Saab Magalona enjoys playing a villainess in new series

Hindi ba mahirap apihin ang Primetime Queen na si Marian Rivera?

"Ay, sobra," says Saab Magalona who plays a villainess in the Kapuso teleserye My Beloved topbilled by Marian and Dingdong Dantes. "Nung start talaga, hindi pa ako makatingin sa mata niya, ganyan. First time namin to work together and nakaka-intimidate talaga and of course she’s so pretty!"


Nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainemtn Portal) si Saab Magalona sa presscon ng My Beloved, ang una naming itinanong ay kung ano ang reaksyon niya sa bansag sa kapatid niya na si Maxene Magalona sa Twitter na "Maxenetunado"?

May kinalaman ito sa pagpiyok ni Maxene sa isang production number sa Party Pilipinas two Sundays ago.

"Ay hindi nila nalalaman na siya yung nagpa-trend nun, yung make-up artist niya, si Ivan yung nag-imbento ng Maxenesintunado," natatawang umpisang pahayag ni Saab.

May consent raw ni Maxene iyon.

"Yeah, yeah! Siya yung...because they figured, you know, if everyone’s laughing at it and it really happened naman na pumiyok siya, then might as well make fun of yourself, di ba?

"Parang, ’Ano gagawin mo, iiyak ka? Na ipagtatanggol mo, na sasabihin mo na magaling ka, e, pumiyok ka naman talaga.’

"So iyon, parang just make fun of it na lang."

Hiningan rin namin ng comment si Saab sa sinasabi ng iba na ginagaya lang ni Maxene si Anne Curtis in terms of singing.

"Ay hindi! Kasi ...we really like Anne, ha? She’s...I love her!

"Pero ano, I think naman everyone would like to be a good singer, di ba?

"So why would you want to be like someone who is known to be not the best singer? So I don’t think that iyon yung point niya dun.

"Kasi sobra siyang na-affect na pumiyok siya. Kasi I think pag onstage..."

So naapektuhan si Maxene sa nangyari?

"A little bit.

"Kasi pag onstage ka pala talaga, hindi mo naririnig yung sarili mo so parang medyo yung start, hindi niya alam na off-key siya.

"Tapos later on sa song, parang na-realize na niya na mali siya."

Nasaktan ba si Saab sa mga panlalait sa kapatid niya?

"Hindi! Kasi alam kong malakas naman yun, e!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw sumagot or nakipag-away si Saab sa mga nanlalait sa kapatid niya sa Twitter.

"Hindi, no. Hindi ko talaga gawain yung makipag-away sa Twitter.

"You know we come from a very strong family and parang alam mo yun, parang...at tsaka iyon nga, ang dami na naming napagdaanan.

"My dad passed away...for you to sing live on television and you don’t give the best performance, and people are laughing at you, so what, di ba?

"Parang it’s so trivial, parang, ’Okay, get over it!’

"Pero sabi ko nga dapat ang gawin ng Party Pilipinas bigyan siya ng isa pang chance, na para i-redeem yung sarili niya, di ba?"

Kakanta naman raw ulit si Maxene sa Party Pilipinas, given a chance.

"Oo naman kasi nagulat din naman ako kasi okay naman...hindi naman siya talaga ganun kumanta, e.

"Actually the week after nangyari yun, nag-karaoke kami para lang ipakita sa amin, sa mga kaibigan namin."

FRANK MAGALONA. May issue naman na ang mga nakaka-duet raw ni Frank Magalona ay nasisintunado or pumipiyok.

After Maxene kasi, the following week, si Janine Gutierrez ang ka-duet ni Frank at nawala sa tono ang anak na dalaga nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.

Kaya may mga nagsasabi na...

"Cursed si Frank, ganun?" sabay-tawa ni Saab.

"Baka kasi ang guwapo ng kapatid ko," at muling tumawa si Saab. "So nawawala sila sa ano, baka ganun nga.

"Actually, iyon ang theory namin. Pero kung ano, tingnan natin sa next.

"Ayun. Hindi ko rin alam kung bakit nagkaka-ganun, e."

May isa pang issue, na ayaw umano ng pamilyang Magalona, lalo na raw ng ina nilang si Pia Magalona, kay Julie Anne San Jose na nali-link sa isa pang kapatid ni Saab na si Elmo Magalona.

"No! of course not! If you can see on Twitter naman, we tweet Julie Anne, and ’cause I don’t get to hang out with her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She’s just Elmo’s co-worker, not mine, but I like seeing them together, like on Party Pilipinas.

"When they’re singing, they bring out the best in each other.

"I think rin naman sa family namin talaga hindi namin talaga gusto natali sa loveteam.

"If you notice with Max, hindi naman siya talaga nagkaroon ng solid loveteam.

"Ako rin, walang loveteam, si Frank rin wala.

"And si Elmo, iyon nga, siya lang yung talagang medyo na-pin down to a loveteam.

"So I think my mom...and also for Julie Anne’s sake, na she wants them to parang spread their wings individually because they’re very good together.

"But I’m sure they’re also very good apart.

"So para lang siguro I think a change of scene lang. Na baka ipaghiwalay sila, sa performances, pero we have nothing against it.

"I think lang, ako personal ko ito, I’m not speaking for my family."

What if maging girlfriend ni Elmo si Julie Anne?

"Okay lang. Actually ilang taon na ba si Elmo, seventeen? At kung makilala ko pa siya [Julie Anne].

"Pero wala naman akong magagawa sa choice ni Elmo, wala pa ako talagang nakikilala na mga girls na ano.

"Pero basta whatever makes him happy I will be okay with it."

Nasa tipo ba ni Elmo ang magkakaroon agad ng GF at a young age?

"Si Elmo kasi ang hilig niya talaga mga video games. Bagets pa talaga, I’m so happy na hindi siya mahilig sa girls.

"So iyon, very...video games, singing talaga.

"Gusto niya talaga mga music, nagsa-soundtrip sila ng brothers ko, iyon lang talaga ang trip nila."

VILLAINESS ROLE. Walang sibling rivalry sina Saab at Maxene?

"Wala talaga. I think she...wala naman siyang sinasabi sa akin, pero I think she does appreciate it na I requested for a kontrabida part.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto kong maiba naman sa kanya, para we’re not pitted against each other.

"Kung sana nga e, sana mag-star kami in a show na aapihin ko siya."

Kaya niyang sabunutan sa eksena ang kapatid niya?

"Kayang-kaya! Sana!"

Sa My Beloved, bilang si Ginella, ang inaapi ni Saab ay ...

"Si Monica [Jennica Garcia] at si Sharina [Marian Rivera]. Kasi cousin nila ako, e.

"So far, very verbal pa lang ako e, konti pa lang yung physical [na pang-aapi], puro verbal.

"Si Sharina, si Marian, binu-bully ko siya kasi gusto ko yung nanliligaw sa kanya, si Nelson, si Mikael [Daez]."

Hindi ba mahirap apihin ang Primetime Queen?

"Ay, sobra," sabay-tawa ni Saab.

"Nung start talaga, hindi pa ako makatingin sa mata niya, ganyan.

"First time namin to work together and nakaka-intimidate talaga and of course she’s so pretty!

"As in nagulat ako when I saw her, ang puti-puti niya.

"Pero ayun, but she is so nice kasi, off-screen din.

"She’s so down-to-earth and she makes me feel really comfortable and parang ayoko namang mapahiya na parang magpi-freeze ako, di ba?

"So gusto ko ipakita rin na you know, because she’s so professional, she’s so good, na I wanna be on a par with her."

Magkakaroon ng eksenang sasaktan niya si Marian; handa na ba si Saab na kamuhian at tarayan sa Twitter ng mga solid and loyal supporters ni Marian?

"As I said kanina, hindi ko ugaling makipag-away sa Twitter, so siguro iba-block ko na lang sila," at muling tumawa si Saab.

"Hindi, loko lang.

"Hindi, okay lang kung magalit man sila sa akin, ibig sabihin, magaling akong kontrabida."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN