Katrina Halili on Hayden Kho’s return to showbiz: "Ow? That guy? He’s coming back? Oh, good luck to him!"

Katrina Halili talks about her role in the new series, My Beloved, topbilled by Dingdong Dantes and Marian Rivera.

"Yes, ako rito si Emmie. Boyfriend ko dito si Dingdong. Siyempre, magkakagusto siya rito kay Sharina, kay Marian. So, magiging bad ako. Pero mabait ako rito, magiging bad lang dahil inagaw ni Marian sa akin ang boyfriend ko," Katrina says.


Nagiging madaldal na muli si Katrina Halili.

Ibig sabihin, mas makuwento at mas nakikita nang at ease na siyang muli na makipag-usap sa entertainment press ngayon.

Simula kasi nang lumabas ang video scandal sa pagitan nila ni Hayden Kho noon, understandable na may nabago sa kanya sa pakikipag-usap lalo na sa media.

Pero sa nakaraang press conference ng My Beloved, mapapansin na unti-unti, bumabalik na ngang talaga ang dating Katrina na masayahin at makuwento.

Nagulat nga lang ito nang may magtanong nang diretso sa kanya kung naghahanap daw siya ng trabaho.

Sagot niya, "Oo, kanina, kanina lang ha. Kanina lang sabi ko, ’Uy, sama naman ako sa Pepito [Manaloto].’ Bakit naman, bawal ba?"

Sa ibang network daw siya naghahanap?

"Ibang network? Saan? Ay, wala ah! May show pa ko. At saka, mag-i-start na ’to [My Beloved], maghahanap pa ko? Baka hindi ako yun."

Ang kontrata naman daw niya sa Kapuso network ay hanggang March na lang.

Nakangiti ito noong sinabi niya yun kaya sabi namin, bakit parang masaya siya?

Sinagot naman niya nang, "Siyempre another contract, bakit naman hindi ako magiging masaya, ’di ba? Basta, hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari."

Medyo matagal din daw kasi bago nasundan ang huling serye niya, ang Munting Heredera. Maaga kasing namatay ang character niya sa primetime series na noong isang linggo lang nag-finale.

"Ang tagal ko na rin nagti-taping for My Beloved, noong December pa. Ngayon lang kasi e-ere.

"Akala ko kasi, natanggal ako sa Munting Heredera for My Beloved na next year pa pala.

"Eh, hindi na nila ko binalik kasi, mataas ang rating nila, Joke!" natatawang sabi pa niya.

Kaya tinanong naman namin si Katrina kung may sama ba siya ng loob sa maagang pagkamatay ng character niya?

"Wala ha, haka-haka ko lang yun sa utak ko."

Sa My Beloved, ano ang role niya? Obviously, pagbabalik din ng triangle nilang tatlo nina Dingdong Dantes at Marian Rivera noon sa Marimar?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Katrina, "Yes, ako rito si Emmie. Boyfriend ko dito si Dingdong.

"Siyempre, magkakagusto siya rito kay Sharina, kay Marian. So, magiging bad ako.

"Pero mabait ako rito, magiging bad lang dahil inagaw ni Marian sa akin ang boyfriend ko."

ON MARIAN RIVERA. Sila ni Marian, kamusta na sila after ng mga intriga sa kanilang dalawa noon?

"Ay, maganda po, magandang-maganda. Totoo ’yan ha. Ano ba naman kayo?

"Nag-uusap kami at nagbabatian. Masaya po.

"Kasi naman noon sa Marimar, hindi kami nag-uusap, kahit blocking wala. Ano ’to, take na lang?

"Ngayon, masaya na kami. Friends na friends. Wala nang makakasira pa noon."

Pagkatapos ng mga unos na pinagdaanan, kinamusta rin namin kay Katrina ang naging pasok ng taong 2012 sa kanya.

At ayon nga kay Katrina, "Okay naman. Kailangan maging positive tayo kasi, anything can happen, ’di ba?

"So, expect the unexpected. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa atin, ’di ba?

"So, ang makaka-save sa atin, siguro prayers lang.

"Pero kung may mangyari sa ’yo, hindi naman siguro ibig sabihin noon, bad ka."

Malapit na ang Valentine’s Day, may date ba siya?

"Naku, busy po akong mag-promo ng My Beloved. At saka, hindi ako nagdi-date ng Valentine’s Day kasi."

Sa isang banda, itinanggi naman ni Katrina na nagbenta siya ng lupa na gagawin niya sanang resort kung kaya’t marami raw siyang pera.

Ayon kay Katrina, "Grabe naman, hindi pa nga nako-close ang deal."

Madadaanan daw kasi ng ginagawang highway ang lupa niya kaya binili ito.

"Hindi po yun totoo. Naku, may lupa ako pero walang resort. Grabe naman.

"Wait lang po. May investor. Kapag meron na, padalhan ko kayo ng picture.

"O dalhin ko kayo ro’n. Pero, wala pa. At saka, matagal-tagal pa yun kung gagawin.

"At saka, masaya naman ako sa buhay ko. May kinakain naman ako," natawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka, may farm ako ro’n. Gusto ko nga ro’n tumira."

Nahihilig din si Katrina sa meat processing. Bumibili raw siya ng karne at gawa lang daw siya nang gawa sa bahay at yun daw ang kinakain niya.

Nahihilig din daw siya sa pagbi-bake at nagdala nga raw siya ng cupcake sa taping nila.

ON HAYDEN KHO. Tinanong din ang reaksiyon ni Katrina sa balitang pagbabalik showbiz raw ni Hayden.

Tugon lang ni Katrina, "Ow? That guy? He’s coming back? Oh, good luck to him!" ang natawang sabi lang niya.

Tila naka-move on na rin siya sa lahat ng nangyari sa kanya at nagsisimula na ngang tumapang.

"Siguro dapat lang. Sa lahat ng nangyari sa buhay ko, dapat akong tumapang."

Paano kung sa pagbabalik-showbiz ni Hayden, magkasalubong sila?

"Actually, yun din ang aabangan ko. Hindi ko pa alam kung ano ang magiging reaksiyon ko.

"Bahala na si Batman sa kaso namin. Closed na yung book namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN