Mikael Daez keeps his shirt on in new series

In the new series, My Beloved, Mikael Daez (above) plays the role of Nelson, who gets involved in a love triangle with Sharina, portrayed by Marian Rivera, and Benjie, the angel of death, brought to life by Dingdong Dantes.


Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mikael Daez, naitanong namin: Ano ang pakiramdam na pagkatapos ng Amaya ay magkasama sila ulit ni Marian Rivera sa My Beloved, at kasama pa nila si Dingdong Dantes?

"Very happy! Siyempre naman I feel very fortunate kasi you know, it’s Marian Rivera and at the same time not only Marian Rivera, Dingdong Dantes pa, di ba!

"So para sa akin it says a lot about what GMA wants for me.

"Para sa akin it’s also GMA’s way of telling me na, ’Okay we’re challenging you,’ na ’You do your part if you want to see what you can do!’

"Kasi di ba parang fitting at opportunity na makita nila ako at kung ano ang kaya ko after Amaya.

"So ako just like any other project, kailangan todo-bigay lahat, ipapakita ko na deserving ako sa binibigay na opportunity sa akin ng GMA."

Hindi ba siya natatakot na baka magalit sa kanya ang Marian/Dingdong fans?

Bilang Nelson, siya ang ka-love triangle sa My Beloved nina Sharina (Marian) at Benjie (Dingdong, na gumaganap rin bilang angel of death na si Arlan).

"Actually I love the DongYan fans! Napaka-supportive nila, as in."

Ngayong ka-trayanggulo siya ng magkasintahan, suportahan pa kaya siya ng mga fans ng dalawa? Hindi kaya this time ay awayin siya ng mga ito?

"Hindi naman! Sa Amaya, medyo may pagka-triangle rin kami."

Kay Sid Lucero, pero hindi kay Dingdong na real-life boyfriend ni Marian...

"Well, hindi, I think the fans of Dingdong and Marian are very supportive of them naman and their show and they know naman na this is just a show.

"So so far they’ve been very supportive of me, [sa] Twitter, actually nagko-comment din sila sa mga articles na pinu-post ko sa blog or sa Philippine Star, so I’m very happy naman with yung reaction nila sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang My Beloved (isasa-ere na February 13 sa GMA-7) ang regular show ni Mikael. Ano pa ang mga projects niya?

"Nag-guest host ako sa Showbiz Central, right now I’m guesting in Showbiz Exclusives on GMA News, so iyon.

"I started a lot of things in my column in Philippine Star, like I produce complimentary videos and photos.

"So parang kinarir ko na rin nang konti, di ba? Kasi sayang rin naman, ang gandang opportunity ng column ko.

"So iyon, I kept myself busy with that and of course a couple of workshops here and there.

"Although medyo mahirap mag-workshop nung December kasi wala masyado e, siyempre holiday."

Ang modelling ba ay tinalikuran na niya? Ang pagmomodelo ang unang pinasok ni Mikael bago pag-aartista.

"Ah yes! I think modelling is a good stepping stone to showbiz pero the thing is...parang ganun na rin, marami ka namang photo shoots, marami ka namang mga magazine pictorials, so parang ganun na rin."

LOVE LIFE. Kamusta ang love life ni Mikael?

"Ganun pa rin, single."

Bakit hanggang ngayon ay wala siyang girlfriend?

"Hindi ko nga alam , e."

Wala raw siyang nililigawan ngayon.

"Although I do find certain Kapuso artists very pretty."

Tulad nino? Given a chance sino ang gusto niyang ligawan?

"Ah, hindi ko alam. Sabihin ko na lang kung sino yung magaganda."

Top three most beautiful women are...

"Sarah Lahbati’s become very, very pretty, very sexy. Ang laki ng ipinayat niya.

"Sam Pinto is actually pretty. I just met her, nag-guesting kasi ako sa Legacy, so I met her and she’s very pretty, very sexy.

"Solenn [Heussaff] is medyo my type kasi may pagka-chinita siya na ewan na Asian na Caucasian na hindi maintindihan, pero very sexy, very exotic look siya na gusto ko.

"So there, I think kung may top three..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WHOM TO COURT? Given a chance sino ang liligawan niya sa tatlo?

"Lahat," sabay-tawa ni Mikael. "Ang daya naman, ang hirap naman pumili.

"Ano yung consideration? Over-all, lahat na? Parang age, height, personality, beauty, lahat na? Sino liligawan ko?"

Matapos mag-isip, ang isinagot ni Mikael ay...

"Solenn! Kasi naisip ko, si Sarah, ang ganda na...we’re friends na kasi so I kinda know her...very, very nice girl. Very pretty.

"She’s very sexy now, pero [ang] bata niya, e.

"Ako kasi plus-minus ko, two years lang, e. Plus two, minus two lang ako, e. Maarte ako sa ganun."

Twenty-four years old si Mikael ngayon at eighteen si Sarah.

"Malayo."

Akala naman ni Mikael ay bata rin si Sam.

"Si Sam, parang eighteen si Sam?"

Sinabi namin kay Mikael na twenty-two na si Sam.

"Ah! Akala ko eighteen siya!"

KEEPING HIS CLOTHS ON. Kailan ulit maghuhubad si Mikael onscreen?

"Ano ka ba naman? Sa Amaya nakabahag na nga ako palagi," ang tumatawang sagot ng hunky actor.

So hindi siya maghuhubad sa My Beloved?

"Hindi. Maganda, all-out Penshoppe ako ngayon.

"At least naman magagamit ko yung endorsement ko with Penshoppe, kasi napakabait nila sa akin. They’ve been very good to me, so it’s a nice way of giving it back."

Naitanong namin kay Mikael kung ano ang reaksyon niya sa tsismis na hindi na babalik sa Pilipinas ang co-Mercator artist niyang si Akihiro Sato na kasalukuyang nasa Brazil para alagaan ang amang may cancer.

"Talaga? E sabi niya sa akin, babalik siya. Kausap ko siya last December, yung last Penshoppe event namin.

"Well, I don’t know. Kasi hindi ko siya sina-Skype or anu- ano.

"Pero I don’t know with Akihiro, hindi ko alam."

If ever ba, matutuwa ba siya? Mababawasan ang kumpitensiya niya as Mercator talent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman ako matutuwa. Hindi naman kalaban si Akihiro, especially with the Mercator artists, lahat kami magkakaibigan, kami nina JC [Tiuseco], Ervic [Vijandre], Fabio [Ide], Hideo [Muraoka], we’re all friends."

Si Mikael daw ang paborito ng Mercator?

"I don’t think naman there are favorites. I-text natin si Jonas," tumatawang pagtatapos ni Mikael referring to Mercator Artist & Model Management’s head Jonas Gaffud.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN