Alex Gonzaga hosts new game show with Chris Tiu

Now that Mommy Pinty has allowed Alex Gonzaga (above) to have a boyfriend, her long-time suitor decided to concentrate on law school.

"Naglo-law na kasi siya. Hindi na kami nagkikita. Wala rin akong time sa kanya. Kung kailan ako available, hindi naman siya available. Ganoon din siya, so, parang walang sense," says Alex, adding that it was a mutual decision.


May bago na namang show si Alex Gonzaga sa TV5. Sa pagkakataong ito, magiging host naman siya ng isang bagong game show, ang TOINK! Sino Ang Tama? na mapapanood na simula sa Linggo tuwing alas-dos ng hapon.

Makakasamang co-host ni Alex si Chris Tiu.

Ayon kay Alex, "Game show ito at masayang-masaya ito. Manghuhula kayo at kumbaga, idya-judge mo ang tao kung ano sa tingin niya ang sagot niya.

"Minsan kasi, akala mo hindi siya makakabigay ng tamang sagot, pero yun pala, siya ang puro tama ang sagot.

"So, ano talaga ’to, by chance at yung judgment mo nga sa mga tanong at isasagot ng mga tao."

Nakapag-pilot taping na raw sila ni Chris na ipapalabas nga sa Linggo, February 12.

Pang-apat na show raw niya ang Toink! sa kasalukuyan sa Kapatid network. Pero malapit na rin naman daw magtapos ang iba niyang shows tulad ng P.S. I Love You.

Biro tuloy namin sa kanya, parang bawal bumaba sa tatlo ang shows niya?

"Ay, hindi naman. Nasasakto lang na may mga shows na nag-i-start na hindi pa nag-e-end ang iba. So, nag-o-overlap.

"Pero ano lang, after, dalawa na lang ang show ko—Ang Juicy at ito.

"Kasi, matatapos na po ang P.S. I Love You at ang Hey, Saberday."

Nakapag-game show na rin daw siya noon, ang Big Shot, Jackpot with Joey de Leon.

ON CHRIS TIU. Silang dalawa ni Chris, kumusta naman?

"Ay naku, okay naman si Chris Tiu. Totoo ang mga tsismis na mabait siya at humble. May tsismis bang ganoon or ako lang ang nagtsi-tsismis?"

Parang kinikilig siya kay Chris. Sa Juicy kasi, madalas siyang niloloko sa cager-host.

Natatawang sabi naman ni Alex, "Lokohan lang naman yun. Basta excited kami rito. Kasi, first time naming magka-trabaho.

"Kasi nga, ’di ba, binibiro-biro lang namin sa Juicy na o, hayan si Chris Tiu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Tapos, nagulat talaga ako na makakatrabaho ko talaga siya.

"Hindi ko naman akalain na magkakasama kami sa isang show, so, yun."

Nagkakilala na ba sila dati ng co-host niya?

"Hindi, first time lang namin. Kinukuwento lang sa kanya ni Sir Noel [Ferrer] na inaasar-asar siya palagi sa show so, yun."

Kinikilig talaga siya kay Chris?

"Hindi naman kinikilig, hinahangaan lang."

Natuwa ba siya nang malaman niya na ang hinahangaan pala niya ang magiging co-host niya?

"Ay oo, kasi, hindi nga natin ine-expect.

"Kasi, sa GMA-7 siya, so, malay ba namin na makakatrabaho ko siya rito.

"So, sobrang excited ako na tinanggap nga niya ang game show and at least, magkaka-trabaho kami."

May long-time girlfriend na si Chris...

Sabi naman ni Alex, "Hinahangaan ko lang siya. Kasi, noong high school, college ako, naririnig ko na siya sa basketball.

"Kaya parang nakakatuwa lang na makaka-face-to-face ko siya."

SUITOR CHOSE LAW SCHOOL. Ang non-showbiz suitor niya na naipakilala niya sa media at tila tanggap naman ng magulang niya, lalo na ni Mommy Pinty, ay wala na raw.

Anong nangyari, bakit ang bilis naman yatang nawala?

"Hindi naman. Ang tagal na rin naman kasi na parang dating-dating.

"Kaso ngayon po, dahil sobrang full-blast na siya sa law school.

"Naglo-law na kasi siya. Hindi na kami nagkikita. Wala rin akong time sa kanya.

"Kung kailan ako available, hindi naman siya available. Ganoon din siya, so, parang walang sense."

Pareho naman daw silang nag-decide na huwag na lang muna nilang ituloy.

Ayon nga kay Alex, "Mutual naman. Tapusin niya muna ang kanyang pag-aaral. May two years pa siya."

Kung titingnan, ang tagal din niyang naghintay na i-allow na siya ng parents niya na magpaligaw or magka-boyfriend. Kung kailan hayan na, saka naman nawala?

"Oo nga, e. Yun nga yun, e. It’s not God’s will.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wow! May mga ganoon na tayo ngayon. Kasi, kung kailan gusto na ng mommy ko, saka naman hindi na talaga."

Pero naging sila talaga ng non-showbiz guy na ito?

"Hindi naman kami. Talagang M.U.-M.U. lang."

Hindi kaya na-culture shock ang guy nang ipakilala niya ito lalo na sa media?

"Hindi...talagang feeling ko, sabi ni Lord, hindi pa time. Kasi, totoo talaga.

"Nagtataka talaga ko. Kung kailan okay, pinapayagan na ako. Saka naman hindi talaga.

"Saka nagkagulo-gulo dahil sa schedule at saka sa time."

Ano naman ang sabi ni Mommy Pinty sa nangyari?

"E, kasi okay naman siya sa kanila. Yung ngayon, sinabi ng mommy ko na kung kayo, kayo talaga.

"Maganda naman ang ginagawa niya. Maganda naman ang reasoning. Nag-aaral po siya, e."

Sa ngayon, hindi na raw sila gaanong nakakapag-usap.

Ayon nga kay Alex, "Hindi ko nga alam ang nangyari."

Kung tutuusin nga raw, matagal sila na talagang friends lang.

Kuwento pa ni Alex, "Matagal kaming friends no’n. Kasi, friends kami college pa lang.

"May girlfriend pa siya noon. Tapos yun, hanggang sa naging single siya, nagkaka-date. Kaso, hindi pa puwede.

"So, puro lang kami text, usap sa phone. Ganoon lang ang nangyari."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN