Manny Pacquiao a changed man since he started reading the Bible

Naisipan na nga ng CBCP (Catholic Bishops Conference of the Philippines) na gawin daw si Manny Pacquiao na Bible Ambassador para makatulong sa pag-promote ng pagbabasa ng Bible.

"Kung gusto nila akong maging Ambassador walang problema," Manny says. "Kung pipiliin nila ako, mas maganda nga kung tayo lahat magtutulungan, mga pastor, mga pari, magtutulungan tayo to encourage people na magbasa ng Bible."


Marami ang nakapansin sa malaking pagbabago ni Manny Pacquiao pagkatapos niyang nakahiligang magbasa ng Bibliya at madalas na pagba-Bible study.

Nakasanayan na ngayon ng mga staff ng Manny Many Prizes na mag-Bible study sila pagkatapos ng taping.

Naisipan na nga ng CBCP (Catholic Bishops Conference of the Philippines) na gawin daw itong Bible Ambassador para makatulong sa pag-promote ng pagbabasa ng Bible.

"Kung gusto nila akong maging Ambassador walang problema," pakli nito.

"Kung pipiliin nila ako, mas maganda nga kung tayo lahat magtutulungan, mga pastor, mga pari, magtutulungan tayo to encourage people na magbasa ng Bible.

"Napaka importante ng Bible basahin. [Hindi dapat] tinatago sa isang sulok, kundi talagang binabasa ang Bible.

"Yan ang susi para sa kaligtasan. Yan ang susi ng pintuan para makapasok ka sa buhay na walang hanggan," saad ng ating Pambansang Kamao.

"Kung gusto mo ng katotohanan, nasa Bible. Kung gusto mong gumaling ka, nasa Bible. Nasa Bible lahat e.

"Ang kailangan lang is, kailangan ang pagbabasa araw-araw.

"Kasi sabi sa Joshua 1:8, "Keep this book of the law always in your lips and meditate on it day and night so that you may be careful to do everything written on it. Then you will be prosperous and successful.’

"So kailangan din sundin yun para malaman ng iba na importante yung marami kang... kumbaga sa ano yung marami kang panangga," dagdag pa niyang pahayag.

Marami nga ang namangha sa malaking pagbabago ni Manny; halos kabisado na raw nito ang nakapaloob sa Bible.

Pero kinorek kami ni Manny, dahil hindi naman daw dapat kinakabisado ang Bibliya kundi dapat isinasapuso.

"Alam mo ang pagbabasa ng Bible is kailangan ilagay sa puso. Ilagay lagi sa isipan, sa puso.

"Sabi nga, ’Keep this book of the law in your lips. Meditate on it, day and night that you may be careful to do everything written on it.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So maliwanag na kailangan palaging magbasa. Hindi lang natin binabasa kundi ilagay natin sa puso natin. Ilagay natin sa isipan natin," seryoso pa niyang pahayag.

"Gusto ko lang sabihin sa mga tao, na ipaalam sa mga tao, tayo pisikal, hindi natin kayang labanan yung mga masama kasi yung masama is spirit, hindi natin pwedeng labanan yung evil spirit na pisikal natin.

"Hindi natin kaya na labanan ang evil spirit na physical lang. Ang panlaban diyan is word of God, which is nasa Bible... ’yan yung mga katotohanan.

"Yan lang ang panlaban sa mga evil spirit na hindi tayo mapapahamak na masaktan.

"Kasi ang Panginoon gusto niya, ayaw niya tayo masaktan.

"It says nga in Jeremiah 29:11 na, ’For I know the plans that I have for you declares the Lord plans to prosper you and not to harm you and to give you hope in the future.’

"Pag nagbabasa kasi ng Bible yung relation mo, you’re building up a relation to God tapos yung faith mo nag-i-improve siya. Nag-i-improve siya. Oo."

Isa iyun sa ipinagmamalaki ni Manny na magmula nang natuto itong magbasa ng Bibliya at patuloy na mag-Bible study, lalong gumanda ang pagsasama nila ni Jinkee.

Nakikita raw niya sa kanyang asawa na masayang-masaya ito sa malaki niyang pagbabago.

"Para sa asawa ko, unang-una, sorry sa lahat ng mga nagawa ko noon pero like what I told you, the old Manny Pacquiao [is] gone, and the new Manny Pacquiao has come.

"I hope masaya ka palagi ngayon at yun naman ang ginagawa ko at siyempre kailangan nating laging magdasal at magtiwala sa Panginoon," mensahe nito kay Jinkee.

Dagdag pa ni Manny, "Salamat sa mahal na Panginoon, nalaman natin yung tunay na daan at katotohanan sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya.

"Yun ay napakaganda kaya ko sini-share yung experience ko sa lahat at ini-encourage din na magbasa ng Bibliya dahil napaka importante [nito].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi pag tayo nahulog doon sa apuy-apoyan, dun impiyerno, mainit na mainit yun.

"Lifetime yun hindi dalawampung taon, hindi 100 years. Kundi lifetime yun walang pagbabago."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN