Marian Rivera: "Lahat na yata ibinigay na sa akin Lord... In return, ano ang dahilan para malungkot pa ako, magmaldita pa ’ko or ano pa?"

For the nth time, Marian Rivera was asked by the entertainment press if she and boyfriend Dingdong Dantes have any wedding plans. "Wala. Kaya nauudlot, e. Huwag na muna. Sabi ko nga sa inyo, ganito na lang. Kapag dumating ang pagkakataon na merong mga ganyang isyu tungkol sa mga weddings, magpapa-presscon talaga ko. Ipapatawag ko kayong lahat at sasabihin ko lahat," she says.


Nang i-introduce ni Dingdong Dantes ang leading lady niya sa bagong primetime series, My Beloved, na si Marian Rivera, buong ningning nitong tinawag ang girlfriend niya ng "My beloved..."

Nahalata ng entertainment press sa presscon noong Martes ng gabi, February 7, sa Studio 7 ng GMA Network na tila hindi inaasahan ni Marian ang naging paraan ng pagtawag sa kanya ng boyfriend.

Nangiti lang ito at na hindi agad nakapagsalita.

"Hindi naman. Siguro ano lang, ganoon naman talaga, ’di ba?

"Siguro nakikita niyo na sobrang masaya naman talaga ko rito sa My Beloved," ang sabi ni Marian.

"Tulad ng sabi ko kanina, nagpapasalamat ako kasi sa akin nila binigay [ang role] ni Sharina na ini-enjoy ko talaga!"

Sinabi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marian na nabanggit daw ni Dingdong sa isang interview na may dahilan at gusto nitong makasama si Marian muli sa isang teleserye.

Nais daw ni Dingdong makita ang pagbabagong lagi niyang naririnig tungkol kay Marian; nakita naman daw ng aktor ang mga pagbabagong yun.

Ayon naman kay Marian, "Oo. Ngayon talaga, trabaho, trabaho.

"Kapag nag-roll na ang camera, ay, hindi tayo ang Dongyan. Kumbaga, ako si Sharina, ikaw si Benjie.

"Masarap lang din sa amin na alam niyo yun—yung feeling na magkasama kami sa trabaho at siyempre, as partners, mas tumindi yung relationship namin, yung bonding namin.

"Siguro, mas lumalalim yung saya na dulot ng taping [dahil] magkasama kami.

"Nagkukuwentuhan kami. Naglalaro kami ng Temple Run. Alam mo yung mga ganoon?"

CHANGES. Nakita raw ni Dingdong ang pag-iba ng attitude ni Marian lalo na ang pakikitungo nito sa set. Proud nga raw ito sa girlfriend.

"Talagang sinasabi ko sa interview, yung blessing pala na dumarating sa buhay mo, kapag marami ka ng blessing, mababait yung mga tao sa paligid mo.

"’Tapos lahat ng hinihiling mo sa Diyos, binibigay sa ’yo. Walang dahilan para ipagkait mo yun sa iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano ba naman yung mag-extend ka ng love sa mga katrabaho mo? Matuto kang magpasensiya. Matuto kang magbigay sa kanila.

"So, natutuwa rin ako kasi, ang sarap. Ang gaan ng feeling kapag ganoon ang pakikitungo mo.

"Kumbaga ako, lahat na yata ibinigay na sa akin Lord...Ang bait Niya sa akin na talagang lahat, ibinigay Niya.

"In return, ano ang dahilan para malungkot pa ako, magmaldita pa ’ko or ano pa?"

Naisulat din ang kuwento ni Sheena Halili, na dating co-star ni Marian sa Amaya.

Nag-decide daw mag-invest si Sheena sa isang condo unit dahil kay Marian. Noong una daw kasi ay takot ito lalo na sa pagbabayad.

Pero in-encourage daw ito ni Marian—siya na raw ang magpapatuloy ng bayad kung sakaling hindi na kaya ni Sheena ang monthly installments.

Mabilis kaming sinaway ni Marian na ayaw raw niya ng ganoong topic.

Aniya, "Ganito na lang, ayoko niyan, ayoko niyan. Tumutulong ako sa [kapwa] artista, nagpapayo ako.

"Gusto ko, yung mga artista, lumalapit sa akin, nagtatanong sila dahil nalalaman siguro nila na nag-i-invest ako.

"Nakakatuwa na nagtatanong sila sa akin. So ako, kung ano ang experience ko, sinasabi ko sa kanila.

"Pero ayoko nang...si Marian Rivera tinulungan si ganito. Si Marian Rivera tumulong sa...ayoko ng ganoon.

"Kumbaga ako, tinutulungan ko ang kapwa artista...para magkaroon din sila at okay na ko ro’n.

"At ako, bilang marami akong experience at marami rin akong na-invest, gusto kong i-share yun sa mga kapwa artista ko na gustong mag-invest talaga.

"Pero, huwag n’yo nang isulat yun."

Saka natatawang sabi, "Naku, baka mamaya ang daming pumila sa bahay!"

Dugtong pa niya, "Kasi ako, naniniwala ako na kung magiging close ang dalawang artista, magiging close yan ng hindi mo pinipilit.

"Nagkataon talaga na sa Amaya ang dami kong naging close at naging malapit sa puso ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PARTNERS. Kumusta naman silang dalawa ni Dong sa My Beloved?

"Ang saya! Mas tumindi kung ano man meron kami ni Dong. Hindi lang as partners...pati friendship namin."

"As in, mukha kaming tanga, naglalaro kami ng Temple Run, nagpapaligsahan kaming dalawa.

"May mga lines kami, script kami na kapag may mga eksenang kailangan nagtutulungan kaming dalawa. Iba dati."

Paanong iba dati?

"Hindi ko rin alam, e. Dati, kanya-kanya. Sige, bahala ka. Iyak ako, bahala ka."

May challenge ba na katrabaho si Dingdong ngayon?

"Challenge? Nakakatawa kasi yung character niya rito, hindi siya nagpapatawa pero naïve siya at anghel siya na naparusahan. Nakakatawa.

"Siyempre noong una ko siyang napanood, sabi ko, ’Hindi kita kaya! Hindi kita kaya!’ Hanggang sa nasanay na ako. Natatawa ako.

"Pero alam naman niya na kapag nag-roll na ang camera, iba na ko. Pero kapag rehearsal, tinatawanan ko siya."

WEDDING PLANS? Ito ang madalas na naitatanong sa kanilang dalawa.

Sabi agad ni Marian, "Wala. Kaya nauudlot, e. Huwag na muna.

"Sabi ko nga sa inyo, ganito na lang. Kapag dumating ang pagkakataon na merong mga ganyang isyu tungkol sa mga weddings, magpapa-presscon talaga ko.

"Ipapatawag ko kayong lahat at sasabihin ko lahat. Lahat ng gustong pumunta.

"Siyempre, alam ko marami kayong tinatanong tungkol sa kasal. Siyempre, kahit kami, hindi namin masabi.

"Basta balang-araw, magkakaroon ng chance, ipapatawag ko lahat ng press.

"Kahit akong mag-isa, ia-announce kong talaga at hindi ko talaga ikakahiya yun dahil bilang babae, e, crown ng babae yun."

Kahit silang dalawa ni Dingdong, hindi nila napag-uusapan?

"Wala talaga, e. Siguro noon, pero, ngayon, wala talaga.

"At wala akong idea kung ano ang magaganap sa aming dalawa."

EVERY DAY IS VALENTINE’S DAY. Sa Tuesday ay Valentine’s Day na. Pero magiging busy sina Marian at Dingdong sa pagpu-promote ng serye nila dahil sa Lunes, February 13 na ang pilot ng My Beloved.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yun ba ang dahilan kaya napabalitang nag-Sonya’s Garden na sila noong Linggo sa Tagaytay?

Ayon naman kay Marian, "Palagi namang Valentine’s day sa amin. Wala naman kaming pinipili."

Dugtong din niya, "Ano ka ba, e, ’di ba, guest siya sa concert ni Kuya Ogie [Alcasid].

"After no’n, pinagpipilian pa namin kung magluluto na lang ako para hindi kami lumabas.

"Kasi, 7 o’clock call time na namin sa My Beloved kinabukasan or dadalhin daw niya ako sa isang lugar na hindi namin alam."

Nae-excite pa rin ba siya kapag may mga special occasion tulad nga ng Valentine’s Day?

"Oo naman, oo naman. Iba kasi itong si Dong pagdating sa mga surpresa."

May nakahandang gift na raw si Dingdong sa kanya; siya ba meron na ring regalo?

"Aba, yun nga, nagulat ako, sinabi nila, ’Ano ang gift mo kay Dingdong? Siya, meron na.’

"Aba, sa pagkakataong ito, naunahan ako. So, hindi ko alam.

"May bibilhin din ako—card! May nakita ako.

"Mahilig din ako sa mga idinidikit sa ref. Kapag may nakita ako like, ’If I’ll be given a chance, I’ll choose you. If I’m a butterfly, I’ll fly with you!’" natatawa niyang sabi.

"Kaartehan! Sorry ha, may pagka-ano ako sa ganyan."

Tuloy, naisipan naming hingan ng pick-up line si Marian patungkol kay Dingdong.

Game at mabilis naman itong nakaisip agad.

Sabi ni Marian, "Anghel ka ba?"

Bakit?

"Pakiramdam ko kapag nandiyan ka sa likod ko, parang safe ako palagi."

Tawanan tuloy lahat ng entertainment press na nag-i-interview sa kanya.

ON WORKING WITH ERVIC. Naitanong din kay Marian kung open ba siya na makatrabaho si Dingdong at ang ex-boyfriend niyang si Ervic Vijandre lalo’t isang Kapuso ang huli.

Open daw si Ervic kung sakaling magkasama man sila sa isang show.

Sabi naman ni Marian, "Wala naman sigurong magiging problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sa ibang tao, iba na naman siguro ang magiging dating niyan. Iba talaga. Pero, depende naman.

"Ako naman, open naman ako sa kahit kaninong artista.

"Kahit ex ko pa ’yan dahil ganoon naman talaga ang buhay ng isang artista, iikot talaga ’yan.

"Of course, for sure si Dong, wala namang problema sa kanya. Ganoon din naman sa akin."

Sa huli, tinanong din namin kay Marian ang ilan sa lumalabas na diumano’y isa siya sa dahilan ng paglipat ng ilang Kapuso actress sa ibang network tulad nga ni Iza Calzado.

Na diumano’y sa GMA, siya talaga ang maituturing na reyna at mahihirapang makapasok ang iba sa ganoong level.

Ayon naman kay Marian, "Hindi ako ang makakasagot niyan.

"Siguro sabihin na lang natin na alam kong patas ang GMA at sabihin na lang natin na alam nila at ibinibigay nila ang karapat-dapat para sa isang artista, ’di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN