Liz Uy keeps mum about rumored romance with Ely Buendia; refuses to comment on PNoy-Grace Lee hookup

Medyo mailap pa rin sa press ang celebrity stylist na si Liz Uy. Halos ayaw niyang magkomento tungkol sa nali-link sa kanya ngayong si Ely Buendia, pati na sa namumuong relasyon nina Grace Lee at Pangulong Noynoy Aquino. Ayon kay Liz, na minsan nang naka-date ng Pangulo, "Sana i-forgive niyo na lang ako because I really don’t wanna say anything kasi hindi ko naman business ’yon."


Kahapon, Pebrero 10, ay pormal na pumirma ng management contract sa Viva Entertainment ang celebrity stylist na si Liz Uy.

Ito ay para ma-manage ang kanyang endorsement deals, pati na rin ang kanyang bookings para sa TV guestings at public appearances.

"It’s for endorsements, yeah, but kasama na rin po sa contract ’yong mga bookings, like guestings, I guess. But I’m not so sure about showbiz yet," ani Liz sa panayam sa kanya ng entertainment press matapos ang maikling seremonya.

Matagal na umanong naka-plano ang pagpirma ni Liz sa Viva.

Kuwento niya, "Actually, matagal na [ang plano]. They’ve been helping me since last year and wala lang talagang time to sign a contract.

"Then I met Boss Vic [Del Rosario] no’ng concert ni Anne [Curtis] and then he said, ’Sige, let’s go. Let’s sign na,’ and then I said, ’On my birthday week na lang para it’s lucky."

Bukod sa endorsements at guestings, may iba pa bang plano sa kanya ang Viva? May mga nakalinya bang proyekto sa showbiz para sa kanya?

"Projects? Siguro depende. Kung ano na lang siguro ’yong, ano, mapag-usapan. Sobrang unsure pa talaga, saka medyo nahihiya pa rin talaga ako."

Sasabak din ba siya sa hosting gaya ng mga kaibigan niyang sina Raymond Gutierrez, Anne Curtis, Izabelle Daza, at Georgina Wilson?

"Uhm, maybe...sorry, ha. Hindi ko kasi alam talaga ’yong isasagot ko.

"Siguro kung mabilis lang naman, why not? Kung kaya ko naman, why not?"

How about acting? May balak din ba siyang umarte sa teleserye tulad ng nakababatang kapatid niyang si Laureen, na napabilang sa cast ng My Binondo Girl?

"Acting? Actually, I’m not closing naman my doors, but right now, I’m happy with what I do, which is styling, and I’m gonna stick to that no matter what happens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"For their [Viva] top celebrities, they get me naman [to style] and clients ko rin naman talaga ’yong mga celebrities nila, some of the artists.

"Siguro for now, kasi may mga napirmahan na rin akong mga endorsements—coming up, I can’t say what pa right now—but ’yon, do’n muna ako nagfo-focus. I mean, doon muna kami nagtutulungan."

Ngayong pormal na ang pagiging Viva talent ni Liz, mas magiging bukas na ba siya sa pagharap sa mga intriga lalo na kung tungkol sa kanyang buhay pag-ibig?

Matatandaang na-link na rin ng ilang beses si Liz sa mga sikat na personalidad gaya nina John Lloyd Cruz na naging nobyo niya sa loob ng tatlong taon, Pangulong Noynoy Aquino na umaming minsan na silang nag-date ng noo’y personal stylist niya, at direktor Lino Cayetano na minsang napabalitang nakipag-date din sa dalaga.

"Baka ano lang, malapit lang talaga sa ’kin sila," ang natatawang sambit ni Liz tungkol sa mga na-link sa kanya.

May bago ba ngayong male showbiz personality na lumalapit sa kanya?

"Wala, wala. Wala ngang lumalapit o!"

IS SHE DATING ELY BUENDIA? Pebrero 8 ang tunay na kaarawan ni Liz, subalit noong Pebrero 5 ay nagdaos siya ng isang advance birthday party sa Sky Lounge sa Bonifacio Global City.

Dinaluhan ito ng ilan sa kanyang kaibigan at celebrity clients tulad nina Kris Aquino, Vice Ganda, Bea Alonzo, at Zanjoe Marudo. (CLICK HERE to view photos.)

Dumalo rin sa party ang dating bokalista ng bandang Eraserheads na si Ely Buendia, na ngayon ay nali-link sa 30-anyos na celebrity stylist.

Ayon sa mga nakakita, nag-slow dance umano sina Liz at Ely sa party, at ito ang naging mitsa ng usap-usapan tungkol sa tunay na namamagitan sa kanilang dalawa?

Nobyo na ba ni Liz ang sikat na musikero?

"Hala! Oh my gosh. Ayoko talagang sumagot ng anything about Ely Buendia kasi um-attend lang siya ng party, tapos may issue na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang nakakahiya rin sa tao, wala naman siyang, wala, um-attend lang siya talaga.

"He just attended the party so I don’t want to drag him into anything."

Magkaibigan ba sila ni Ely noon pa man?

"Uhm, oo, nagkatrabaho kami."

Naging stylist ba siya ni Ely?

"Hindi, nagkatrabaho ko lang siya once, that’s it."

Ito ba ang dahilan kung bakit inimbitahan niya si Ely sa kanyang party?

"Hindi, kasi may mga common friends naman, so like...and I invited everyone, the whole world actually, so hindi naman like...

"Talagang siya ang topic, ha? Kaloka!"

ON PNOY AND GRACE LEE. Pilit na iniwasan ni Liz na mapag-usapan pa si Ely kaya hiningan na lamang siya ng press ng reaksiyon tungkol sa namumuong magandang pagtitinginan ni Pangulong Aquino at ng DJ at TV host na si Grace Lee.

Madalas kasing maikumpara ngayon si Grace kay Liz.

Noon kasing panahon na dine-date pa ni Liz ang Pangulo ay naging tahimik at mailap ito sa media, hindi tulad ni Grace na makailang ulit ng nagpa-interbyu sa media tungkol sa panliligaw sa kanya ni PNoy.

Ayon kay Liz, "Ay may gano’n, may comparing?

"Wala. I don’t wanna comment na lang on, like, in regards with, or anything to do with them.

"Sana i-forgive niyo na lang ako because I really don’t wanna say anything, kasi hindi ko naman business ’yon."

Ano nga ba ang dahilan bakit mas pinili ni Liz noon na maging tahimik tungkol sa pagde-date nila ng Pangulo?

"Wala, I guess that’s really my personality."

Ano naman ang masasabi niya sa pagiging outspoken ni Grace?

"Ako naman basta hindi ko—hindi kami magkakilala, hindi ko naman siya friend—so, parang I have no right to judge her din.

"I don’t wanna meddle. Buhay naman nila ’yon, e. Hindi naman ako [kasali]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin ni Liz na naging mahirap para sa kanya ang pagkakaroon ng romantic connection noon sa Presidente.

Aniya, isa raw sa naging dahilan kung bakit iniwan niya ang kanyang trabaho bilang personal stylist ng Pangulo ay dahil sa pressure na dulot ng intriga at panghihimasok ng media at publiko sa kanyang pribadong buhay.

Sa ngayon, masaya na si Liz sa kanyang propesyon bilang stylist ng ilang celebrities at fashion editor-at-large ng Preview at Esquire magazines.

Nang tanungin si Liz kung papayag ba siyang maging stylist ni Grace Lee, ito ang kanyang naging sagot:

"Oo, trabaho naman iyon, e."

Kung sakali, may babaguhin ba siya sa kasalukuyang estilo sa pananamit ng Korean host?

"Uhm, hindi ko kasi siya personally nami-meet pa or baka nagka-meet na kami before, baka hindi ko lang naalala.

"Pero kung magpapa-style siya, why not? Basta free iyong schedule ko.

"Trabaho pa rin naman iyon, e. Basta para sa ’kin, work is work."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN