demi Moore at Patrick Swayze.’

"So, yun, hanggang sa huli... Matatahimik lang ako kung mahahanapan ko si Jennica ng magmamahal sa kanya at makakampante ko.

"At the same time, matatanggap ko na patay na ako," saad ni Carl tungkol sa kanyang role.

Masaya ba siya sa character bilang Junic sa My Beloved?

"Actually, noong makita ko ang role ko, excited ako. Lalo na kapag paiba-iba.

"Pero noong malaman ko noong una na mamamatay agad, parang ang pangit.

"Pero ang totoo, ito ang role ko na nahirapan ako.

"May mga bagay na hinahawakan ko. May mga bagay na hindi ko nahahawakan.

"At kapag umaarte ka, hindi ka dapat masyadong magalaw.

"Minsan may mga bagay na hindi mo masyadong napapagalaw."

REUNITED WITH JENNICA. Balik-tambalan sina Carl at Jennica Garcia dito sa My Beloved—kumusta ang working relationship nila?

"Ganoon pa rin, masaya," sabi ni Carl.

"Kapag kasama mo naman siya, masaya lang, kikay. Excited pa rin kami.

"Masaya siya na nakatrabaho niya ako ulit. Masaya ako na nakatrabaho ko siya.

"Kasi, alam na namin kung saan kami magsasaluhan kapag sa eksena."

Marami ang nagsasabi na bagay silang dalawa, ano ang reaksiyon dito ni Carl?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pati nga ang mama ko, sinasabi na bagay daw talaga kami. Sa screen daw, bagay daw kami," nangingiting sabi ng young actor.

May panghihinayang ba siya na may boyfriend na si Jennica—si Alwyn Uytingco?

"Hindi naman," nakangiti niyang sagot.

"Masaya ako actually dahil nakita ko si Jennica noong una na wala pa siyang boyfriend.

"Then, nakita ko siya na may boyfriend.

"Nakita ko na masaya siya at parang inspired na inspired siyang magtrabaho.

"So, okay naman. Ang laki ng pinagbago niya.

"Ngayon, kalma lang siya, tahimik lang naman siya."

WORKING WITH DINGDONG & MARIAN. Masaya rin daw si Carl na nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Aniya, "Gusto ko talagang makatrabaho sina Dingdong [Dantes] at Marian [Rivera]—silang dalawa.

"Noong una na sila ang kaeksena ko, kinakabahan ako.

"Si Dingdong, kahit kasama ko siya sa PPL, kahit kapatid ko siya sa showbiz, kinakabahan pa rin ako noong una.

"Pero maayos naman. Kahit si Marian, binibiro-biro ako."

LOUISE DELOS REYES. Kinamusta rin ng PEP si Carl tungkol sa isa pang co-star niya sa My Beloved na si Louise delos Reyes.

Una silang nagkasama sa defunct youth-oriented series ng TV5 na Lipgloss ng TV5. May balitang nagkaroon sila ng gap noong ginagawa nila ito.

Okay na ba sila ngayon ni Louise?

Natatawang sagot ni Carl, "Okay naman kami.

"Nagkakakuwentuhan naman kami. Kahit yung mommy niya, nakakausap ko."

Bakit ba sila nagkaroon ng isyu ni Louise noon?

"Wala, wala... matagal na yun. Binubuhay n’yo naman!" natatawa pa rin niyang sabi.

Dagdag ni Carl, "Noong time ng Lipgloss, parang usap-usap lang kami."

Niligawan ba niya si Louise?

"Hindi naman nanligaw. Kasi, kapag nanligaw, pupuntahan mo, sasabihin mong nililigawan mo siya. Hindi naman.

"Nakakausap-kausap ko lang siya noong time ng Lipgloss.

"’Tapos bigla na lang nawala, hindi kami nagkakausap na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero wala naman, ganoon lang yun. Wala naman nang problema.

"Okay naman kami. Okay naman si Louise.

"Mabait... ano siya, sweet."

SINGLE. Sa ngayon ba ay may lovelife na siya? Ang huling nabalitang girlfriend niya ay ang Brazilian model-actress na si Daiana Menezes.

"Hindi pa, wala pa. Hindi pa lisensiyado!" natatawang sabi ni Carl.

"Sa ngayon, ito totoo talaga ’to, hindi ko na muna hinahanap ang lovelife. Hindi ko muna yun iniisip," pagtitiyak ni Carl.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN